Ornok's POV Parang tumigil ang paghinga ko nang makita ang unti-unting pagbagsak ni Hallejah na sinalo ng mga bisig ng katabi niyang si Marcus. Gamit ang taglay na kapangyarihan ay mabilis akong nakalapit sa tabi ni Hallejah. Nagsusumigaw ang takot at pag-alala kay Marcus habang nasa mga bisig niya ang walang malay na babae. Maging si Don Gregorio at iyong apo nito ay mabilis ding lumapit upang daluhan ang kalagayan ni Hallejah. Namumutla ang mga labi ni Hallejah at nababahala ako dahil ngayon ko lang naranasang makakita ng isang Diway na nawalan ng malay. Hindi naman nagkakasakit ang mga katulad namin na para bang katulad sa mga tao maliban na lang doon sa mga Diway na apektado ng pagkasira ng kalikasan. Hindi rin ganitong pagkakasakit ang tinutukoy ko. Ang mga Diway na tagapan

