KATRINA Katrina isa, kapag hindi ka tumigil malalagot ka talaga sa akin." Sigaw niya pa rin na may pagbabanta. Ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paglakad. Naka kuha na kami ng atensyon sa ibang tao. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lamang ay makalayo sa kanya. Lumakad pa ako sa kalsada dahil walang taxi na dumaan. Sunod naman siya ng sunod sa akin. "Isang hakbang pa Katrina." Mautoridad at matigas niyang sabi. Ngunit ayaw ko pa rin siyang pansinin. Hahakbang na sana ako ulit nang bigla akong napatili ng lumutang ako sa ere. Ang hinayupak binuhat niya ako na parang isang sako. Saka bigla niyang pinalo ang aking pang upo. Bigla namang nag init ang aking mukha sa kanyang ginawa. At parang may milyon milyong boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking buong katawan nang mag lapat muli a

