KLP: CHAPTER SIX

1808 Words
HINDI NAPIGILAN NI Princess na sundan ng tingin ang boss niyang kakalabas lang sa Private place nito. Sa hitsura ng binata ay mukha naman okay na ang kaniyang pakiramdam. Mula sa kinatatayuan ni Princess ay napagmasdan niya ang boss patungo sa glass door ng museum. Abot tenga ang ngiti nito dahilan nang pagngiti rin ni Princess. "Hello, baby. How was your day?" Mas napangiti si Princess nang marinig ang malambing na boses ng boss niya. Kausap nito ang batang si Renzo na anak ng admin nila. "Okay lang po, daddy King. Nag-aral po ako nang mabuti. Mag-a-ice cream po tayo, 'di ba? Sabi nyo po sa phone, daddy." Anas ng cute na cute na bata habang nakanguso. Mula sa puwesto ni Princess ay rinig niya ang bahagyang pagtawa ng boss niya. "Later, baby. Malapit nang matapos ang work ni mommy." "Yey! Ang saya ko po kasi kasama ko po kayo. Kumpleto po ulit tayo. Ako, si mommy, si daddy L at tsaka po ikaw, daddy!" "Asan pala si Lord?" "Nasa labas po. May kausap lang sa phone po." Halos mapatalon naman si Princess nang biglang bumaling sa kanya ang boss nya. Simple pa siyang tumingin sa gilid ngunit siya lang naman ang tao. "Princess," anas ni King. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng binata. "Yes, Sir?" "Thank you." "For what, Sir?" Kabadong tanong ni Princess. Saglit pa siyang tumingin sa batang si Renzo na mukhang kanina pang nakatingin sa kaniya. "For yesterday?" Masayang anas ng binata. Hinawakan pa nito ang kamay ng batang kasama at saka nagtungo sa office ng admin nila. At kagaya kanina ay sinundan lang ni Princess ng tingin ang boss niya. Nang tumapat naman sa pinto ng office ay agad tumigil ang binata, muling bumaling kay Princess at saka ngumiti. May kung anong bagay pa itong kinuha sa bulsa at saka biglang inihagis kay Princess. Gulat man ay nasalo pa rin ng dalaga ang maliit na gray na kahon. May disenyo rin itong ribbon na prehong kulay. "What's this, Sir?" Nagtatakang tanong ni Princess. Muling tumawa ang boss niya na ikinalito niya. Shít! Di ko na alam kung ilang beses ngumiti si Sir ngayon araw. I'm so blessed! Salamat sa ngiting ayuda!! "My thank you gift. Thank you for taking care of me." Anas ng binata at saka tuluyan nang pumasok sa office ng admin. ALAS DIYES NA NG GABI pero paikot-ikot pa rin sa malambot na kama si Princess. Nakangiti habang hawak hawak ang parker pen na bigay sa kanya ng boss niya. Simula nang bigyan siya kanina ng parker pen ay hindi pa rin sya mapakali. Pakiramdam niya ay sobrang saya nya kahit simpleng bagay lang naman iyon. Simpleng "thank you gift" na hindi naman niya inaasahang ibibigay sa kanya. "What the hell is wrong with me? What are you doing to me, Sir?" Bungisngis niya habang yakap-yakap ang kahon ng parker pen. Ilang minuto pa siyang nakahiga habang hindi pa rin nawawala ang munting ngiti sa labi nang marinig niya ang pagtunog ng cell phone na hindi niya inaasahan. "Still up?" Isang text message mula sa hindi nakarehistrong numero ang bumungad kay Princess. Wala sa sariling naupo sa malambot na kama, ipinatong ang hawak na kahon sa bedside table at saka nagsimulang magreply sa unregistered number. "Who's this?" Aniya. Ilang segundo lang din ay muling tumunog ang cell phone niya dahilan nang pagbilis ng t***k ng puso niya. Ang kaninang natural na pagtibok ay unti unting nababago nang dahil lang sa isang reply. "King." "Sir King?" Nanginginig man ang kamay, nagawa pa ring replyan ni Princess nang maayos ang boss. "Yup. Can I call you?" Is this even real? Halos tumigil ang mundo ni Princess. Pakiramdam niya ay biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang paggalaw na lamang ng kamay ng orasan ang natatanging ingay sa loob ng silid. "Sure, Sir." Nakangiting reply ni Princess. Why not? Hindi lumipas ang sampung segundo, muling tumunog ang cell phone ng dalaga, senyales na tumatawag na ang boss niya. "H-Hello?" Huminga pa siya nang malalim. Kinalma ang sarili at saka pasimpleng inapa ang dibdib sa lugar kung nasaan ang puso niya. "Where did you get my number, Sir?" At saka bakit kayo tumatawag? Gusto man niyang idagdag, hindi na niya nagawa dahil agad na sumagot ang kausap. "Sa information sa museum." Mababang wika ng tao sa kabilang linya. Tumango pa si Princess na wari'y nakikita ng kausap. "Why did you call me, Sir?" Imbis na sagutin ang tanong, mahinang pagtawa ang isinagot ng binata sa kabilang linya. "Gray gate, white house." "W-What?" Nag-aalangang tanong ni Princess. "Pwede ka bang lumabas? I need someone to talk to. Nandito ako sa labas ng bahay nyo." At sa muling pagkakataon, narinig niya ang bahagyang pagtawa ng boss niya. Wala naman sa sariling napatayo si Princess. Taranta rin siya habang patakbong lumabas ng bahay. Walang pakialam kung gulo gulo ba ang buhok niya, ni hindi rin niya binigyang pansin ang suot na ternong pambahay. At gaya nang sinabi ng binata, nasa labas nga ito, nakasandal sa kotse habang nakatanaw sa bahay nila. Gray gate, white house. Whew. "Sir?" Utal na anas ni Princess. Mabuti na lang at mukhang hindi iyon napansin ng boss, "What are you doing here? Pa'no nyo ganun kabilis nakuha ang number ko? " "It's in your info. Did you find it weird or creepy?" Umiling ang dalaga, "Wala sa choices. Pasok kayo sa loob? Baka lamukin ka rito." "Puwede?" Abot tengang tanong ng binata. "I mean, It's 10PM already." Bahagyang tumawa si Princess. So, you know? "Pasok ka na." Iyon na lang ang sinabi niya at saka tuluyang binuksan ang gray na gate na siya namang pagsunod ng boss. Agad namang naupo ang boss sa mahabang sofa nang makapasok sa loob ng bahay. Iginala pa nito ang paningin at saka muling nagsalita. "Where are your parents?" "Nasa Canada." Tipid na sagot ng dalaga na ikinagulat ni King. "At ikaw lang mag-isa rito?" "Yup. Why?" Kunot noong muling nagsalita si King, "Pinapasok mo ako agad?" "Why, Sir?" "Lalaki ako." "So?" "Paano kung ibang tao ako? Papapasukin mo ako nang ganun ganun lang?" Iritableng tanong ni King na ikinalito ni Princess. "Hindi." "Eh bakit pinapasok mo agad ako? Aren't you afraid of me?" "You said you want someone to talk to and I think you need me." Muling ngumiti si Princess, "Coffee?" Simpleng pagtano lang ang isinagot ni King. Saglit pa siyang nagbuntong hininga at saka pabagsak sa sumandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Samantalang nagtungo si Princess sa kusina para ipagtimpla ng kape ang boss at saka ang sarili niya. Hindi niya alam kung paano, kung bakit, pero nagpapasalamat siya sa 'tadhana' dahil ang kaninang iniisip niya lang ay nasa harapan na niya. "Here, Sir." Anas ni Princess nang makabalik siya. "Thank you." Ngumiti pa ang binata. "Next time ay huwag kang magpapapasok ng kahit na sino sa bahay nyo lalo na't ikaw lang palang mag-isa rito." Sunod sunod namang tumango si Princess, "Sure, Sir. Next time ay hindi na kita papapasukin." "I mean, except me." Naubo pa ang binata dahilan nang pagtawa ni Princess. "What do you want to talk about, Sir?" Maya maya'y anas ni Princess. "I'm sure na may problema ka." Well, halata naman sa mata ng boss niya. Sa ilang linggo kasing lumipas ay halos mapag-aralan na ni Princess ang mata ng boss niya. Bukod sa malamlam ito, para bang nagbabago ito depende sa kung anong emosyon ang gustong iparating ng mata ng boss. "I'm so sad right now." Seryosong anas ni King na ikinagulat ni Princess. "I need someone to talk to. And I wanna say sorry to you for being that someone." "It's okay, Sir." Hindi alam ni Princess kung ano bang pinagdadaanan ng boss niya. Isa lang ang alam niya, natutuwa siya dahil siya ang napiling kausapin nito sa gitna ng problema, at nalulungkot din siya dahil sa dinaranas ng boss nya. "I'm tired of everything. I hate it when I need to fake my smile." Muling nakaramdam ng lungkot si Princess dahil sa sinabi ng boss niya. Wala sa sariling lumapit siya rito at saka ginawaran ng yakap para pagaanin ang loob nito. "It's okay, Sir. Everything will be alright. I'm here." Hindi man niya alam kung anong eksaktong sasabihin, pinili pa rin niya ang mga salitang sa tingin niya ay makakatulong sa kung ano mang pinagdadaanan ng boss niya. "I've been living in the dark for years now, Princess." Pilit itong tumawa, "I can't even count it. No one knows I'm suffering." Naramdaman ni Princess ang paghigpit ng pagyakap sa kaniya ng boss niya, kasabay noon ay ang mahinang paghikbi na nanggagaling din sa binata. God, what's going on? Bakit pakiramdam ko ay nasasaktan din ako kahit hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ni Sir? "It's alright, it's alright." Bulong ni Princess kasabay nang paghaplos nito sa ulo ng boss niya. "Tell me where should I go and what should I do in every step of the way. I'm lost. I can't even find the right way. I'm doomed. I'm sorry." Paulit ulit na bulong ni King habang patuloy pa rin ang pag-iyak. Ramdam ni Princess na basa na ang parteng balikat niya dahil sa pagluha ng kausap pero isinantabi niya lang iyon. "I'm here, Sir. I'll listen to you. I won't go anywhere." "Have you ever loved someone you know you can't have?" "W-What?" Halos walang boses na tanong ni Princess. "Even if you try hard." Dagdag ng binata na mas ikinagulat niya. "It feels like I'm stuck between stop and go even though the only choice I have is to stop." "Sir," hindi mapili ni Princess kung anong sasabihin. Pakiramdam niya ay may kung anong nakabara sa dibdib niya na nakakaapekto sa pagsasalita niya. "I want to forget her but I couldn't. I can't even step back. She's my best friend. Help me, It's making me crazy. I can't do anything because she's already married to my twin brother." Halos mapasinghap si Princess nang marinig niya ang huling linyang binitawan ng boss niya. Naramdaman din niya ang panginginig at halos panlalambot ng kamay niya na kanina pang humahaplos sa buhok ni King. It's their Admin. Damn. It hurts. Bahagya siyang lumayo para matitigan ang boss niya. Muling bumungad sa kanya ang patuloy pa ring pagluha ng mga mata ng binata. "Help me, help.." Paulit ulit pa rin bulong nito. Bumuntong hininga si Princess. Kinalma ang sarili kahit na ang munting kirot sa puso niya ay hindi pa rin nawawala. Hinawakan rin niya ang magkabilang pisngi ng boss at saka muling tinitigan. Unti unti rin niyang inilapit ang mukha sa boss niya, dinampian ng simpleng halik ang mata nitong patuloy pa rin sa pag-iyak. "You need to move on, Sir. I'll help you." Anas niya. Alam niyang isa ito sa mga linyang pinagbabawal sa larangan ng pagmamahal pero anong magagawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD