Namayani ang katahimikan sa paligid habang hinihintay namin ang sagot ni Don Gregorio. "Iyan ba ang inaakala ninyo? Na ang sumulat ng talaan ay mga Himadi?" natatawang balik tanong nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ornok. Iyan din ang akala ko noong una pero sa mga narinig ay may umusbong na pag-aalinlangan sa aking isipan. "Noong di ko pa alam na may mensaherong nagpupunta rito sa mundo ninyo ay mga Himadi lang na may tatak ng Deritos ang iniisip kong siguradong sumulat ng mga talaan pero ngayong natuklasan kong may ibang Diway na pumaparito ay di na ako nakakasiguro," sagot ko at tinapunan nang makahulugang tingin ang mensaherong tinutukoy ko. Halata ang pagkabalisa ni Ornok sa ilallim ng nanunumbat kong tingin. "Isang sekreto ang pagpapadala sa'kin dit

