THIRD POV "Baby, gising na. Let's eat. Pagkatapos mamasyal tayo sa Isla." Pag-gising ni Harlem sa dalaga. Dinala niya ang pagkain dito sa kanilang silid. Alas otso ng umaga nagising si Harlem at nagsimula sa pagluto ng kanilang almusal.Simula ng nagkaayos at pumayag si Katrina magpakasal sa binata. Si Harlem na ang tudo asikaso kay Katrina kahit sa pagluto ng kanilang pagkain. Buhay reyna si Katrina sa piling ni Harlem. Ang plano na apat na araw ay nauwi sa dalawang buwan. Dalawang ang buwan na sila sa Isla ng Masbate. Sinulit talaga ni Harlem na makasama ang dalaga. Si Shanti katulong si Arvey, sila muna ang nag-asikaso ng kanilang company sa Manila. Alam na rin ng kanyang pamilya na nagkaayos na sila at malapit na rin magpakasal. Hindi naman bumalik ang Daddy ni Katrina sa Canada. Hinta

