Chapter 10

1415 Words
"Crush lang naman iyon, Kuya. There's nothing wrong with that." "Tsk. I know that okay? And yeah, it's just a crush so just don't get attached. He's not good for you." Hindi napigilan ni Ivy ang mapaisip sa sinabi ng kuya niya. Paano ba naman kasi tumawag talaga ito para lang sabihin iyon. Hindi niya rin alam kung sino ang nagsumbong sa magaling niyang kuya at bakit sobrang updated naman yata nito. Hell, she didn't even know how he managed to know about her crushing on Eonren dahil sa pagkakaalala niya ay iyong dalawa lang naman ang sinabihan niya tungkol doon. Napaisip na rin tuloy siya kung sinusumbong ba siya ng dalawang iyon. 'Hmm. No din, e. Kahit mga gagi iyong mga babaitang iyon mga loyal naman iyong mga iyon kaya sure akong hindi nila ako ilalaglag, no.' Ngumuso siya at saka gumulong na naman sa kanyang kama. Maghahatinggabi na at hindi pa rin siya makatulog. Inaatake na naman siya ng incsomnia tapos itong kuya niya ay dinagdagan pa sa pagpapa suspense nito sa mga sinabi tungkol kay Eonren. Sino naman ang hindi maloloka niyan. Napailing na lang ulit siya at saka nagpagulong-gulong na naman sa kama. Wala siyang ginawa kundi ang magpagulong-gulong sa kama niya at hindi talaga siya makatulog. Napailing na lang siya at saka nagdesisyong tumayo na rin. Bumuga siya ng hininga at saka inabot ang kanyang laptop sa may bedside table. Sumandal siya sa headboard ng kama at saka binuksan ang laptop. Hindi niya rin alam ang gagawin niya sa totoo lang pero ang nanatili sa kanyang isipan ay iyong mga sinabi ng kuya niya kaya hindi niya rin tuloy napigilang ma-curious doon. Napailing na lang siya. She ended up opening her social media accounts. She doesn't usually stalk at noong nakaraang stalk niya sa lalaki ay tila wala naman siyang napala dahil iilan lang din naman iyong mga nakita niya. Ngumuso siya at saka nag-stalk na ulit sa mga accounts ni Eonren. Sinuyod niya pa iyong mga naka-tag na mga tao sa mga picture nitong gumagala. Hindi naman kasi talaga siya updated sa buhay ng lalaki. Bukod sa ang tagal nitong wala sa bansa after ng graduation nito ay malayo sa buildings nila ang building nito noon kaya wala rin. Iyong information niya lang tungkol dito ay iyong mga pinagchi-chismisan ng mga ka-batchmateniya na may crush din sa lalaki. Napalunok na lang tuloy siya habang tinititigan ang kanyang ginagawa. She cannot believe she’s doing this! Hindi niya alam kung bakit pero kahit na sinabi niya sa kuya niyang crush lang naman ang nararamdaman niya sa lalaki, hindi maitatangging hindi lang naman talaga iyon ang nararamdaman niya. Nag-uumapaw ang totoo niyang nararamdaman at alam niya rin sa sariling hindi lang basta paghanga iyon. Hindi siya nag-e-effort nang ganito sa mga crush niya lang ’no! Napakamot siya sa ulo at napatitig na lang sa kanyang laptop. Iniiling niya pa ang sarili habang bumubuntong-hininga. “Gosh, Ivy, hindi ikaw ito! Kaloka ka, bakit ba sobrang effor mo sa guy na iyon?” Napaungot na lang siya at saka mabilis na isinara ang laptop. Itinabi niya ulit ito at saka siya nagtalukbong ng comforter. Mariing ipinikit niya ang mga mata at saka pinilit ang sariling matulog na lang pero hindi talaga siya makatulog. Nakapikit ang mga mata niya pero buhay na buhay ang kanyang isipan na tila ba walang kapaguran sa pag-iisip ng mga kung ano-ano. Halos isubsob na nga niya ang mukha sa yakap-yakap niyang unan para lang makatulog na siya pero to no avail ay hindi pa rin talaga siya makatulog. Makailang beses na rin siyang nagpagulong-gulong doon hanggang sa katawan na niya mismo ang napagod at nakatulog na lang siya sa wakas. Hindi niya alam kung anong oras na iyon. Ang mahalaga ay nakatulog na siya sa wakas. Kinabukasan, maaga ang klase niya kaya kailangan niyang gumising nang maaga. Thankfully for her body, she was still able to wake up on time kahit na kulang-kulang ang kanyang tulog. Humihikab pa siya nang pumunta sa banyo para maligo. Tamda na tamad ang mga kilos niya papuntang CR. Muntikan pa nga siyang makatulog sa shower kung hindi lang dumating ang yaya niya para i-follow up na siya at hinahanap na raw siya ng mga magulang niya. Nataranta naman tuloy siya sa pag-aayos bago patakbong bumaba ng hagdan. Dumiretso na siya sa dining at naabutan niya ang inang pinagsisilbihan ang ama niya. “Thanks, love,” her father said sweetly and even kissed her mother’s hand. Napangiti na lang si Ivy sa mga ito. Ngumiti rin ang mommy niya at umupo na. Nakita siya nito kaya agad siya nitong tinawag. “Anak, halika na. Kumain ka na,” anito. Agad na dumireso rin siya roon at tumabi sa kanyang ina. “You’re going to your clinic this early, Mom?” tanong niya nang makitang naka-labcoat ang ina. She looks very stunning with her simple dress and a lab coat. Nginitian siya nito at saka kinuhanan din ng kanin. Her mother is always like this. Kahit na may mga katulong sila ay pinagsisilbihan pa rin sila nito. Hindi niya nga alam kung paano nitong napagsasabay ang mga ginagawa. Imagine, her mother is a doctor, a businesswoman and ito pa ang nagha-handle ng mga foundation ng daddy niya. She’s just so awesome. “Ah oo, anak. May kailangan akong asikasuhin para sa medical mission gn foundation. Kami kasi ang head doon.” Ngumiti ito sa kanya. Narinig niya naman ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama. “Please don’t overwork yourself, hon,” nag-aalalang sabi pa nito per mas ngumiti lang ulit ang mommy niya. “Xamuel, okay lang ako. Masaya nga ako sa ginagawa ko, e.” Kita niya ang pag-iling ng daddy niya at hinalikan ulit ang kamay ng mommy niya. She couldn’t help but smile to herself. Ang sweet naman kasi ng mga magulang niya, no. Naiinggit na lang talaga siya sa mga ito. “If you say so. Anyway…” Bumaling naman ang ama sa kanya. “Bakit ang tagal mong nagising? And you still look sleepy, Ivy,” anito. Ngumuso siya. Hindi na nito kailangan pang magtanong para sumagot siya. Napakamot pa siya ng ulo. “Uhh inatake na naman po kasi ako ng insomnia,” sabi niya pa. Nag-aalalang tumingin ang mommy niya sa kanya. “Ipa-check up mo na iyan.” Tipid na ngiti lang ang isinagot niya. “Don’t worry po, sasabihin ko kay Doc sa monthly check up natin.” “Hmm sige, sige. Kumain ka na riyan.” Nginitian niya ulit ang ina. “Yes, Mom!” *** Traffic was hell on the way to her school, which made Ivy run to the campus like there was no tomorrow. Para siyang sumali sa marathon at halos hindi na siya makahinga nang dumating sa school. Mas lalo pa siyang nainis dahil lapot na nga siya, ang dami niya pang dala at may mga ganap siya sa org at marami rin siyang papers na kailangan i-submit. Inis na nagpapadyak siya habang binabagtas ang buong field. Bwisit na bwisit pa rin siya habang dala-dala pa rin ang kanyang mga gamit. Napaungot na lang siya sa sobrang frustration at mas binilisan pa ang lakad papunta sa building nila. She was ranting her heart out dahil sa ang daming requirements ng mga professor nila habang papunta siya ng building nila. Dahil sa pagmamadali at sa dami ng kanyang dala ay hindi na siya nakatingin pa sa dinadaanan. Napahinto na lang siya at muntikan pang matumba nang bumangga siya sa isang tao. Isang malutong na mura ang kanyang binitiwan at agad na napatingin sa nakabangga. Handa na nga sana siyang magmura at pagalitan ang nakabangga nang matigilan siya nang magtagpo ang kanilang mga tingin. ‘s**t! Not again?!” “You okay?” Eonren’s concerned voice echoed in the corridor of the building. Napakurap-kurap siya at tila nawala na naman sa kanyang sarili. Natulala yata siya roon ng ilang segundo habang nakatitig sa mata ng lalaki. Kita niya pa ang pagkunot ng noo nito na tila ba nagtataka sa kanyang reaksyon kaya mas lalo siyang nahiya at gusto niya na lang ulit magpalamon sa lupa. Nakita na naman siya nitong nakatulala rito! ‘Omg! s**t! Ivy Joyce, hanggang kailan mo ba ipapahiya ang sarili mo kay Eon?! Nakakaloka ka!’ Sa sobrang hiya ay mabilis na tumakbo siya paalis doon, hindi na inalintana kung may nahulog man sa mga gamit niya o wala. Gusto niya lang makaalis doon dahil hindi niya na kinakaya ang kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD