KATRINA Isang linggo magmula ng makabalik ako dito sa Manila. At nakalabas na rin si Ate sa ospital. Ako ang nag alaga sa kanya at sa dalawa kong pamangkin. Nagta-trabaho pa rin si Kuya Brandon sa mansyon. Nalaman ko din na may ibang bahay na pala si Ma'am Shanti kasama ang kanyang pamilya. Kinasal na pala sila ni Sir Arvey. Hindi ko pa sila naka usap dahil nasa America pa silang lahat kasama sina Madam Shannon at Sir Harry. Nahiya na akong tawagin sila na Tita ,Tito at Ate na gusto nila dati na 'yun ang itawag. Dahil sa nangyari nuon parang nakunsensya ako. Pinaaral nila ngunit lumayo lang ako dahil sa katangahan sa isang lalaki. And speaking of him, araw araw din siyang pumupunta sa bahay ni Ate. Kunwari may ibibigay sa dalawa kong pamangkin at bisitahin si Ate. Minsan nakikita ko ang p

