Habang inaatake na ng mga negatibong bagay ang isip ko ay bigla kong naramdaman ang matatag na hawak ni Daddy sa aking balikat. "Keep calm," mariin nitong utos habang pigil-pigil ako sa balikat. Noong una ay di ko pa alam kung bakit niya ako pinipigilan at inuutusang pakalmahin pero nang masulyapan ko namumuong apoy sa isang palad ko ay halos lumuwa iyong mga mata ko. F*cking sh*t! My right hand is literally on fire! Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib habang unti-unting lumalaki iyong apoy na nasa aking kamay at ngayon ay umaakyat na ito pataas sa siko ko. Hindi ko naramdaman ang init ng apoy sa kamay at braso ko pero parang nag-aapoy sa init iyong puso ko. Nasa ilalim ko iyong init! Nangangapa ako sa loob ko dahil di ko naramdaman ang pagiging Zeur ko sa pagka

