Mabilis ang hakbang ni Harlem pabalik sa kanilang bahay ng nakuha niya ang pinaluto ni Katrina na bilo-bilo kay Luz. Pagdating niya kanina sa bahay ni Luz bigla nalang siyang kinabahan na hindi niya alam. Pumasok kaagad sa isip niya si Katrina. Kaya hindi na siya nagtagal pa sa bahay nila Luz. Pagdating niya sa kanilang bahay nangunot ang kanyang noo kung bakit nakabukas ang pinto. Pero hindi niya makita si Katrina. Pagpasok niya sa loob wala si Katrina sa sala.Tinawag niya pa ang ngalan ng dalaga ng paulit-ulit Ngunit walang sumasagot. Hindi naman ugali ng dalaga na mag biro. Ngunit naka on pa rin ang tv. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso. Mabilis siyang nagtungo sa kusina pero wala pa rin Katrina siyang nakita. Nilapag niya ang bit-bit niyang tupperware sa mesa at mabilis na luma

