HARLEM Nang makabalik ako sa Manila hindi muna ako bumalik sa kompanya. Maayos naman ang pagpa takbo ni Remy kaya panatag akong magampanan ni Remy ang pagiging CEO. Bumalik ako sa pagiging mafia. Inumpisahan kong hanapin ang lahat na sangkot sa pagkuha at pag patay sa aking mag-ina. Ngunit hindi ko malaman kung sino ang babaeng sinasabi nila na kanilang tunay na amo. "Boss maawa po kayo sa akin. Kailangan ko lang ng pera kaya nagawa ko iyon." Pagmamakaawa ng lalaki na isa sa kasama na kumuha kay Katrina. Kahit anong tanong ko at putol putol na ang kanyang mga daliri sa mga paa. Tanging sagot ay hindi nila nakita ang mukha ng kanilang amo. Dahil sumusuot daw ito ng maskara kapag kausapin sila. Dahil sa sobrang galit ko at hindi ko na ma control pa ang aking sarili. Walang awa ko ito

