"Dahan dahan lang baby. May gusto ka pa ba? Sabihin mo lang at bibilhin natin." Malambing na tanong ni Harlem kay Katrina. Sarap na sarap si Katrina sa shawarma. Naka tatlong piraso na siya pero hindi pa rin siya makuntinto kaya umorder pa ulit si Harlem. Ang iba ayaw sa bawang kapag buntis. Pero si Katrina gustong -gusto ang bawang. Nag-alala naman ang binata habang nakatingin sa dalaga. Sapagkat parang hindi ningunguya ni Katrina ang pagkain. Parang nilulunok niya lamang ito. "Ang sarap Daddy . Parang ito ang nagustuhan ni baby." Nakangiting wika ng dalaga habang patuloy sa pagkain. May nakalabas naman sa gilid ng kanyang labi kaya pinahiran ni Harlem gamit ang kanyang thumb at dinala ng binata sa kanyang labi. Namula naman ang mukha ni Katrina sa ginawa ng binata. Sapagkat parang inaak

