Bandang huli ay tumuon ang atensiyon ko kay Ornok na bakas pa rin ang pagkalito sa buong mukha at ngayon ay nasisiguro kong hindi niya naintindihan ang palitan ng salita nina Marcus at ni Zeke at iyon din dapat kong pinoproblema ngayon pero sa kung anong kahiwagaan ay malinaw kong naintindihan bawat salitang ibinato nila sa isa't isa. Napahigpit ang kapit ko sa dulo ng damit ni Marcus na di namalayang kanina ko pa pala kinakapitan. Wala sa sariling naisandal ko sa likod niya ang aking noo habang pilit na inaanalisa kung papaanong nangyaring kaya ko nang intindihin ang mga narinig ko. Sigurado akong nagsasalita sila gamit ang lengguwaheng kakaiba sa naririnig kong karaniwang ginagamit ni Mingming at maging ni Don Gregorio tuwing kinakausap ako. "Okay ka lang ba?" may pag-alala sa bo

