HARLEM "Are you happy baby? Hindi ka pa ba pagod? Pwedi naman tayo magpaalam. Baka pagod na kayo ni baby." Malambing kong tanong sa aking asawa. Sobrang saya ng puso ko dahil finally asawa ko na talaga si Katrina. Nakaupo kami sa mini stage dito sa venue ng kasal namin. Pagkatapos namin ihagis ang bouquet at bulaklak. Napansin kong medyo matamlay si Katrina. Nag-alala ako baka mapano sila ni baby. "Daddy pwedi na ba? Medyo masama ang pakiramdam ko. Medyo may naamoy akong hindi ko gusto." Malambing niyang sagot sa akin. Kaya kaagad ko siyang binuhat pababa ng stage. Lumapit naman kaagad si Daddy Hyeusif. Para tanungin kung anong nangyari kay Katrina. Nang sinabi ko na okay lang siya Medyo sumama aking kanyang pakiramdam dahil may naamoy siyang hindi niya nagusthan. Kaya naging panatag an

