"PRINCESS SCARLET."
Saktong alas onse ng umaga nang may tumawag sa pangalan ni Princess. Masyado silang naging busy ni Natee sa pagliligpit ng mga photography tools na ibinilin sa ibang impleyado. Pero dahil ipinasa sa kanila ang ginagawa, hindi naman sila puwedeng umangal kaya sinunod na lang nila.
Hindi naman gano'n kahirap asikasuhin kaya keri lang.
"Yes, Miss Dawn?" Nakangiting wika ng dalaga sa tumawag sa kaniya na isa ring empleyado ng Museum.
"The Admin is looking for you." Masuyong wika ng katrabaho.
"Me?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit daw?"
Nagkibit-balikat ang kausap, "I don't know. Puntahan mo na lang si Admin sa Office."
"Okay. Thank you, Miss Dawn." Aniya.
Saglit pa siyang nagpaalam kay Natee at agad na nagtungo sa opisina ng Admin nila.
Tatlong magaang pagkatok ang ginawad ni Princess sa glass door ng office ng Admin at saka ito pumasok sa loob.
"Good morning, Ma'am." Masayang bati ni Princess nang makapasok sa office.
Agad namang sumalubong sa kaniya ang ngiti ng Admin nila, "Puwede mo bang dalin itong papers kay King?" Aniya, inilahad pa nito ang dilaw na folder na agad din namang kinuha ni Princess. "Kaylangan na niyang pirmahan ang mga 'yan."
Sunod-sunod na tumango si Princess, "Uhm, ang kaso po, Ma'am, nasa Private place po si Sir King." Nag-aalangan pa siya dahil kahit sinong tao ay hindi puwedeng pumasok doon.
"I know." Ngumiti pa ang admin, "Nakausap ko na sya sa intercom kanina."
"A-ano pong sabi?"
"Bawal ngang pumasok." Muling tumawa ang admin, "Sabi ko ay dadalin ko na sa kanya pero nasigawan pa ako ng lalaking iyon. Balak na naman atang magkulong doon."
"E-eh, paano ko po madadala?"
"Ikaw iyong one-week-secretary niya, 'di ba?"
Saglit pang natigilan si Princess. Pakiramdam niya ay may umikot na loading icon sa isip niya at saka lang nakasagot sa Admin. "I guess I am." Siguro ang tinutukoy nito ay ang pagiging Assistant ko noong isang linggo.
One-week-secretary? The heck?
"Okay, ikaw na ang magdala niyan."
"Sure, Ma'am. I'll be back as soon as possible."
"Thank you."
Ngumiti pa si Princess at saka lumabas sa opisina.
Nang masiguradong walang makakakita ay saka lang niya pinakawalan ang buntong hininga.
Bakit puwede akong pumasok samantalang bawal si Admin? I feel kinda special.
Habang papalapit sa 'private place' ng boss nila ay hindi mapigilan ni Princess na maramdaman ang pagkailang dahil ramdam na ramdam niya ang tingin ng mga empleyado sa kanya.
Ang iba ay nagugulat, marahil nagtataka ang mga ito dahil isa sa rules ng museum ay bawal na bawal pumasok sa private place na iyon.
It's forbidden they say.
Siguro ay may ginto sa loob? O baka naman ay sekretong lagusan papunta sa ibang bansa? Shít, Princess! kakanood mo 'yan ng fantasy movies.
Muli siyang nagbuntong hininga nang makatapat sa glass door ng used-words-of-the-day private place.
Tatlong katok ngunit wala pa ring nagbubukas. Hindi naman niya makita kung anong itsura ng loob dahil reflective glass ang pintong salamin.
Akmang kakatok muli si Princess nang awtomatikong bumukas ang pinto.
Saglit pa siyang nagulat at bahagyang namangha bago tuluyang pumasok sa loob. Muli na namang sumibol ang pagkamangha sa mukha ni Princess nang awtomatiko ulit itong nagsara.
"Whew." Aniya. Iginala pa ang paningin ngunit hindi niya makita ang boss.
Hmm, white, gray, back, wala namang ganoong special sa lugar. Parang iyong natural na unit lang. Bakit ayaw magpapasok ni Sir kung gano'n?
Ang akala pa naman niya ay may gintong salamin, gintong base, at painting na ginto ang frame ang makikita niya sa loob.
"Sir King?" Aniya, muling lumingon sa paligid ngunit kahit anino ng boss ay hindi niya makita.
Wala sa sariling lumapit siya sa pinakamalapit na pinto na nakita niya, at sa tingin niya ay kwarto ito.
Muli siyang kumatok at kagaya kanina ay walang nangyari.
"Oh," bahagya pa siyang nagulat nang hawakan niya ang doorknob. Hindi naman pala naka-lock. "S-Sir King? Nasa loob ba kayo? Papasok ako, Sir." Malumanay na aniya kahit na may kabang nararamdaman.
Humigpit din ang pagkakahawak niya sa yellow folder.
"Wow." Namamanghang aniya. Isang malawak na kwarto ang pinasukan niya at hindi niya iyon inakala. At mas ikinamangha pa ni Princess ang malaking painting na unang bubungad sa 'yo kapag pumasok ka sa silid.
Ang painting na iyon ay nakaduksong sa headboard ng malaking kama. Sa kanang bahagi ng silid ay may malaking monitor at kitang kita ang labas ng "private place".
At mas nagulat pa siya dahil nakahiga pala sa malaking kama ang boss niya! "S-Sir?"
Isang mahinang ungol ang isinagot ng Boss na ikigulat ni Princess. Nagmamadali rin siyang lumapit dito at mas lalo siyang nagulat nang makita ang pamumula ng mukha nito.
"Sir?!" Dinampi rin ni Princess ang likod ng palad sa boss niya, "s**t! Nilalagnat kayo, Sir!" Natatarantang inihagis ni Princess ang hawak na folder sa sofa malapit sa malaking kama.
"I can feel that." Nakapikit at hirap na anas ng boss niya.
"E-eh?" Hindi alam ni Princess kung anong mararamdaman. Nilalagnat na nga, namimilosopo pa.
"It's getting hotter." Muling ungol ng boss niya.
Agad namang nataranta si Princess nang makitang tinatanggal ng boss niya ang pagkakabutones ng polo.
"A-ah, tatawag ako sa labas, Sir. Dadalin ka namin sa ospital."
"No need. I hate hospitals." Nakapikit pa ring wika ng binata.
"A-anong gagawin ko?" Tarantang tanong ni Princess sa sarili.
Kahit lito, nagmamadali siyang lumabas sa kwarto at agad na lumapit sa kitchen area, na pinagpapasalamat niya dahil mayroong ganito sa place ng boss niya.
Dinampot agad ni Princess ang una niyang nakita--stainless serving bowl. Gosh, I'm sorry, Sir. Serving bowl ata ito.
Dali-dali rin niyang nilagyan ng tubig ang bowl, kumuha rin siya ng malinis na puting towel at saka patakbong bumalik sa kwarto ng boss niya.
"I-It's too hot and cold at the same time. I can't name it." Paulit ulit na anas ng boss niya nang makalapit siya.
Kagaya kanina ay nakapikit pa rin ito, ni hindi nga ata napansin na bumalik na siya.
"S-Sir?" Aniya, "Pupunasan ko po kayo, ah?"
Dahan dahan namang tumango ang binata.
Nanginginig man, pilit na pinunasan ni Princess ang kanyang boss. Una ay sa noo, pababa sa bandang pisngi.
Maingat ding pinunasan ni Princess ang bandang leeg ng binata.
"Sir King, okay lang po bang tanggalin ko 'tong polo nyo?" Kagaya kanina ay simpleng pagtango lang ang isinagot nito.
Hindi alam ni Princess kung ilang beses siyang napadasal sa isip nya. Simpleng pagtanggal lang naman ng polo ng boss niya ay hindi niya magawa nang maayos.
Maski siya ay parang lalagnatin dahil sa init na nararamdaman na hindi niya alam kung bakit. Malakas naman ang aircon pero pinagpapawisan sya.
Nang mapagtagumpayan ang pagtanggal sa polo, dahan dahan niyang pinaglandas ang basang towel sa dibdib ng boss niya pababa sa bandang tiyan nito.
Shít, PS!
"Can you remove my pants too?" Halos mapatalon siya nang magsalita ang kanyang boss.
"W-what?" Halos wala ng boses na aniya.
"Remove my pants." Hirap pa rin ito sa pagsasalita kaya muling naramdaman ni Princess ang awa sa sa boss niya.
"O-okay, Sir."
Halos dumomble ang panginginig ng kamay ni Princess nang mahawakan ang belt ni King. Umabot din ng isang minuto bago niya tuluyang matanggal ang pagkakasinturon nito.
Pilit siyang pumikit nang dumako ang kamay niya sa zipper ng suot nitong trousers.
Shít, unboxing? What the hell? Anong unboxing? Nasaan ang box?
Nanginginig siyang lumayo at hindi na itinuloy ang ginagawa. "L-lalabas lang ako, Sir. Bibili akong gamot."
Pilit namang nagmulat ang boss niya at saka diretsong tumingin sa kaniya, "Don't leeave me, Princess."
Princess?
"P-Pero kaylangan n'yong uminom ng gamot kasi ayaw n'yo rin namang magpadala sa ospital."
"Please, don't leave me. Kahit dito man lang, maramdaman kong hindi ako iiwan."
What the hell are you saying, boss? Ganito ba talaga kapag may lagnat?
Nagbuntong hininga si Princess. "Fine, Sir. Pero tatawagan ko na lang si Natee, makikisuyo ako para ibili kayo ng gamot."
"Pero ayaw ko nang may ibang taong papasok dito." Parang batang anas ng boss niya. Ngumuso pa ito na ikinataas ng kilay ni Princess.
"Sasalubungin ko siya sa labas. Sasabihin ko rin sa kan'ya na sabihin kay Admin na may lagnat kayo."
Agad namang sumeryoso ang mukha ng binata. Saglit na natigilan at muling nagsalita kinalaunan. "Okay."
"Yey!" Masayang wika ni Princess dahil hindi na niya kaylangang pilitin pa ang boss. "Uhm, p'wede ko bang pakialaman ang kitchen n'yo? Ipagluluto ko kayo ng lunch, Sir. Anong oras na rin kasi."
"Bahala ka."
"Okay," sikmat ni Princess. "I'll be back."
Hindi na niya hinayaang makasagot ang boss, agad siyang lumabas ng kwarto at dali daling nagtungo sa kitchen.
Tinext nya rin si Natee para sa gamot ng boss niya at iba pang kakailanganin nito.
Agad namang binuksan ni Princess ang cupboard nang makaharap sa kitchen sink. Naghanap ng pwedeng lutuin, kasunod noon ay binuksan niya ang ref, sa bottom part na dahilan nang agad na pagbagsak ng balikat niya dahil okra lang ang natatanging laman noon. Samantalang ang freezer ay puro processed food ang laman.
Nang mailagay niya sa kitchen table ang mga gagamitin, isinuot pa niya ang kulay itim na apron, inipit din niya ng pa-ponytail ang buhok at saka nagsimulang magluto.
Inuna niyang lutuin ang nakitang tocino sa freezer. Well, ito lang naman ang matino-tinong laman ng freezer ng boss niya.
Sa kabilang burner naman niya isinalang ang corn soup na una niyang naisip kanina. Nang masiguradong maayos ang niluluto ay tsaka lang inilagay sa steamer ang mga okra. Pagkatapos ay nagsaing na rin s'ya.
Sakto namang tumunog ang phone niya at napagtantong si Natee na iyon. At gaya ng bilin ng boss niya-na hindi pa rin niya alam kung anong dahilan---hindi niya pinapasok sa loob ng "private place" ang kaybigan. Bahagya lang niyang binuksan ang reflective glass door at doon kinuha ang pinabili kay Natee.
Inayos naman ni Princess ang iba pang bagay na gagamitin nang makabalik s'ya sa kusina. Ilang minuto lang din ang hinintay at natapos na ang niluluto niya.
Isa-isa rin niya iyong inilagay sa tray at saka nakangiting pumunta sa kwarto ng boss niya.
"Sir King?" Anas ni Princess. Mukhang nakatulog ang boss niya.
Saglit pa niyang inilapag sa sidetable ang dalang tray at saka sinubukang gisingin ang boss, "Sir? Gumising na kayo. Iinom pa kayo ng gamot." Bahagya rin niyang tinapik ang balikat ng binata ngunit mahinang pag-ungol lang ang isinagot nito.
Bahagya pang hinaplos ni Princess ang pisngi ng boss at hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang init nito. Lagnat na lagnat na pero ayaw talagang magpadala sa ospital. Tsk!
"Sir King? King-King," malumanay na wika ni Princess.
Laking tuwa naman niya nang unting-unting magmulat ang boss niya. "Amara?"
Puno ng pagkalito at kasabay noon ay ang pangungunot ng noo ni Princess. "Hindi ako si ma'am. I'm Princess, Sir."
Saglit pang pumikit ang boss niya at saka muling nagmulat, "Princess?" Nakangiting tumango ang dalaga, "What did you call me?"
"King-King?" Nag-aalangang sagot ni Princess, "Kumain na kayo, Sir, para makainom na kayo ng gamot nang bumaba na ang lagnat n'yo."
Saglit pang sinilip ni King ang tray ng pagkain sa sidetable at saka napabuntong hininga, "Okay, I'll eat."
"Tulungan ko na kayo, Sir." Akmang babangon si King para kuhanin ang tray kaya agad na inunahan itong gawin ni Princess.
Todo ngiti si Princess nang mailapit ang tray ng pagkain sa boss niya samantalang nakatitig lang doon si King.
"What's this?" Tanong ng binata at saka pa tinuro ang steamed Okra.
"Steamed Okra, Sir. Masarap 'yan."
Dahan-dahan namang tumango si King, kinuha ang kutsara at saka tinikman ang corn soup, "This one is better than that green thing."
"A-Anong green thing?"
"I don't eat that thing. I hate it." Anas ni King na halatang soup lang ang gusto.
"E-Eh bakit nasa ref mo? Akala ko pa naman ay magugustuhan mo, Sir." Naramdaman ni Princess ang panghahaba ng nguso niya. Medyo na-hurt siya ro'n pero hindi naman niya puwedeng ipilit kung ayaw naman ng tao.
"I thought it was sili na pangsigang." Agad na natawa si Princess dahil sa pagka-conyo ng boss niya, "Napansin ko lang na okra pala noong nakauwi na 'ko from the Mart."
"Ohh," mahabang anas ni Princess na para bang kuhang kuha n'ya ang paliwanag ng boss.
"How about you?" maya-maya's anas ni King nang maubos ang corn soup.
"What about me?"
"Hindi ka kakain?"
"Kakain pero mamaya na kapag nakainom na kayo ng gamot."
Tumango si King at saka tipid na ngumiti. Kinuha rin nito ang tableta ng gamot na nakahanda kasabay ng pagkain. Diretso pa siyang tumingin kay Princess kasabay nang pag-inom ng gamot. "Kumain ka na, Princess."
Saglit pang natulala si Princess. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagkatulalang iyon. "O-Okay." Tumingin pa siya sa paligid para mawala ang pagkailang na hindi rin niya alam kung saan nanggaling. "A-Ang ganda ng painting na 'yon, Sir." Itinuro pa ni Princess ang malaking painting na nasa itaas na bahagi ng headboard.
Shít! Angdami daming puwedeng sabihin, iyon pa talaga?
"Really?" Bakas ang pagkatuwa sa mukha ni King.
"Yup." Anas ni Princess. Saglit din siyang lumapit para mabasa kung sinong artist ang gumawa ng obra na 'yon, "KR?"
Nangingiting tumango ang boss niya, "I painted that."
"Wow." Manghang anas ni Princess. Ano pa bang madidiskubre niya sa boss niya? Parang lahat ng bagay ay kayang gawin.
Muli siyang lumapit sa painting. Hinaplos pa niya ito dala ng pagkamangha. Larawan ng isang dalaga, nakaupo sa malaking bato kalapit ng dalampasigan habang nakatingin sa paglubog ng araw. Sa ilalim ng larawan ay may nakasulat pa gamit ang baybayin.
He loves baybayin that much. Cute.
"Hiraya?" Anas ni Princess nang mabasa ang nakasulat na ᜑᜒᜇᜌ
"You're right. It's Hiraya." Wika ni King kaya napabaling sa kanya si Princess.
"Parang narinig ko na 'yon somewhere. Hindi ko lang maalala."
Bahagya pang tumawa si King, "From a TV program years ago? Baka doon mo narinig? Hiraya Manawari?"
"Yeah. Doon nga 'yun!" Masayang anas ni Princess. "Bakit 'yon ang napili mong ipangalan sa painting, Sir? At tsaka anong ibigsabihin ng Hiraya Manawari?" Mahabang dagdag pa nito.
Muling sumibol ang ngiti sa labi ni King na wari'y may naalala, "Hiraya was taken from an ancient Filipino word meaning the fruit of one's hopes, dreams, and aspirations."
"Ohh," manghang anas ni Princess dahilan ng muling pagtawa ng boss niya.
"It originates from the popular phrase "Hiraya Manawari" which means "may the wishes of your heart be granted".
"It's so nice." Natutuwang wika ni Princess, "Ang lalim."
Bahagya pang nagulat si Princess nang mahinang pisilin ni King ang tungki ng ilong niya, "Basically, Hiraya Manawari means 'Sana mangyari'. But in a deeper meaning."
"So, natupad na ba ang wish nyo, Sir?" Tanong ni Princess at tsaka pa itinuro ang painting, "Halatang in love na in love kayo eh," pilit pa siyang ngumiti, "Mukhang mahal na mahal nyo iyong babae sa painting."
Umiling naman si King, "It's not my wish that I want to be granted, it's hers."
"Natupad naman po ba ang wish niya?" Sa muling pagkakataon ay pinilit ni Princess na ngumiti. Hindi niya mawari kung bakit may kirot sa puso siyang nararamdaman.
"Siguro. Kasal na nga siya eh."