Chapter 9

1413 Words
"N-Nice to meet you po…" sa mababang boses ay sabi ni Ivy. Halos hindi na marinig ang boses ni Ivy sa sobrang hina noon. Hindi rin siya makatingin sa ina ni Eon dahil sa sobrang hiya. 's**t. Pwedeng lamunin na lang ng lupa? Meet the family naman kasi agad!' "Bunso?" rinig niyang tanong pa ng ama ni Eon sa daddy niya. "Yeah. One out of two." Her father laughed a bit. Ivy still didn't looked up. Sana talaga lamunin na lang siya ng lupa. Great timing naman kasi. "Bumalik na pala si Ivo?" tanong pa ng daddy ni Eon. Bahagyang tumawa ulit ang kanyang daddy. "Yeah, last week. May tinatapos pa kasing thesis. Patapos na,e," sabi pa ng daddy niya. "Boston, right?" "Yeah." Dahan-dahan ay umatras si Ivy para hindi makita ng mga ito at hindi siya makasali sa mga pag-uusapan. Kasi naman no, naa-awkward na siya roon. Pakiramdam niya ay out of place siya roon. Minabuti niya na lang tuloy na bumalik kina Wella at Ella na nasa couch at pinagmamasdan lang siya. Nang makaupo siya sa couch ay napabuga na lang siya ng hininga at saka isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Napahinga siya nang maluwag at napailing na lang. "Girl, are you okay?" natatawang sabi pa ni Ella sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka umiling lang sa mga ito. Mabilis na kinuha niya pa ang kanyang iced tea at ininom iyon. Muntikan pa nga siyang mabulunan dahil sa sobrang pagmamadali. Mas lalong natawa sa kanya ang kanyang mga kaibigan. "Gosh, girl, you look so flushed. Kaloka ka." Mas tumawa pa si Ella sa kanya. Sinimangutan niya lang ang mga ito bago siya uminom ulit ng iced tea. Naghaharumentado ang kanyang puso habang tinitingnan ang mga magulang niya at ang mag-asawang Legaspi. Nakagat niya na lang ang labi habang tinititigan ang mga ito. Tila nagkakasiyahan pa ang mga ito sa pag-uusap. Sumasali na nga iyong dalawang kuya ni Eonren at pati na rin mismo si Eonren. Kitang-kita niya ang pagngisi ng lalaki habang nakikipag-usap sa mga magulang niya. Nakagat niya na lang tuloy ang kanyang labi habang nakatitig sa lalaki. For some reason, sobrang gumuguwapo ang lalaki sa tingin niya at hindi niya alam pero sobrang kinakabahan siya habang nakatitig sa lalaki. Halos masugatan na nga ang kanyang labi habang pinapanood ang bawat galaw ng lalaki. Napapikit na lang siya at saka huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. Lokang- loka na siya sa mga pangyayari dahil hindi talaga siya prepared sa pa-meet and greet ng pamilya ni Eonren, no. 'Damn. Kung alam ko lang na I will be meeting them today pala, sana nag-ayos man lang ako di ba? Kaloka kayo parents!' Kulang na lang ay mapahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Nag-uusap na sina Wella at Ella roon pero siya ay hindi pa rin mapakali. Napabuntong-hininga na lang siya at kumuha ulit ng iced tea para inumin. Nilagok niya iyon nang tuloy-tuloy at saka muling ibinalik ang tingin sa mga magulang na nakikipag-usap pa rin sa ibang businessman nice ngunit ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang makitang nakatingin din sa kanya si Eonren. Tila na-freeze na naman siya sa kanyang kinauupuan nang magkatagpo ang kanilang mga tingin. Parang nagkakarera ang puso ni Ivy habang magkatitigan sila ng lalaki. Napalunok pa siya nang makitang naglalakad ito palapit sa kanila. Mabilis niyang siniko si Wella na noon ay nasa kanyang tabi. "Hmm ano ba?" tanong pa nitong hindi rin naman niya nasagot dahil mas pokus siya kay Eonren na palapit sa kanila. Parang tambol ang kanyang puso na grabe sa pagtunog. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay lalabas na ito sa kanyang puso ano mang oras ngayon. Panay na rin ang mura niya sa sarili habang nagkakatitigan pa rin sila ni Eonren at napalunok na lang siya nang sa wakas ay huminto na ito sa harapan niya. "Hey, are you guys enjoying the night?" nakangiting tanong pa nito. Umawang ang bibig ni Ivy at rinig na rinig niya ang pagsinghap ng kanyang mga kaibigan. Kumapit pa agad si Wella sa kanya at marahang siniko siya na para bang sinasabing, "chance mo na ito girl! Grab it!" Kaya inayos niya ang sarili at saka siya lumunok nang marahan. "Uhm y-yeah, yeah! We're fine," sa wakas ay sabi niya habang ibinibigay ang pinakamatamis niyang ngiti. Kamuntik na siyang ma-heart attack nang mag-abot si Eon sa kanila ng drinks. "Here, enjoy yourselves, aight?" Ngumiti ulit ito sa kanila bago ito tumalikod. Napatitig naman si Ivy sa inilapag nitong mga inumin sa lamesa nila. Akala nga niya siya lang iyong tulala pero nang lingunin naman niya ang dalawa niyang kaibigan ay tulala rin ang mga ito. Eksaheradang sinapo naman ni Ella ang bibig habang nagkakatitigan sila. "Oh my gosh!" halos sabay na sabi ng dalawa sa kanya. Kinunutan niya ng noo ang mga ito. "Ano ba!" reklamo niya pa. Impit na tumili ang dalawa. "May interaction na kayo after so many years!" Ella beamed. "Omg, true! And omg! Ivy!" Niyugyog siya ng mga ito. "Aray! Ano ba naman yan!" reklamo niya pa. "Pinansin ka niya, Ivy! Pinansin ka! Yiee!" At mas niyugyog pa siya ng mga ito. Napakagat ulit siya ng labi at napayuko na lang sa kahihiyan. Huminga siya nang malalim at mas diniinan ang pagkakagat niya sa labi para itago ang nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. 's**t. That was our first interaction for years…' Hindi na nawala ang ngiti sa mukha ni Ivy nang gabing iyon. Ang dami niyang nakahalubilo pero isang tao lang talaga ang nakapagpangiti sa kanya buong gabi at iyon ay si Eonren. She tried to have a conversation and interaction with him again but then he was greeting so many people and he was in different places. Sobrang gala noong isang iyon lalo na nang dumating ang mga pinsan nito. Nevertheless, buo na rin naman ang gabi ni Ivy dahil sa interaction nila ni Eonren. She felt those ticklish butterflies in her stomach again it was so overwhelming and so good to feel. Noon niya na lang ulit naramdaman ang ganoon. *** "Hi, kuya!" masayang bati ni Ivy sa kanyang Kuya Ivo. Kararating lang nila mula sa golf club at hindi niya mapigilang hindi maging hyper dahil sa good news na kanyang natanggap. Sobrang saya lang niya noong gabing iyon to the point na hindi na tuloy niya natago ang mga ngiti sa labi. Agad na tumaas tuloy ang kilay ng magaling niyang kuya sa kanya. "So happy, huh," sabi pa nito sa kanya. Ngumuso lang siya rito. "Bawal maging happy?" balik na tanong niya naman agad. Umirap lang din ang kuya niya. "Tss. I'm serious here, Ivy," he said in a warning tone. Napairap na lang tuloy ulit siya rito. "Come on, kuya. What is it nga kasi? I mean bakit ka ba tumawag? Di ba morning diyan?"curious na tanong niya pa. Pinaniningkitan pa rin siya ng mga mata ng kanyang magaling na kapatid. "Tsk. I just heard something earlier," sagot nito. Agad na umangat ang isang kilay ni Ivy. "At ano naman iyon?" tanong niya pabalik. Ilang saglit pang nakatitig lang ang kanyang kuya. Siya naman itong hindi mapakali kaya mas lalo tuloyng na-curious ang kuya niya sa kanya. "Do you like Eon?" sa wakas ay sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Ivy "Kuya! Anong sinasabi mo!" aniya pa kahit na ang totoo ay sobrang kumakalabog na ang kanyang puso sa sobrang kaba. Hindi niya kasi alam kung ano na namang nangyari sa magaling niyang kuya at ganoon na lang ang pagtatanong nito. Nakakaloka naman kasi. Narinig niya itong umismid. "Answer me," sambit ulit ni Ivo kaya napalunok na siya at napatitig sa kapatid. Parang may nagbara sa kanyang lalamunan habang nakatitig sa mga mata ni Ivo. Hindi siya makasagot kaya mas lalong lumala ang duda sa mukha ni Ivo. "Tsk." Umiling-iling pa ito sa kanya. "He's not the ideal guy for you, Ivs," sabi pa nito. Nangunot ang noo niya. "What are you saying?" takang tanong niya pa. Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan nito sa kabila. "I just know what he's capable of. I don't want you to suffer because of that. He's a heartbreak waiting to happen. Always check the breaks," sabi nito. Hindi niya alam pero parang may tumama sa kanyang puso nang marinig iyon. 'Is he really a heartbreak waiting to happen? Why? Gosh. Why am I even thinking about it! E, ang layo rin naman noon sa katotohanan, no. Kaloka ka naman.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD