LUNES, MAAGANG PUMASOK si Princess sa Museum kahit na ramdam pa rin niya ang pagod sa dumaang isang linggo.
Buong linggo niyang tinulungan ang boss niya dahil sa ginanap na prenup photoshoot ng kaybigan nito.
"Good morning, PS! It's been a week!" Agad na bungad ni Natee nang makita siya ng kaybigan.
"Hi, Natee. Namiss kita. Asan si Angela?" Pagtatanong ni Princess nang hindi mapansin ang isa pang kaybigan.
Kadalasan kasi ay silang dalawa agad ang bumubungad kay Princess sa tuwing pumapasok siya sa Museum.
"Baka nasa kabila." Pagtutukoy ni Natee sa King's Gallery. "Noong wala kasi kayo ni Boss, pinaasikaso kay Angela iyong mga papers sa Gallery."
"Oh? Akala ko ba ay bawal pumunta ron?"
Natatawang tumango si Natee, "Kapag tour lang bawal, at saka pinaalam muna iyon kay Boss."
"Asan nga pala si Sir King?" Nakangiting tanong ni Princess. Hindi pa kasi niya nakikita ang Boss nang dumating siya sa Museum.
Naningkit ang mata ni Natee habang napapailing. Bahagya rin itong tumawa na hindi naman nagets ni Princess. "Magkasama pa lang kayo noong isang linggo ah? At tsaka hindi ka ba nasasawa sa mukha ni Boss? Imagine, buong linggo mo siyang kasama?"
Pasimpleng hinampas ni Princess ang balikat ng kausap. Natatawa rin siya dahil sa inasta nito, "Hinanap ko lang kasi hindi ko nakita nang dumating ako."
Mas lalong natawa si Natee na para bang inaasar pa si Princess, "Lagi namang ganito si Boss 'di ba? Bihira nga nating makita. Nakalimutan mo na ba?"
"Oo na, Natee. Hindi na lang ako magtatanong."
Muling tumawa ang kaybigan, bumaling pa ito sa glass door nang makitang may paparating. Halos mapanganga si Princess nang makita kung sino ang taong dumating.
It's Ma'am Amara! And she's so beautiful!!! Mas lalo syang gumanda ngayon.
"Good morning, Ma'am!" Halos sabay nilang wika ni Natee.
Masuyo namang ngumiti ang Admin nila na lagi nitong ginagawa sa tuwing binabati nila.
Sa hitsura pa lang ng Admin ay masasabi mo nang napakabait nito. Bonus pa na sobrang ganda at masipag sa trabaho.
"Good morning too." Nakangiting ani ng admin. Bumaling pa ito kay Princess na ikinataranta ng dalaga. "Where's King?"
"Hindi ko pa po nakikita, Ma'am." Pinilit ni Princess na hindi mautal dahil pakiramdam niya ay naiintimidate siya sa admin, buti na lang at nagawa niya.
"I see." Tumatango pa ito kasabay ang pagtingin sa paligid, "Namiss ko itong museum. Namiss kong magtrabaho."
Isang linggong nawala ang Admin nila. At base sa ibang empleyado ay galing ito sa honeymoon nila ng Asawa niyang nagngangalang Lord, kambal ng boss nilang si King.
"Namiss din po namin kayo, Ma'am." Ani naman ni Natee na kinatawa ng Admin nila.
"Anyway, punta na ko sa office ko. Enjoy your work." Malumanay na wika ng Admin nila na siyang ikinangiti ng dalawa.
Habang pinagmamasdan ni Princess ang Admin nila papunta office nito ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti.
Kahit na kasi isa ito sa boss nila sa museum, mabait pa rin ang turing nito sa mga empleyado. Down to earth at saka magaling makisama.
"She's so beautiful." Aniya nang makitang makapasok sa office ang admin.
"True." Bahagya pang tumawa si Natee. "Pero mas maganda ka syempre."
Malakas namang natawa si Princess, "Alam kong maganda ako pero alam ko rin na mas maganda si Admin sa akin kaya huwag kang mambola riyan."
"Actually, PS, lahat ng tao ay may kanya kanyang ganda. Para sa 'kin ay mas maganda ka kompara kay Admin. Pero kung para sa 'yo ay mas maganda s'ya, okay lang 'yon. Ganun ang tingin mo eh." Seryosong anas ni Natee.
"Talaga naman kasi."
"Another thing, magkahawig kaya kayo ni Admin. Kulot din ang dulo ng buhok mo, pareho kayo ng tindig, halos pareho rin ang skin color n'yo." Mahabang wika ni Natee, "Magkasing height din kayo." Dagdag pa nito.
"Matutuwa na ba ako?" Natatawang anas ni Princess.
Para ikompara sa admin nila ay malaking bagay na 'yon kay Princess. Sa tingin niya ay napakagandang compliment na no'n.
Akmang muling magsasalita si Natee nang may isang bulto ng katawan na papasok sa glass door ng museum.
Halos manlaki ang mata ni Princess nang makita niya kung sino iyon.
"Good morning, Sir!" Muli, halos sabay nilang anas ni Natee.
Ang kanina pa niyang hinahanap ay ngayo'y naglalakad na palapit sa gawi nila.
Agad namang naramdaman ni Princess ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang makita kung sino ang paparating.
Ang boss nila! Walang iba kundi si Sir King Ricafranca!!
At hindi rin niya alam kung saan ba nagmula ang pakiramdam na ito. Noong una ay inis na inis siya sa boss niyang ito pero simula nang sumama siya rito ng isang linggo, nagbago na ang pananaw niya.
Ang rupok mo naman, PS! Asik niya sa sarili.
Isang linggo lang silang magkasama pero pakiramdam niya ay diniktahan agad ang puso niya. Luh?
"Have you seen my wife?" Anas ng boss nila.
Wife? May asawa na ba si Sir King?!! Ang sabi niya ay single siya! Biglang sumakit ang puso niya.
Saglit pang pinakatitigan ni Princess ang boss niya. Malamig ang pagsasalita nito na para bang walang pakialam sa paligid. Hindi rin niya alam kung bakit biglang nawala iyong pakiramdam na naramdaman niya kanina noong malayo pa lang ang boss niya.
"Wife?'" Pag-uulit ni Princess dahilan nang pagtitig sa kaniya nito.
"Yup. Where is she?" Seryosong tanong nito.
His eyes! They are not the same! This man has dark brown eyes! Ang boss niyang si King ay light brown ang kulay ng mata. Napapansin niya iyon dahil sa loob ng isang linggo, madalas niyang pagmasdan ang mga mata ng boss niya. "S-Sir Lord?"
Muling tumango ang kausap, saglit pa itong bumaling kay Natee at bumalik sa kaniya, "Where is Amara?"
"A-ahh, nasa office po, Sir." Ani Princess kasabay nitong itinuto ang office ng Admin.
Bahagyang tumango ang kausap, "Good. Now, where is your boss?"
"Si Sir King?"
Nangungunot ang noong tumango si Lord, "I need to talk to him."
"Uhm, hindi ko pa siya nakikita, Sir. Sorry."
Muling tumango si Lord, "It's okay. Tatawagan ko na lang s'ya."
Tumango na lang si Princess bilang sagot sa kakambal ng boss niya. Akala niya ay aalis na ito matapos siyang kausapin. Ngunit hanggang ngayon ay nasa harap pa rin nila ang lalaki.
"Where are you?" Rinig niyang wika ng lalaki habang nasa may tainga ang cell phone nito. Sa tingin niya ay kausap na nito ang boss niya.
"Nandito ka?" Muling anas nito. Saglit pang tumigil at saka bumaling ng tingin sa 'private place' ng boss nila. "I need to talk to you, bro."
Ilang saglit lang ay ibinaba na nito ang cell phone. Halos mapatalon naman si Princess nang muling bumaling sa kanya ang kambal ng boss nya.
Shít! Siguro ay iniisip nito na nakatayo lang ako rito at hindi nagtatrabaho!!
"A-ahh, Natee!" Pagkuha niya sa atensyon ng kaybigan na kagaya niya, kanina pa ring nakatayo sa tabi niya. "Check na natin kung kumpleto na iyong delivered canvas?"
"Sure, PS." Nakangiting wika ng binata.
Saglit pang bumaling si Princess sa kakambal ng boss niya, "Please, excuse us, Sir."
Tango lang ang isinagot nito sa kanya.
Nang malapit na sila sa lugar kung nasa'n ang canvas ay siya namang sabay nang pagbukas ng pinto sa gilid nila. Naningkit ang mata ni Princess at pasimple pa siyang tumingin sa gawing iyon. That's my boss' private place!
Muling naramdaman ni Princess ang munting pagbilis ng t***k ng puso niya nang makita kung sinong lumabas sa 'private place'. She's now one hundred percent sure that he is her boss!
At nasa private place lang pala ito!
Saglit pang nagtama ang paningin nila, akmang babatiin niya ito nang agad ding ibinaling sa iba ng boss niya ang paningin nito.
Hmp! Sungit!
"Hey, bro. What do you want to talk about?" Rinig niyang anas ng boss sa kakambal nito.
May munting kirot siyang naramdaman nang makapasok na sila sa stock room, kung saan makikita ang bagong canvas. Gusto man niyang pakinggan ang boss niya ay hindi na niya magagawa.
MABIGAT MAN ANG PAKIRAMDAM, pinilit pa rin ni King na bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kama.
Mainit ang pakiramdam niya at sa tingin niya ay lalagnatin sya.
"Not today, please. Not today." Bulong ng binata sa sarili.
Ayaw na ayaw pa naman niyang lalagnatin lalo na kapag monday. Pakiramdam kasi niya ay masisira ang buong linggo niya. At isa pa, marami pa siyang dapat asikasuhin.
Idinaan na lang ni King sa ligo ang mabigat na nararamdaman. Siguro ay init lang ito ng panahon..
"Now, I'm feeling better." Anas niya sa sarili habang isinusuot ang polong puti. Kulay itim namang formal trousers ang isinuot niya pambaba na usual niyang suot sa tuwing nasa museum.
Agad namang nangunot ang noo ni King nang tumunog ang cell phone niya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang may nakakaalam ng number niya. They are calling me without asking for permission first! Dapat ay magtetext muna bago tumawag, hindi ba nila alam yon?
Mas kumunot ang noo niya nang makita kung sinong caller.
Lord f'ing Ricafranca calling...
"Oh?" Bungad niya nang sagutin ang tawag ng kakambal.
"Where are you?"
"In my private place? Wala naman akong ibang pupuntahan." Walang ganang aniya sa kapatid. "Why?"
"Nandito ka?" So andito sya sa Museum ko?
"Oo nga." Inis na anas ni King. Hindi niya akalaing tatawagan siya nito. Well, alam niya kasing busy ang kapatid. Lalo na ngayong kakabalik lang nito galing sa honeymoon nila ng asawa nitong si Amara.
"I need to talk to you, bro." Malumanay sa sagot ni Lord sa kabilang linya na siyang ikinagulat ni King. The f**k is wrong with this guy?
"Okay. Hintayin mo ko, palabas na 'ko." Pagdating talaga sa kakambal niya ay may soft spot sya. Kahit na napakaraming bagay ang nagawa nitong kasalanan sa kanya.
Kahit na mas matanda ng ilang minuto si Lord sa kaniya ay pakiramdam niya, siya ang kuya. Ang kuya ni Lord na dapat na lagi pa ring ginagabayan. Tsk! Tsk!
Saglit pa siyang nagbuntong hininga bago lumabas sa private place. Bahagya rin siyang natigilan nang pagbukas niya sa pinto ay ang mukha ng one-week-secretary niya ang bumungad sa kanya.
Kita pa niya na akma itong magsasalita ngunit agad siyang lumihis ng tingin. Nakita naman niya agad ang kakambal na halatang kanina pa sya hinahanap.
"Hey, bro. What do you want to talk about?" Aniya nang makalapit sa kapatid.
"Let's talk outside." Seryosong anas nito. Tango lang ang isinagot ni King sa kakambal.
Habang palabas ng museum ay hindi maiwasan ang pag-uusap ng mga tao sa paligid nila. Malamang dahil bihirang dumalaw sa museum ang kakambal niyang sir Lord.
"WHAT'S IT?" Agad na tanong ni King nang mapasandal sa inuupuan.
Nasa isang coffee shop sila malapit sa museum.
"It's about my wife." Panimula ni Lord.
Amara? "What about her?" Seryosong tanong ni King. Well, ito lang naman ang puwede niyang gawin, ang magseryoso.
Nagbuntong hininga si Lord at saka muling nagsalita, "She's too good for me."
"Anong drama 'yan?" Asik ni King, "Kakatapos lang ng Honeymoon nyo 'di ba?" Okay, I'm still hurting. At hindi na ata mawawala ang letseng pakiramdam na ito.
"You know that I love her, right? I love her so much, King."
"Hmm," simpleng anas ni King at saka sumimsim sa kapeng hawak.
"She loves me too. Mahal na mahal niya ako at pakiramdam ko ay hindi niya deserve ang kagaya ko."
"First of all, f**k you, Bro. Second, Lord F'ing Ricafranca, ngayon mo lang ba narealize na hindi ka niya deserve? Third, since alam mo pa lang hindi mo siya deserve, dapat hindi mo na lang pinakasalan. May ibang tao na mas deserving sa pagmamahal niya, bro. Fourth, f**k you again, dude."
Bahagyang tumawa ang kambal niya, "I love you, too, bro." Pagbibiro nito ngunit agad ding nagseryso kinalaunan, "Mahal na mahal ko 'yon, sa tingin mo hahayaan kong mapunta sa iba? At sinong iba ang sinasabi mo? Ikaw?"
Oo? Sagot si King sa sarili, "Ito ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin? Kasi marami pa akong gagawin."
"Gusto ko lang ng kausap, King." Malungkot na anas ni Lord at muling bumuntong hininga. "You already know what happened right? Shít things happened. Nabuntis ko si Krista at wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. I left Amara for her. Eventually, nalaman kong may sakit din siya kahit gusto ko na siyang iwan that time kasi hindi ko talaga kayang malayo kay Amara. I always wanna cry sa tuwing naalala ko ang pang-iiwan ko kay Amara lalo na buntis pala sya noong iwan ko sya.
Pero kalaban ko ata lahat eh. One night, kinausap ako ng mommy ni Krista, huwag ko raw iwan ang anak nila dahil buntis ito at may sakit. Inisip ko na andyan ka naman para bantayan si Amara. Time flies, nanganak si Krista, ganun pa rin, hindi ko pa rin maiwan. Hanggang sa ilang taon ang lumipas, hindi pa rin ako makawala sa kulungang ako mismo ang gumawa."
"I told you, Lord, wala na tayong magagawa sa past. Hindi na yon mababago. Ang tanging pwede mo na lang gawin ay bumawi kay Amara."
"That's what I'm doing. Kahit na alam kong kahit anong gawin ko, walang katumbas iyong sakit na naramdaman ni Amara noong iniwan ko sya."
"f**k, dude! Nagmature ka na talaga." Pagbibiro ni King kahit na muling bumigat ang pakiramdam niya. Dahil ba ito sa namumuong lagnat niya o dahil nagseselos pa rin siya hanggang ngayon? Or both?
"I need to be a better person." Sa pagkakataong ito ay nakakangiti si Lord, "and thank you for everything, bro. Utang na loob ko pa rin lahat nang ginawa mo para sa mag-ina ko."
Sa limang taon kasing nawala si Lord, si King ang nagbantay kay Amara. Siya ang sumasama sa tuwing may checkup ito dati dahil sa pagbubuntis. Si King din ang tumayong ama sa anak ni Amara dahil missing in action ang magaling niyang kapatid.
Saglit na ngumisi si King, "Nilalagnat ka rin ba?" Pagbibiro nito at saka umiling. "It's nothing. Mahal ko naman ang pamangkin ko kaya okay lang yon." And I love her too. Anas ni King sa sarili.
Shít, King! Gumising ka na sa katotohanan!
"And I just wanna say that It's time, King. Lalagpas ka na sa kalendaryo. You need to find a wife. Sayang ang lahi." Pagbibiro nito.
Inis namang tumayo si King, "It doesn't matter. Basta nasa bingo card pa rin ang edad ko, pwede pa iyon." Natawa siya sa isinagot sa kapatid.
Hindi na rin niya ito hinintay pang makasagot, tuluyan na siyang lumabas sa coffee shop dahil ang totoo ay mas lalong sumama ang pakiramdam niya. Mas uminit ang pakiramdam niya at sa tingin niya ay tuluyan na nga siyang nilagnat.
Hanggang sa makabalik sa museum ay mabigat ang pakiramdam niya. Papasok pa lang siya sa private place niya nang muling tumunog ang phone niya.
At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling nangunot ang noo niya nang makita kung sinong caller na agad din naman niyang sinagot. "What's your problem? Tribute ba 'to para sa 'kin? Bakit tumatawag kayo?" Inis na aniya.
Si Trick ang kausap niya na nasa kabilang linya. Ang panganay niyang kapatid. At kagaya ni Lord, bihira itong tumawag sa kaniya kaya laking gulat niya nang tumawag ang dalawa niyang kapatid sa loob lang ng isang araw.
"Hey, King, tone down your voice. Hindi mo ba namiss ang kuya mo?" Rinig din ni King ang pagtawa ng kapatid niya sa kabilang linya.
Pati sa cell phone ay napakalakas tumawa. Mabuti na lang at hindi nabibingi ang asawa nito. Siguro kung maghihiwalay sila na malabong mangyari, ang magiging dahilan ay ang pagiging malakas na boses ni Trick.
"Ano bang problema mo?" Inis pa ring tanong ni King. Pabagsak din siyang nahiga sa kama nang makapasok sa kwarto niya.
"Can you do me a favor, my brother?"
"Ano ba iyon?" Tanong ni King. Tinanggal pa niya ang pagkakabutones ng polo dahil sa init na nararamdaman. Inaapoy na at sya ng lagnat. f**k.
"You see, may two-day Seminar ako sa Baguio. Pwede mo bang bantayan ulit ang asawa ko?"
I knew it! Gagawin na naman akong body guard!
Agad na bumalik sa memorya ni King ang nangyari years ago. Noong mga panahong hindi pa mag-asawa ang kapatid niyang si Trick at ngayon na asawa nitong si Lau.
Noong college si Lau ay mag-isa lang ito sa dorm na kinaiinisan naman ni Trick. May seminar ding inattendan noon si Trick kaya inutusan siyang magbantay sa labas ng dorm ni Lau. Imagine that? Buong gabi siyang nagbantay dahil sa 'favor' ng kapatid nya.
"f**k you, Trick!" Angil ni King, "Hindi ko magagawa iyang hinihingi mong pabor dahil nilalagnat ako."
Rinig niya ang pagtawa ng kapatid sa kabilang linya kaya mas lalo siyang nainis, "Lalagpas ka na sa kalendaryo, nilalagnat ka pa rin?"
"May pinipili bang edad ang lagnat?" Inis na sikmat niya. Ilang beses bang ipapaalala sa kan'ya ang edad niya? "Basta nasa bingo card pa rin ang edad ko, pwede pa iyon." Sagot niya gaya nang sinabi sa kakambal kanina.
"Fine. What should I do? Hindi ako panatag kapag walang magbabantay sa asawa ko, King."
"Anlaki ng problema mo, Trick! Isama mo sa Baguio! Two days lang iyong seminar 'di ba? Gawin mong one week ang stay nyo ro'n at magHoneymoon kayo. Tutal isa ka rin na mahilig pakasalan ang asawa higit pa sa isang beses!"
"Chill, dude." Tumawa ang kausap. "Honeymoon? That's a better idea. Naexcite tuloy ako."
"Tsk!"
"Thanks, bro. Sorry sa abala. Pagaling ka!"
Hindi na niya sinagot ang kapatid at saka binaba ang linya.
Now, what should I do? Mas lalo ata akong nilagnat sa kakulitan ng mga kapatid ko.