IT'S A RAINY TUESDAY MORNING when Princess woke up. Ngayon ang start ng Prenup shoot ng kaybigan ng Boss niyang si Josiah at ang fiancée nitong si Mitch.
Salubong ang kilay ni Princess nang bumangon sya, pakiramdam niya kasi nahihilo sya. Her head is spinning, sumabay pa ang pagsakit ng puson nya.
Mas nangunot ang noo niya nang sunod sunod ang pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto. "What's up, Sir?" Pilit na ngiting aniya nang buksan ang pinto.
Bumungad lang naman sa kanya ang 'fresh' na itsura ng boss nya. Halatang bagong ligo at mula sa kinatatayuan niya ang amoy na amoy ang mabangong samyo nito.
"We'll start the shoot in 30 minutes. Breakfast muna tayo."
"Okay, Sir. maliligo lang ako."
"Make it fast, Miss Nase. Nasayang ang oras natin kahapon dahil biglang nagka emergency si Mitch. Kaylangang matapos ang shoot sa loob ng isang linggo."
Pilit na ngiti at pagtango na lang ang isinagot ni Princess sa boss niya.
Muli ay kumawala ang buntong hininga ni Princess nang isara niya ang pinto.
Was it my fault? Ang usapan ay kahapon ang start ng shoot pero hindi dumating ang Fiance ni Sir Josiah.
Bakit kasi pati ang videoshoot ay si Sir King ang gagawa? Photographer at videographer? Saan ka pa?
Kaya pala aabot ng isang linggo ang pagsama nya sa boss nya ay dahil sa iba't ibang lugar dito sa Nagcarlan gaganapin ang pagshu-shoot.
Muling napangiwi si Princess nang maramdaman ang pagsakit ng puson nang dumaloy sa kanya ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower.
Bakit naman kasi sa dinamirami ng araw, ngayon pa sya dinatnan.
Nang matapos si Princess ay isinuot nya ang simpleng dress para mas makakilos sya nang maayos.
Palabas pa lang sya ng kwarto ay rinig na rinig na niya ang ingay galing sa dining area. Nangingibabaw ang boses ng boss nya kaya wala sa sariling napairap sya.
"Good morning, everyone." Aniya nang makalapit sa hapag.
Sabay na bumati sa kaniya ang magfiance na sila Josiah at Mitch. Samantalang tinapunan lang sya ng tingin ng magaling niyang boss.
"Let's eat our breakfast first. Para pagdating natin sa venue, hindi pa masyadong maraming tao." Ani King na tinanguan lang ni Princess.
Gaya ng sinabi ng boss ay sinimulan na nilang magbreakfast. Patuloy pa rin ang masayang usapan sa hapag. Panay lang ang tango ni Princess sa tuwing may itatanong sa kaniya ang boss nya. Madalas ding magtanong si Mitch na ikinatuwa niya.
Halos magkasing edad lang kasi sila nito. At ang boss niya at si Josiah ay halos magkasing edad lang din... sa tingin niya.
"Uhm," ani Princess sa gitna ng pagkain nila. "Saan tayo unang magsh-shoot, Sir?" Tanong niya kasabay ng pilit na ngiti.
Ni hindi niya kasi alam kung saan ang exact location ng unang part ng prenup. Hindi na niya nagawang itanong sa boss niya kahapon dahil naging busy ito at ang kaybigan nitong si Josiah dahil napag-usapan ang tungkol sa prenup.
"Sa St. Bartholomew the Apostle Parish Church." Tipid na sagot nito.
Simple syang tumango, sino bang makakatagal makipag-usap sa boss nya? Minsan naman ay madaldal ito, kagaya kanina bago sya pumunta sa hapag. Pero madalas, tipid sumagot, parang pilit nga rin kung ngumiti.
Ang mahal mong pasayahin. Tsk!
"I'm so excited!" Maya maya'y bungisngis ni Mitch. "I still can't believe this! I'm marrying my five-year-crush!"
Lahat ng tao sa hapag ay natawa dahil sa sinabi nito.
Hindi naman maiwasang mapahanga ni Princess. Bilang isang simpleng babae, pangarap niya ring maikasal balang araw. Iyong parang kasal sa mga fairytales na napanood niya noong bata pa lang sya.
"How 'bout you, King? Kaylan ka ikakasal?" Tanong ni Mitch kay King. Kagaya ni Josiah ay hilig din nitong asarin si King.
Samantalang simpleng sumisimsim ng hot choco si Princess habang ang tainga niya ay nakahanda sa kung anong sasabihin ng boss niya.
This question is kinda irritating. Siguro dahil kaybigan ng boss niya sila Josiah at Mitch ay okay lang ang ganitong klase ng tanong, pero kung ibang tao ito, malamang ay sumama na ang loob ng boss.
"Wala sa bokabularyo ko ang magpakasal." Sagot ng binata at tsaka pa ngumisi.
"At kaylan mapupunta sa bokabularyo mo?" Pang-aasar naman ng kaybigan nitong si Josiah.
Muling ngumisi si King at saka tumayo, "Kapag nakalimutan ko na siya." Anas ng binata kasabay ang pag-alis sa hapag.
"Shít." Bulong ni Josiah na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Princess.
Sino ba kasi 'yon? Ex ni Boss?
"I think he's mad, hon." Kiming wika ni Mitch.
"Sa tingin ko rin." Tumawa pa si Josiah.
"Uhmm, excuse me," anas ni Princess, "Let's shoot na po?"
Malakas namang tumawa si Josiah ganun din si Mitch, "A'right. Let's go."
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Princess at tinapos na ang kinakain. Nang matapos silang lahat ay nagdiretso siya sa kwarto para kuhanin ang cell phone at maliit niyang bag.
Nang lumabas siya sa kwarto ay saktong palabas na rin ang boss niya. Hawak pa nito ang tripod, camera at saka ang malaking collapsible reflector. "Hey, boss."
"Hmm," anas ng binata, "Can you please carry these things, Ms. Nase?"
Pasimple niyang itinaas ang kilay, "Lahat 'yan, boss?"
Tumango ang binata, "Yup."
"Sure, Sir." Anas ni Princess. Wala naman siyang magagawa. Mabuti na lang at nakalagay sa bag ang camera. Iyong tripod ay malaki pero hindi kabigatan, ang kaso, iyong reflector ay masyadong malaki kahit na naka collapse ito.
"Are you okay, Miss Nase?" Maya maya'y tanong ni King.
Palabas na sila ng rest house. Kahit hirap na hirap ilagay sa kotse ang mga gamit ay hindi pa rin inaalis ni Princess ang pagkakangiti niya. "I'm okay, Sir. I can manage."
"Good girl." Ngumiti pa ito at tsaka tinapik ang ulo niya.
"Hindi naman kalayuan iyong simbahan kaya makakarating tayo agad." Anas ng boss niya nang makasakay sila sa kotse. Sumulip pa ito sa labas para tignan ang kaybigan nitong nakasakay na rin sa ibang kotse kasama ang fiancée.
"Okay, Sir." Simpleng sagot ng dalaga. Wala naman kasi siyang ibang isasagot sa boss niya. Marami siyang gustong sabihin pero...wag na lang.
Napuno ng katahimikan ang sasakyan nang magsimulang magdrive si King. Nasa labas lang din ang paningin ni Princess habang kinokondisyon ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay sumasakit pa rin ang puson niya.
"Wow," wala sa sariling anas ni Princess nang mapansin ang disenyo sa kotse ng boss niya. May maliliit na baybayin na nakasulat sa bawat gilid ng bintana ng kotse ni King.
Hindi niya ito napansin noong unang beses siyang sumakay sa kotse nito dahil sa sobrang liit ng pagkakasulat. Pero dahil masyado niyang itinuon ang atensyon sa bintana, doon niya mas napansin ang kakaibang disenyo.
"Can you read it?" Bahagya pa siyang nagulat ng magtanong ang kasama. Mukhang kanina pa nito napansin ang pagkamangha niya sa kotse.
Sunod-sunod siyang tumango. "Do you like writing in baybayin this much, Sir?" Muling tanong ni Princess. Lahat kasi ng sulok ang kotse ay may nakasulat gamit ang baybayin.
"Yeah." Ngumisi ito at muling itinuon ang atensyon sa pagddrive.
Muli namang bumaling si Princess sa nakasulat sa may tabi niya. ᜁᜃᜏ᜔ ᜉ ᜇᜒᜈ᜔ "Ikaw pa rin." Bulong ni Princess nang mabasa niya ang nakasulat.
Ikaw pa rin? Sino?
"We're here." Nagising mula sa malalim na pag-iisip si Princess nang tumigil ang sasakyan.
Bumungad naman sa kaniya ang malaking simbahan na ubod ng ganda. Muli, sa hindi niya mabilang na pagkakataon, gumuhit ang pagkamangha sa mukha niya nang makita ang simbahan.
"Kunin mo na yung mga gamit sa likod." Anas ng boss niya at tsaka lumabas ng sasakyan.
Saglit pa siyang nagbuntong hininga at saka sinunod ang sinabi ng binata.
Muli niyang isinukbit ang bag ng camera, niyakap niya rin ang tripod habang nakaipit sa kabila niyang braso ang malaking reflector.
Halos manakbo si Princess nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang boss niya na kasama na sila Josiah at Mitch.
"Ang bagal mo, Miss Nase." Anang boss nang makalapit siya rito. Nasa tapat na sila ng malaking simbahan. Mabuti na lang talaga at maganda ang lugar, kahit papaano ay nababawasan ang pagkainis na nararamdaman niya.
"Let's start." Seryosong wika ni King. Agad naman niyang inabot ang camera. Samantalang pumwesto sa harap ng malaking pinto ng simbahan sila Josiah at Mitch.
"Miss Nase," pagtawag ni King.
"Yes, Sir?"
"Dito ka sa harap ko," isinensyas pa nito na maupo siya sa may harap ng tripod, "Hawakan mo rito iyong reflector, itapat mo sa kanila." At tsaka itinuro ang magfiance.
"Got it, Sir."
"Lapit ka sa kanila ng konti," anas ng boss habang nakatingin sa camera. Nakangiti naman itong sinunod ni Princess.
"Bakit silver iyang dala mong reflector?"
"Sir?" What the f**k? Sino bang nagpadala nito? Siya, hindi ba?
"Anyway, let's start." Muling anas ni King. Bumilang pa siya para kila Josiah at Mitch. Kasunod nito ay bagong posing naman ang ginawa ng dalawa.
Nang matapos ang matagal tagal ng shoot na iyon sa simbahan ay lumipat sila sa isang "playground" ilang street ang layo sa simbahan.
Ito kasi ang isa sa lugar na napili ng ikakasal dahil dito raw sila unang nagkita.
Nang matapos ang pagsh-shoot ay saglit pa silang naglunch. Ilang minuto rin nilang napag-usapan ang shooting ng prenup at saka napagdesisyunang umuwi na.
NAPABUNTONG hininga si Princess nang sumakay sa kotse ng boss niya. Simpleng pagbubuhat lang ng gamit ang ginawa niya pero pakiramdam niya ay nabugbog ang katawan niya.
"Are you okay, Miss Nase?" Tanong ni King nang mapansin nito ang pagbuntong hininga niya.
"I'm okay, Sir. Masakit lang iyong puson ko."
"Kaylang pa?" Bakas sa mukha ni King ang pag-aalala. Wow. Concerned.
"Errr.. kaninang umaga pa."
"Hmm, from 1 to 10, gaano kasakit?"
Bahagyang natawa si Princess sa tanong ng boss niya. "100?" Siguro ay kahit anong paliwanag niya ay hindi nito magegets kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.
Kung pwede nga lang hindi sumama sa shooting ay hindi na siya sasama. Ang kaso ay trabaho ito.
"I get it." Anas ng boss niya, "5 minutes." Muling wika nito na hindi naman niya naintindihan kung ano.
At makalipas ang limang minuto, natagpuan na lang ni Princess na tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang Pharmacy. Ni hindi na siya nakapagreact nang agad na lumabas ang boss niya.
What is happening?
Ilang minuto lang din ay bumalik na ito at saka inabot sa kanya ang bottled water at maliit na gamot, Buscopan Venus.
"Thank you, Sir." Nangingiting anas niya. Hindi niya akalaing gagawin ito ng boss niya.
"It's nothing." Simpleng sagot ni King at muling pinaandar ang sasakyan.
Lumipas ang lima pang minuto ay muling tumigil ang sasakyan. At gaya nang nangyari kanina ay agad na bumaba ang boss niya.
Saglit lang sumilip sa labas si Princess at nakita niyang sa McDonald's pumunta si King.
At muli, gaya ng nangyari kanina, saglit lang din ay bumalik na ito. Sa pagkakataong ito ay hindi na gamot ang ibinigay sa kanya. Kundi large fries, burger at upgraded coke float.
"Thank you, Sir." Darn. May ganitong side naman pala ang boss niya. Akala niya ay isang malaking ungentleman lang ito.
"It's nothing." Muling sagot ng binata.
It's nothing? No, Sir. It's everything!!!!