Chapter 2: The Past part one

2289 Words
Kier NATATARANTA na ako. Hindi sinasagot ni Jana lahat ng tawag ko pati na rin text messages. Sinubukan ko siyang tawagan uli. But this time, out of coverage area na. Sinubukan ko rin siyang i-text. Me: Jana. Ano’ng nangyayari? Jana: Kier... my love... help me.. Me: Jana? Nasaan na nga kayo? Tatawag na sana ako sa airport para i-check ang flight details nila dahil baka may masamang nangyari pero muli akong nakatangap ng text message kay Jana. Jana: Help me, Kier... I miss you so much...        Hahaha. I’m okay, my love, just missing you though. Sorry, nawalan ng signal. Nandito na kami sa Saudi. Me: Ugh! Jana my love, miss na rin kita, sobra. Pero pinakaba mo ako, ah. Huwag mo nang uulitin `yon. Akala ko may nangyari na sa inyong hindi maganda. Jana: Opo, my love. Sorry. Sa sss na lang tayo mag-chat. I’ll send you my pic. Kinabahan ako pero at the same time ay natuwa rin dahil safe si Jana. Mayamaya, nag-send siya sa akin ng selfie. Me: Ganda naman talaga, o. Na-miss tuloy kita lalo. Uwi ka na dito. Jana: I miss you, too. Kaunting tiis, my love. Kakarating ko lang, eh. Dahil sa ipinadalang selfie ni Jana, lalo ko siyang na-miss. I wished that she didn’t have to go. But that would mean me being selfish. Napatingin uli ako sa picture. Ang ganda talaga niya. Minsan nakakapagtaka kung paano ko napasagot ang babaeng ito. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala. Two years ago… AMINADO ako. Napaka-antisocial kong tao. It was just me and Pogi. My parents lived in the province; happy and retired. Isang sikat na writer si Mama habang si Papa naman ay nagma-manage ng farm namin. Nandito naman ako sa Manila dahil dito ko gusto kong tuparin ang pangarap ko na maging lawyer. Anyway, it was not about me and my dreams. It was about one bright day. Kasama ko si Pogi na kagat-kagat ang tali niya at para bang nagpapahiwatig na, “Ipasyal mo ko, Master. Please.” So that’s what we did. Naglakad kami sa park. Ang ganda ng view sa park dahil napakaaliwalas ng paligid at kaunti lang ang mga tao. Parang nagkukulay-orange at yellow ang mga puno. Habang makikita mo naman sa lupa ang mga nalaglag na dahon na pareho rin ang kulay. Kinuha ko ang pagkakataong makunan ng litrato ang magandang paligid. Dahil nag-e-enjoy ako sa simoy ng hangin at sa ganda ng tanawin, hindi ko namalayang nakawala na si Pogi mula sa pagkakatali niya. Agad kong hinanap ang aso sa buong park hangang sa mapunta ako sa may bandang garden. Nakita ko na si Pogi. Hayun, kumakain. Sa harap niya ay may babaeng nakaputing dress. Mukhang ang taong iyon ang nagbigay sa kanya ng pagkain. Tinawag ko si Pogi na lumapit sa akin. “Pogi! Come here, buddy!” Hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako nang kaunti. “Pogi? Buddy, I’m here.” Lumingon sa akin iyong babae at tumayo. Sa hindi malamang dahilan, parang nag-slow motion ang buong paligid at dahan-dahan kong nakita ang kanyang mukha. I was stunned. Damn! Ang ganda naman ng babaeng ito! Parang isang commercial ng shampoo nang humarap siya sa akin. Ang ganda ng brown hair niya at ang puti rin niya. Bagay na bagay sa kanya iyong suot niyang white dress. At parang… sa kanya lang umiihip ang hangin. Natulala ako. Hindi ko namalayan na bahagya na palang nakabukas ang bibig ko. Parang nakakita ako ng diyosa. I think, she’s gonna talk to me in a second now. “Hi!” bati ng babae, saka mahinhing kumaway sa akin. “Sorry, are you looking for someone? I’m pretty sure you said pogi, pero ako lang naman ang nandito.” Potek! Hiyang-hiya ako. Parang nagsisi tuloy ako na pogi ang ipinangalan ko sa aso ko. “Ah.. Eh.. Hindi ikaw `yong tinatawag ko.” Napakamot ako sa ulo. “Yong aso… Ahm… Pogi kasi `yong pangalan niya, eh.” “Oh, sorry!” sabi niya at natawa. “Ikaw pala ang may-ari ng cute na aso na `to?” Cute raw si Pogi? Eh, kaya nga “Pogi” ang pangalan niya kasi pangit siya. But this girl! Sobrang cute mo, Miss. Bakit ngayon lang kita nakita? “Mas cute ka.” Napangiti ang babae sa sinabi ko. “Erm, I mean, oo. Sorry, nakawala siya, eh,” segue ko. “Heto, o,” sabi niya at inabot sa akin iyong tali ni Pogi. Napansin ko pati pala iyong boses niya, napaka-cute din. Ang hinhin masyado at parang napakabait. “Thanks,” sagot ko. Wala akong balak na palampasin ang pagkakataong ito. “Ako nga pala si Kier.” Inabot ko sa kanya ang kamay ko. Inabot din ng babae ang kamay niya sa akin. “No problem. `Wag mo na uli siyang iwawala, ah? I’m Jana, by the way.” “Nice to meet you, Jana,” sabi ko at binitiwan na ang kamay niya. “`Buti, nakita mo si Pogi. Bago ka lang ba dito? Parang ngayon lang kasi kita nakita.” “Ah, oo. Nakatira kami sa Amerika dati ni Mama. Our place is just five streets away from here,” sagot niya. “I see.” Hiyang-hiya pa rin ako. Nakakatorpe talaga siya. “Nagustuhan n’yo naman ba ang maliit naming village especially this park?” Tumingin si Jana sa paligid at sinagot ang tanong ko.”Uhm, yeah? I like how this park was designed, though I think it needs some improvement. And I think a big tree in the middle of this park will make it more historical or unique. Plus a man-made lake with a bridge will make this park a romantic place.” “Wow!” Napahanga ako sa sinabi niya. “Oh! Sorry I think I’m geeking out!” Nahiya siya at natawa. “Architect kasi ako. Kaka-graduate ko lang.” “Ah, kaya pala. Mukhang maganda `yang mga naiisip mo para sa improvement ng park, ah. Hayaan mo, ipapakilala kita sa president ng village baka ma-convince natin siya sa mga ideas mo,” sabi ko. “Talaga? Sige! I would really love to have this park as my first project. Sana ma-convince natin siya.” “Kaya `yan! I think nakilala ko na ngayon ang pinakamagaling na architect, eh,” sagot ko. Natawa si Jana sa sinabi ko. “Hindi kaya. Wala pa nga akong project, eh,” sabi niya. “`Lakas mo mang bola, ah? Ganyan mo siguro napasagot ang girlfriend mo, `no?” Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko akalain na sa girlfriend-related stuff agad mapupunta ang topic namin. “Ha? Hindi, ah. Girlfriend? Ah… eh...” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Actually `yong girlfriend ko parang February thirty.” “Bakit February thirty?” tanong ni Jana. “It doesn’t exist,” sagot ko. Natawa siya sa sinabi ko. “Hindi ko agad na-gets `yon, ah. You got me there, Kier. Pero, hindi nga? Hmm.. ganyan siguro ang pick-up lines mo, `no? Ang guwapo mo kaya. I mean you really look good.” Bigla siyang nahiya. At nakita kong namula iyong mga pisngi niya. “Oh!” Nagulat and at the same time, natuwa ako sa sinabi niya. “Thank you. Pero unfortunately, wala talaga, eh. Medyo maselan ako, saka sobrang busy ako sa pag-aaral ng Law.” Marahan siyang tumango. “Ah, kaya pala. Future lawyer pala `tong kausap ko. Naks!” Inaya kong maupo si Jana sa malapit na garden bench. Si Pogi naman ay busy sa pagkain. This time, itinali ko na ang aso para hindi na makawala. Kakakilala pa lang namin ni Jana pero parang komportable na kami agad sa isa’t isa. Destiny, soul mate, or whatever that was, ito na yata iyon. “Ikaw? Siguradong may boyfriend ka. Baka magalit siya at baka nasa paligid lang siya. Then, bigla akong suntukin,” tanong ko, sabay linga sa paligid. Saglit na napahawak si Jana sa balikat ko at tumawa. “You’re so funny. Bakit mo naman nasabi?” “Eh, kasi, ang ganda mo kaya. Actually, puwede ka ngang mag-artista. Akala ko nga kanina, artista `yong nakakita kay Pogi, eh. For sure, marami ang nagkakandarapa sa `yo,” sagot ko habang nakangiting nakatitig sa kanya. Nahihiyang hinawi ni Jana ang buhok niya at inipit sa may tainga. Ang pabebe niyon pero bagay sa kanya.  “Thank you. Pero wala akong boyfriend kaya walang biglang manununtok sa `yo,” sabi niya at natawa nang bahagya. It was like music to my ears! Suwerte! Akalain mo iyon, si Pogi lang pala ang susi. Ang susi sa lahat ng magiging kaligayahan ko. Best dog ever! I cleared my throat and asked. “Bakit naman?” “Strict kasi masyado si Mama. Ayaw niyang matulad ako sa kanya. My father left us when I was a kid, leaving us with nothing. Si Mama kasi, hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya noong iniwan kami ni Papa, nahirapan si Mama na buhayin ako. `Buti na lang, tinulungan kami ng Uncle ko. Kaya `ayun, dapat makapagtapos muna ako. Saka minsan parang ang weak din kasi ng tingin sa akin ni Mama,” paliwanag niya. “What do you mean weak? Like physically weak?” tanong ko. “I don’t know. My mom is such a badass woman. You won’t believe how she protected me all this time. Siguro sa tingin niya, masyado akong mahinhin.” Tumahimik si Jana. Parang bigla siyang nalungkot. Iniba ko na lang ang usapan. Nagkuwentuhan kami about sa mga bagay na interesado kami at about kay Pogi. Matapos ang mahabang oras na kuwentuhan, biglang tumunog ang phone niya. Nag-text na pala ang mama niya. Tumayo siya at tumayo rin ako. “I have to go na, Kier. Mom got something for me at home. It was really nice meeting you and talking with you,” sabi niya. “Sure, thank you din, Jana.” sagot ko. I smiled and she smiled back. Bago umalis, yumuko siya at hinimas si Pogi. “Bye, bye, Pogi. Huwag ka nang tatakas uli, ah?” “Bye, Kier!” paalam niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natameme ako sa sobrang ganda niya at sa sobrang bait. “Bye, Jana...” Nawala na siya sa paningin ko. Bigla namang tumahol si Pogi  dahilan para manumbalik ang diwa ko. Shoot! Hindi ko nakuha ang number ni Jana. At hindi ko rin alam kung saan siya exactly nakatira. Dapat pala, niyaya ko uli siya dito bukas or sa ibang araw. Pero ang nasabi ko lang, “Bye, Jana.”  Damn! Baka isipin niya, hindi ako interesado na makita uli siya. Sayang talaga. Umuwi na kami ni Pogi sa apartment. That night, hindi maalis sa isip ko si Jana. Kaya ganadong-ganado akong mag-aral. Sakto rin dahil may pasok ako sa school kinabukasan. SA LOOB ng limang araw, hindi ako nakapunta sa park dahil may pasok at gabi na rin kasi ang uwi ko galing ng school. Kaya nang dumating ang Sabado, gumising ako nang maaga at siyempre naligo. Nagpapogi ako at nagbihis nang maganda. Iyong tipong pupunta lang ako sa park pero para akong makikipag-date. Sabi ko sa sarili ko, sana makita ko uli si Jana. Tuwang-tuwa si pogi nang kunin ko ang tali niya. Alam niya kasing papasyal kami. He didn’t stop wagging his tail and kept on jumping around. Ako rin, sobrang excited na akong makita si Jana. Sana nandoon siya. Nagmadali kami ni Pogi na pumunta sa park. Ang ganda ng panahon. Perfect for another chance of meeting her again. This time, sisiguruhin ko that I would ask her out. Kukunin ko na rin ang number niya. Nagpunta kami ni Pogi sa garden ng p. I was expecting na nandoon si Jana. Pero pagdating namin, wala siya. Umupo ako sa bench kung saan kami nag-usap noong nakaraan. Nalungkot ako at siyempre… medyo disappointed. Pero baka naman kasi mamaya pa siya pupunta dito or nasa ibang lugar siya ngayon? Naghintay ako ng isang oras, nagbaka-sakali na darating si Jana pero wala talaga. Minabuti kong ipasyal na lang si Pogi dahil tahol na siya nang tahol at parang gusto nang kumawala sa pagkakatali. Inilibot ko ang aso sa buong park. “Ang saya mo na naman, Pogi, samantalang ako bokya. Wala si Jana.” Tumahol si Pogi na para bang naintindihan ang mga sinabi ko. Dumami ang tao sa paligid at uminit na rin. Bumili ako ng ice cream. Nagpatuloy kami ni Pogi sa pamamasyal. Sinubukan uli namin ni Pogi na pumunta sa may garden dahil baka nandoon na si Jana. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Jana. Nakaupo siya at seryoso na parang may idino-drawing. Baka pinaplano na niya kung ano ang magandang design na gagawin para sa park. Dapat talaga makausap ko na agad si President about doon. Inilabas ko ang phone ko. Kinlick ko ang front camera. Tiningnan ko muna ang sarili ko. Baka kasi may dumi ako sa ilong or magulo ang buhok ko. Nag-check na rin ako ng hininga para sure. Nag-selfie na rin ako para lumakas ang loob ko, kahit pa ang vain niyon. Okay, ready na! Unti-unti kaming lumapit ni Pogi kay Jana… pero hindi pa man kami nakakalapit, may dumating nang lalaki at inabutan si Jana ng ice cream. Umupo sa tabi niya iyong lalaki at inakbayan siya. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pati nga ang ice cream na kinakain ko, nalaglag na. Sino `tong mokong na `to? Ano siya ni Jana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD