KATRINA AFTER ONE YEAR Ang bilis ng araw isang taon na ako dito sa bahay ni Cheska bilang katulong. Hindi pa rin tuluyan bumalik ang aking alaala at patuloy pa rin akong ina-alila ni Cheska. Gabi-gabi ko pa rin napa naginipan ang lalaki na umiiyak habang tinatawag ang pangalan na baby. Minsan nanaginip din ako ng dagat. Minsan may tinawag din akong pangalan sa aking panaginip ngunit hindi ko matandaan. Gaya ng mukha ng lalaki na hindi ko makita ng klaro. Kapag iniisip ko ang lalaki. Bigla nalang kumikirot ang aking ulo kaya hindi ko na masyadong iniisip. Naniniwala pa rin ako na balang-araw maka alala din ako. Pero kailan? Yan palagi ang tanong sa aking isipan. Sabado ngayon kaya nag lalaba Aao ng mga kurtina at beed sheet. Sinabi ni Cheska bago siya umalis kailangan ko daw maglinis sa

