CHAPTER THREE

1619 Words
KATRINA Isang linggo na ako dito sa mansyon mula ng lumuwas ako sa Manila para magtrabaho. Huling kita ko kay Sir Harlem n'ong kinausap niya ako sa library. Mula nuon hindi ko na siya nakita pang muli. Hindi pa din dumating ang mga amo namin galing America. Sinabi ni Ate na tumawag daw sa kanya, na sa susunod na buwan ang kanilang pagbabalik. Kahit hindi sila umuwi may magandang balita naman akong natanggap. Dahil si Ma'am Shanti na daw ang mag pa paaral sa akin. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi ko na hintayin pa ang isang taon bago ako maka pag aral muli. Kaya gagalingan ko sa pagtatrabaho dito para kahit papano makabawi manlang ako sa kanyang kabutihan. Nag didilig ako ngayon ng mga bulaklak dito sa malawak na garden ni Ma'am Shannon. Pagkanta kanta pa ako habang nagdidilig. Ang ganda nang araw ko ngayon. Basta masilayan ko lang ang picture ni Sir Harlem kumplito na ang araw ko. Ngunit kapag naisip ko na baka hindi siya umuwi dahil magkasama sila nang kanyang fiancee. Bigla nalang akong nalulungkot. Haysst buhay, bakit ba kasi sa kanya pa nagka gusto ang aking murang puso? Pinagpatuloy ko ang aking pagdidilig. Kinukuha ko ang mga tuyong dahon para magandang tingnan. Habang abala ako sa pagkuha ng mga tuyong dahon may narinig akong ugong nang sasakyan na dumating. Sumilip ako kung sino ang dumating, ganun nalang ang pagbilis nang pagtibok nang aking puso nang masilayan ko naman ang gwapong gwapong kong crush. Malawak ang aking pagakakangiti na naka tanaw sa kanya. Ngunit biglang nawala nang makita ko na binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at lumabas ang kanyang fiancee. Paglabas ng babae sa sasakyan parang linta kong kumapit sa katawan ni Sir Harlem. Napanguso ako at nawalan na nang ganang magtrabaho. Ngunit naalala ko na pag aralin pala ako ni Ma'am Shanti. Kaya tinuloy ko nalang ang pagkuha nang mga tuyong dahon. Pagkatapos kong maubos kunin ang mga tuyong dahon. Inayos ko na ang mga ginamit ko saka pumasok na sa loob ng mansyon. Pagpasok ko, nakita ko silang dalawa sa sala nag haharutan. Sakit nila sa mata. Didiretso na sana ako sa loob nang mapansin ako ng babae. "Hey, you're a new maid here? Can you bring me a glass of water?" Ang OA lang kong magsalita. Pa english english pa. Ano ang akala niya sa akin hindi marunong mag english? "Hello, Katrina. Nan'dyan ka pala?" Biglang kinilig ako nang slight nang binati ako ni Sir Harlem. Parang hindi ko talaga kayang bigkasin ang salitang kuya. "Hello, Kuya. Nanggaling po ako sa garden nagdidilig ng mga halaman. Para kasing walang dilig ang mga bulaklak kaya diniligan ko na. Para maging fresh. Di kagaya sa nakita ko, na kahit parang bagong dilig naman pero hindi naman fresh." Nagtaka man silang dalawa sa sinagot ko ngunit nag patay malisya akong ngumiti. "Teka Madam, ano ba ang gusto mong tubig, malamig o hindi? Pero ang mas maganda mong inumin hindi malamig para fresh." Sarkatisko kong saad sa babae. "No need na Kat. Si Cherry nalang ang kukuha. Nagbibiro lang siya kanina. By the way this is your Ate Cherry. Babe she's Katrina at hindi siya maid dito." Pakilala ni Sir Harlem sa kanyang fiancee. Ngunit ganun nalang ang pagka kunot ng kanyang noo habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pa simple ko naman siyang inirapan. Susko ito ba ang gusto ni sir Harlem? Parang salamat Dok ang lahat. Malaki nga ang papaya ngunit hindi naman natural. Ang mukha parang barbie ngunit chaka doll. Ang lipstick na parang inubos na yata ang lahat na lipstick para lang pumula ang labi. Ewww! walang taste si Sir Harlem. "Nice to meet you po! AteCherry." Kunwari at napilitan na magalang kong bati sa kanya, ngunit sa loob loob ko parang gusto ko siyang hilain sa tabi ni sir Harlem na panay ang haplos sa dibdib. "Kuya, punta muna ako nang kusina. Ate Cherry nandun ho ang kusina baka hindi mo alam kung saan. Kaya tinuruan na kita. Sige po Kuya alis na po ako. Saka may kwarto po. Mahiya naman kayo sa bata." Pagkatapos kong magpaalam umalis na ako kaagad. Napansin ko na parang na ningkit ang mata ni Cherry. Nang sinabihan ko silang may kwarto naman. Mas lalong pumangit tse. Hindi ako dumiretso sa kusina kundi dumiretso ako sa aking kwarto para maligo at nang malamigan. Biglang uminit ang aking ulo sa lintang Cherry na yun. Ang akala mo kung sinong maganda. Ang pangit pangit naman. Makaligo na nga nang mawala ang init ko sa ulo. Pagkatapos kong maligo guminhawa ang aking pakiraramdam. Fresh na fresh. Papuri ko sa aking sarili. Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako nang aking silid. Mabuti hindi ko na sila nakita sa sala. Baka nasa kwarto na sila naglalampungan. Kumirot naman ang aking puso sa aking iniisip kong ano ang kanilang ginagawa sa kwarto. "Oy, Kat. Bakit ang haba haba ng nguso mo para kang nalugi sa lotto?" Untag sa akin ni Ate Airen nang pumasok ako sa kusina. "Wala ate may naisip lang. Ano ang lulutuin mo Ate?" Alas 10 na nang umaga kaya naghahanda na siya ng pananghalian. "Nag request si Sir Harlem nang sinigang na baboy at pork chop. Na miss niya raw ang lutong pinoy. Kahit mga katulong nila sa America puro pinoy naman. Galing pala siya sa America. Kaninang umaga lang siya dumating." Mas lalong humaba ang aking nguso na baka magka sama yata sila ni linta galing sa America sapagkat magkasama naman silang dumating dito. "Kumakain din ba ang fiancee ni Kuya nang ganyang pagkain Ate? Parang sosyal kasi ang fiancee ni Kuya eh.!" Walang prino kong tanong kay Ate. "Umalis na ang fiancee ni Sir Harlem, may biglang tumawag sa kanya parang emergency kaya umalis na siya. Hindi na sumama si Sir dahil pagod daw sa byahe. Saka hindi ko alam kong kumakain din ba siya niyo. Hindi pa naman siya naka kain dito. Saka hindi ako boto sa babaeng 'yun para kay sir Harlem . "Naks naman Ate, Mabuti naman." Mahinang sabi ko. "Anong sabi mo Katrina? Hindi ko narinig. Tanong ni Ate. "Kako pwedi bang ako ang magluluto Ate?" Alam ko naman magluto dahil magaling si Nanay magluto kaya tinuruan niya ako. At ang pinaka specialty kong lutuin ay sinigang. "Sigurado ka? Marunong kang magluto?" Panigurado pa ni Ate. "Oo naman Ate. Siya nga pala Ate, si Ate Lourdes anong oras ang punta niya dito? Kanina ko pa siya hindi nakita." "Basta araw ng Biyernes wala dito si Lourdes. Nandun siya sa condo ni Sir Harlem naglilinis. Mamaya pa sila babalik nang hapon. Kaya tayo lang ang nandito. Hindi ba nasabi ni Ate Lourdes mo sa'yo?" "Hindi niya nabanggit Ate, kaya pala hindi ko sila nakita ni Lia." Inumpisahan ko nang magluto ng sinigang. Si Ate naman ay nagluto na ng pork chop. Minarinate ko muna ang karne ng baboy sa spices para manuot ang lasa. Pagkatapos nilagay ko na sa kalan para gisa-gisahin para mas manuot pa lalo ang lasa ng spices sa karne ng baboy. Hanggang sa maging mabango at nilagyan na ng tubig para pakuluan na ang karne nang baboy. Alas onse y medya natapos kami ni Ate Airen sa pagluluto. Kaya nagtulungan kami na ihanda na sa dining area. Pagkatapos pinakiusapan ako ni Ate Airen na tawagin na si Kuya Harlem para kumain. Bakit ba, kapag binibigkas ko ang salitang Kuya? Parang may bikig sa aking lalamunan na parang hindi ko talaga matanggap ang salitang Kuya. Pagdating ko sa pintuan ng kwarto ni sir Harlem kumatok ako ngunit walang sumagot. Ilang beses ko pang inulit pero wala talaga. Pagpihit ko ng senadura mabuti at hindi naman naka lock. Kaya binuksan ko nalang para malaman ko kung nasa loob si Sir Harlem. Pagbukas ko, sakto naman ang paglabas ni sir Harlem sa kanyang banyo. Parehas pa kaming nagka gulatan. Naka tapis lang siya ng tuwalya sa kanyang baywang. Napatulala akong naka tingin sa kanya. s**t ang mala pandesal na katawan ni Sir Harlem bakit kay sarap haplusin. Nagtagal ang paningin ko sa umbok niya sa pagitan nang kanyang dalawang hita. Naalala ko naman ang gabi nang makita ko sila sa sala . Napalunok ako ng sarili kong laway. Parang may glue sa aking mata na hindi ko maalis alis ang aking paningin sa umbok ni Sir. Bakat na bakat kasi iwan kong may brief o boxer siyang suot sa loob. "Hey, Katrina. Bakit ka nakatulala?" Untag ni Sir Harlem na napabalik sa tama kong katinuan. Kong saan saan na naglalakbay ang aking pag iisip habang naka titig sa malaking bakat. "Kanin." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa rin sa bakat ni Sir. "Katrina bakit ka nakatulala. At Anong sabi mong kanin?" Untag ulit ni Sir sa akin. Bigla akong natauhan at mabilis na tumalikod. Sobrang nakakahiya. "Katrina what happened to you? At Anong ginawa mo sa kwarto ko?" Tanong ulit ni Sir sa akin na akma na sana akong aalis. "A- E! Kuya, kakain na daw nang tanghalian sabi ni Ate Airen. Kanina pa kasi ako katok ng katok pero hindi ka sumasagot. Kaya binuksan ko na, hindi naman kasi naka lock ang pintuan. So-sorry Kuya, kong pumasok ako." Nau-utal kong sabi sa kanya. Baka sabihin pa niya na binubusohan ko siya. "Okay, magbibihis lang ako. Susunod nalang ako. Salamat." Sagot ni sir Harlem. Pagtapos niyang sabihin umalis ako kaagad. Pagsara ko nang kanyang pintuan sumandig ako saka hinawakan ang aking dibdib na hanggang ngayon kumalabog pa rin ng malakas. Susko ang sarap kainin ni Sir. Kapag malaman ni Ate ang kahalayan ko sa utak. Tiyak makukurot talaga ako sa singit. "Tukso layuan mo ako." Sabay paypay nang aking kamay sa aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD