KATRINA Bigla akong napabalikwas sa aking hinihigaan ng may napanaginipan ako na lalaki. Nakatanaw sa dagat na umiiyak habang sinasambit ang salitang baby. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil madilim sa kanyang kinaruruunan. Biglang sumakit ang aking ulo at kumirot ang aking puso. Parang nangungulila siya taong mahal niya. Sino kaya siya? Bakit ganun ang panaginip ko? Parte ba siya ng nakaraan ko? Kinuha ko kaagad ang tubig sa gilid ng aking higaan at inisang lagok lamang. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Sobra din ang aking pawis. Ang bilis ng pagtibok ng aking puso sa lalaking nasa aking panaginip. Hindi ko alam kung kailan babalik ang aking alaala sana lang talaga kahit kunti may maalala ako ng aking nakaraan. Sana may naghahanap din sa akin. Sana may pamilya din ako

