"Ano ang ibig niyong, sabihin? May alam kayo sa nangyari sa asawa ko?" Umigting ang aking panga habang kaharap ang lalaki na bigla nalang sumulpot sa kanyang harapan. Galing ako sa laot dahil alas onse na ng umaga. Napag-isipan kong bumalik sa dati na maging malakas upang simulan hanapin si Katrina. Ngunit nagulat ako ng may biglang sumulpot na lalaki na parang natatakot at panay tingin sa paligid. Kaya sinama ko siya sa loob ng mansyon. "Opo sir, may alam po ako tungkol s nangyari sa asawa mo. Pero wala akong alam sa kanilang ginawa. Huli na ng nalaman ko. Kaibigan ko si Mando, kailangan ko ng pera sa mga oras na 'yun. Pumunta ako sa bahay nila upang humingi ng tulong sa kanya. Plano kong mangutang ng pera dahil kailangan ma-operahan ang anak ko. Pagdating ko sa kanila sinabi niya na may

