CHAPTER TWO

1920 Words
KATRINA "Grabi Ate, ang bongga ng higaan. Ang sosyal naman pala ng mga katulong may aircon pa at tv. May sarili ding banyo. Ang lambot lambot pa ng higaan. Parang gusto ko nalang maging katulong Ate." Masayang turan ko kay Ate ng dinala niya na ako sa magiging silid ko dito sa mansyon. Hindi pala sila dito nakatira ni Kuya Brandon. Sapagkat may sarili silang bahay sa likod ng mansyon. Kami lang dito ni Ate Airen na katulong din. May sariling kwarto din si Ate Airen. Ang mga body guard at mga driver may sarili ding bahay. Pagkatapos akong ipakilala ni Ate sa mga kasamahan namin, dinala niya ako dito sa magiging silid ko. Magpa hinga nalang daw muna ako, para bukas turuan niya ako, kung ano ang aking maging trabaho. "Loka, ka talaga Kat-kat. Ganito talaga basta mga mayaman. Kaya mag-aral ka nang mabuti para sa bandang huli magkaruon ka din ng ganito." Turan ni Ate. Tumango tango ako sa kanya at nag thumbs up. "Sige na magpahinga ka muna. Magpahinga na din ako. Parang napagod ako sa byahe. Kapag magutom ka mamaya alam mo na ang gagawin mo. Alam mo naman kung nasaan ang kusina. Kayo pa lang naman dito ni Airen kaya kahit gabi na, pwedi kang lumabas para kumain. Baka hindi na kami ni Kuya mo maka punta dito. Natapos naman ni Kuya mo ang trabaho at sinabi ni Airen na siya nalang muna ang bahala dito." Pagkatapos sabihin ni Ate, lumabas na siya sa aking silid. Humiga ako sa kama at nagpa gulong gulong. Ang lambot talaga. Nakaramdam ako kaagad ng antok kaya hindi ko namalayan napa himbing ako sa pagtulog. Nagising ako na madilim na ang paligid. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding alas otso na lala ng gabi. Grabi napahaba ang aking tulog. Siguro kasi malambot ang kama kaya napahimbing ang aking tulog kahit hindi naka paglinis ng katawan. Bumangon ako at pumasok sa loob ng banyo para maligo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis kaagad. Napili kong isuot ang manipis na short at maiksi saka nag suot lang ako ng sando. Ang sabi ni ate wala pa naman ang mga amo namin dito. Saka gabi naman kaya baka si Ate Airen tulog na rin. Pagkatapos kong magsuklay lumabas ako ng silid. Ngunit sa aking pag labas naka rinig ako na parang may nasasaktan na hindi ko alam kong nasasaktan nga ba. "Ahh! Ohh! s**t! f**k!" Narinig ko mula sa sala. Hindi ko makita kong sino dahil nakapatay lahat ng ilaw. Kinabahan ako na baka may nakapasok na ibang tao. O magnanakaw. Kaya maingat akong bumalik sa aking silid para kunin ang nakita ko kanina na pump sa loob ng banyo para ihampas sa tao kung sino man iyon. Maingat ang hakbang ko palapit sa sala na may tao na parang iwan kong magsalita. "Ohh!..Shit!.. s**t!..Ahh!.." Narinig ko ang boses ng babae. Bakit ganun siya magsalita? Dahil alam ko na kanina ang switch ng ilaw dahan dahan akong pumunta duon para i-on. Pagkabuhay ng ilaw at lumiwanag ang buong sala nakita ko ang lalaki na nakapatong sa babae na hubo't hubad. Lumaki ang aking mata sa nakita. Hindi ako kumurap sa pagtingin sa lalaki na ngayon tumigil sa pagbayo sa babae. "f*****g,.. s**t!.. Who are you?" Galit na tanong sa akin nang lalaki na parang pamilyar sa akin. Ngunit hindi ko alam ang nangyari sa akin dahil biglang nalang nag dilim ang aking paningin at nawalan ako nang malay. "Katrina, kamusta ang pakiramdam mo? Dinalhan kita ng almusal kumain ka muna. Anong nangyari sa'yo kagabi. Bakit ka nawalan ng malay. Tinawagan ako ni Sir Harlem na may nakita siyang babae na nahimatay." Mag pag alala sa boses ni Ate. Narito siya sa loob ng aking silid. Nagising ako dahil sa kanyang pag haplos sa aking mukha. Bigla kong nalala ang nakita ko kagabi. Sobrang nakakahiya, ang akala ko may ibang tao ang nakapasok. Dahil ang sabi ni Ate kami lang naman ni Ate Airen ang tao dito. "Ate, bakit sinabi mo kahapon kami lang dito ni Ate Airen? Kaya lumabas ako kagabi pagka gising ko, gusto ko sanang kumain nakaramdam ako ng gutom. Akala ko napasukan kami ng masamang tao. Kaya pagkakita ko sa sala na may tao, sa sobra kong takot na himatay ako." Pagsinungaling ko kay Ate. Baka hindi din nasabi ni Sir Harlem ang tungkol kagabi. Kaya pala pamilyar ang lalaki kagabi dahil siya pala si Sir Harlem. "Hindi ko din alam na dumating pala si Sir Harlem kahapon, dumiretso raw siya sa kanyang opisina. Sinabi niyang hindi nga talaga siya nagpasabi na uuwi siya. N'ong tinawagan niya kami kagabi nakahiga kana sa sofa. Tapos pagdating namin nagtanong siya kong sino ka, n'ong nalaman niyang kapatid kita binuhat ka ni Sir papasok sa silid mo. Biglang sumaya ang puso ko sa narinig. Kinarga ako ng crush ko. Pero biglang nawala nang maalala ko ang nakita ko kagabi na hubo't hubad at may kasama pang babae. Siya marahil ang nobya ni Sir Harlem. "Sige na kumain kana at magpahinga. Umalis naman ng maaga si Sir. Kaya huwag ka munang magtrabaho. Hindi naman 'yun uuwi mamay si Sir. Baka sa condo niya o sa condo ng fiancee niya. Alam niya naman na masama ang pakiramdam mo. Kapag okay kana pwedi ka nang lumabas mamaya. Sa ngayon kumain kaya at magpahinga. "Salamat Ate, hindi ko lang talaga akalain na may tao kagabi. Saka pwedi ba talaga Ate na hindi muna ako mag umpisa ng trabaho? Medyo masakit talaga ang ulo ko eh! Pagsinungaling ko ulit kaya Ate. Parang ayaw ko munang lumabas sa kwarto, sariwa pa ang nakita ko kagabi sa sala. Bata pa ako ngunit hindi naman ako inosenti sa ganung bagay. Pero kagabi lang ako nakita ng live, shocks ang laki. Pinilig ko ang aking ulo para mawala sa isipan ko ang nakita ko kagabi "Sige lalabas na ako. Pagkatapos mong kumain uminum ka kaagad ng gamot at magpa hinga." Paalala ulit ni Ate. "Salamat ulit Ate." Paglabas ni Ate humiga ako ulit. Iniisip ko ang nakita ko kagabi. Bakit duon pa nila ginawa, may kwarto naman? Tapos wala lang kay Sir Harlem ew!" Bumangon ako saka kinain na ang dinalang pagkain ni ate . Pagkatapos kong kumain humiga ako ulit dahil parang ang bigat bigat ng aking pakiramdam. Hindi sa nahimatay ako, kundi ang insipin na nakita ko ang crush ko na may kalampungan. Haysst makatulog na nga lang. Nagising ako bandang alas kwatro ng hapon. Napasarap ang aking tulog. Bumangon ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis. Bitbit ko ang aking pinagkainan lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Nadatnan ko si Ate Airen na naglilinis ng sahig. "Good afternoon Ate." Bati ko kay ate Airen dahil hindi niya ako napansin. Abala siya sa pag mop sa sahig. "Oi, kaw pala! Katrina. Kamusta ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang kumain? Hindi ka naka kain ng pananghalian." Sambit ni Ate Airen. "Salamat Ate, pero okay na ako Ate. May pwedi bang kainin Ate? medyo nagutom din ako eh!" Nahihiya kong tanong kay Ate Airen. "Maraming pagkain d'yan at pumili ka lang ng gusto mo. Si Ate mo pala nasa bahay nila. Kanina pinuntahan ka sa silid mo, pero tulog kapa daw kaya hindi ka na niya ginising. Mamaya pa siya pupunta dito mga alas sais ng hapon. Salamat ate. Tiningnan ko ang mga pagkain natakam ako sa nakita kong bangus na paksiw at sinigang kaya 'yun ang kinuha ko at nag umpisa nang kumain. Nagpaalam si Ate Airen na lalabas na para magpahinga. Kaya mag-isa nalang ako sa kusina. Busog na busog ako sa aking kinain. Nagpahinga ako saglit bago hinugasan ang aking pinagkainan. Naisipan kong puntahan si Ate sa kanilang bahay pagkatapos kong maghugas. Paglabas ko ng kusina lalabas na sana ako sa mansyon nang nadaanan ko ang picture ni Sir Harlem. Napatitig na naman ako. Kahit sa picture lang kapag makita ko siya parang kumplito na ang araw ko. "Bakit ang gwapo gwapo mo. Inlove na yata ako sa'yo. Pero ang sakit sakit dito sa puso ko, na hindi mo ako pinili. Sana ako nalang, sana ako nalang." Pagda drama ko sa kanyang picture. "What are you doing?" "Ay kabayo nga dako dako!" (Ay kabayong malaki) sa tagalog. Napatalon ako sa gulat ng may baritonong boses akong narinig mula sa aking likuran. Kaya dahan dahan akong humarap. Parang nanlaki ang aking mata kong sino ang may ari ng boses. Ang crush ko na sobrang gwapo sa kanyang suot na pang opisina. Shocks hindi ma tigil tigil ang pagtibok ng aking puso. Parang hihimatayin na naman ako sa kanyang harapan. Biglang mapatingin ako sa pagitan ng dalawang niyang hita. "Hey! What are you looking?" Napabalik ako sa sariling wesyo nang magsalita ulit si Sir Harlem. Sobrang nakakahiya nakita niyang naka tulala ako sa pagitan ng kanyang hita. Kaya napakamot nalang ako sa aking batok. "A-E- Si-Sir. Sorry po!" Tanging nasabi ko na nau-utal dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Parang tatakbo nalang ako para magtago. Bakit ba ganito nalang ang aming pagkikita puro wrong timing. Ang akala ko hindi siya uuwi gaya nang sinabi ni Ate kanina. "I'm sorry kong natakot ka kagabi at nahimatay. Hindi ko alam na may ibang tao pala at bata pa. Pweding mag usap tayo sa library?" Hindi ako kumukurap habang nakatingin sa kanya. Pati boses ang ganda. Napatango nalang ako sa kanya at sumunod sa kanya kong saan siya pupunta. "What is your name again? And how old are you?" Tanong ni Sir Harlem sa akin nang makapasok na kami sa loob ng kanyang library. "A-ano Sir, Katrina Garcia po at 16 years old po." Sagot ko sa kanya na kinakabahan. Parang mabibingi na ako sa lakas ng pagtibok ng aking puso. Bigla pa yata akong magkasakit sa puso. "I see, ang bata mo pa pala. Gusto ko lang pormal na humingi ng sorry kagabi sa nakita mo. Medyo naka inum lang ako at hindi mapiligilan ang aking sarili dahil na miss ko rin ang aking fiance. Sana sa atin lang ang nakita mo kagabi. Next time I will be careful." Anya. Wala sa sarili napatango na lamang ako. "Im Harlem Weinstein. Just call me Kuya. Parang katulad ka din ng kapatid ko. Sa ngayon wala sila dito. Nasabi naman yata ni Lourdes. Minsan lang naman ako umuwi dito sa mansyon dahil nasa America pa ang buo kong pamilya. " Turan ni Sir Harlem na naka ngiti. Susko lord bakit mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko? Pero Kuya? Parang ayaw tanggapin nang isipan ko na Kuya lang pala. "Salamat Sir, este kuya. Napipilitan kong sagot. Parang hindi ko kayang bigkasin ang salitang Kuya. "Sorry din po sa ginawa ko kagabi. Ang akala ko kasi kong ano ang naririnig ko. Tapos madilim pa. Sinabi kasi ni Ate Lourdes na walang ibang tao ngayon kundi kami lang ni Ate Airen. Sorry po ulit." Turan ko na naka yuko. Dahil kapag tinitigan ko siya parang mahimatay ako ulit. "Okay, let's forget what happened last night. Welcome to our house Katrina. Bakit ka nakayuko?" Kaya nag angat ako ng tingin at kemeng ngumiti. "Lalabas na ako Kuya. At salamat po!" Pagkatapos kong magpaalam mabilis ang hakbang ko paglabas ng library. Pagsara ko nang pinto hinawakan ko ang aking dibdib na sobrang lakas ng pagtibok. Bakit ganito kalakas ang pagtibok? May sakit na ba ako sa puso?" Tanging natanong ko sa aking sarili bago tuluyan nilisan ang library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD