HARLEM "Kamusta ang pakiramdam mo wife? Hindi ka na ba nasusuka?" May pag-alala kong tanong sa aking asawa. Kanina kasi bigla nalang siyang sumuka sa higaan at umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang maramdaman ng buntis. Sana hindi ko muna siya bi-nuntis ulit. Kung pwedi lang sana ako ang maglihi gagawin ko. Huwag kang mahirapan si Katrina ng ganito. Binalik niya sa akin ang tubig na may asin dahil 'yun ang gustong niyang inumin. "I'm okay hubby! I'm sorry kung na isturbo kita. Hindi ko lang talaga mapigilan." Wika niya sabay subsob sa aking dibdib. Napansin ko na mas gusto niya lagi sumiksik sa aking dibdib. Hinaplos ko naman siya sa likod upang gumaan ang kanyang pakiramdam. "Sorry, Harlem. Kasal natin pero ganito ako. Kahit anong pigil ko. Hindi ko talaga maiwasan na sumama ang

