CHAPTER TWO

1554 Words
"GOOD MORNING, DOGGIE!" Masayang bati ni Princess sa alaga niyang pusa. It's kinda weird dahil sa dinami rami ng puwedeng ipangalan sa pusa, Doggie pa ang naisip niya. Masyado na kasing maraming pusa ang mingming at muning ang pangalan kaya doggie naman. Dahil panibagong umaga na naman, ginawa ni Princess ang "morning routine" niya. Mula ulo hanggang paa, walang parte ng katawan niya ang nakaligtas sa beauty products na loyal niyang ginagamit. Napatingin siya sa paligid, tahimik na kuwarto at paniguradong tahimik na buong bahay ang laging sumasalubong sa kaniya tuwing gigising at kahit na tuwing uuwi galing sa museum. Siya lang kasing mag-isa ang nakatira sa bahay nila. Paano ba naman, ang mga magulang niya ay parehong nasa ibang bansa para magtrabaho. Isang taon na lang din naman ang bibilangin at susunod na siya sa Canada para doon na manirahan...for good. At nang dahil din sa palaging mag-isa, natutunan niya kung paano tumayo sa sariling paa. Isa siya sa mga tinatawag na independent woman. Lumaki s'yang alam ang mga bagay na tama at hindi tamang gawin. Kaya n'ya ring ipagtanggol ang sarili dahil wala namang ibang gagawa no'n kun'di siya lang. Lumaki rin siyang pinapahalagahan ang sarili. Agad namang nangunot ang noo ni Princess nang marinig ang tunog ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay nila. It's him. For sure. Nagbuntong hininga muna siya at saka inakay ang maletang kulay pink, dinala rin niya si Doggie para ibilin muna sa kapitbahay. Ngayon na kasi ang alis nila ng Boss niya para sa 'shoot'na sinasabi ng binata. At bilang personal secretary, kailangan niyang sumama sa Boss niya. Huli na nang malaman niyang sa Nagcarlan Laguna pala ang shoot na iyon. Hindi na s'ya nagkaron ng pagkakataong tumanggi. Nang masigurado niyang magiging ayos ang alaga nyang pusa, tsaka lang sya nagtungo sa kotse na kanina pang bumubusina sa tapat ng bahay. "You're five minutes late, Miss Nase." Kunot noong anas ng boss niya nang pumasok sya sa kotse. Ni hindi man lang sya tinulungang ipasok ang dalang maleta. Pasimple syang umirap at saka pilit na ngumiti nang makaupo sa harap ng sasakyan. "Ibinilin ko pa kasi si Doggie sa kapit-bahay. Kawawa naman dahil mawawala ako ng isang linggo." Labas sa ilong na aniya. Kahit na ngumiti si Princess sa harap ng boss niya ay hindi pa rin maitatago ang pagkainis na nararamdaman. Noong una ay ang malakas na t***k ng puso niya agad ang mararamdaman niya sa tuwing makikita ang boss. Pero simula nang sinabi nitong walang espesyal sa kanya at simula nang hindi sya nito maalala, agad napalitan ng inis ang nararamdaman niya sa binata. "Wala bang ibang mag-aalaga sa aso mo at sa kapit-bahay mo pa ibinilin?" Kunot noong tanong nito at saka sinimulang paandarin ang sasakyan. Agad namang natawa si Princess, "Ako lang ang tao sa bahay at saka hindi aso ang pet ko, 'no." "Eh ano pala?" Hindi alam ni Princess kung bakit nagsisimula syang makipag-usap sa boss niya ng tungkol sa ganitong bagay. Bago pa lang kasi sya mag-impake ay itinatak na niya sa isip niya na hindi niya kakausapin ang boss kung hindi naman gano'n kaimportante. Masyadong na-hurt ang feelings niya nang sinabi nitong walang espesyal sa kanya. "Pusa, boss. Pusa." Inis na aniya. Pinag-cross pa ang braso at saka tumingin sa labas. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. Tumango naman si Princess kahit na hindi sya nakatingin sa boss niya, "Malayo pa naman tayo 'di ba? Puwede bang matulog muna ako? Inaantok pa rin kasi ako eh...boss." "Ganyan ka ba talagang makipag-usap sa employer mo?" Agad naman syang natauhan nang marealize kung anong tinanong ng boss niya. Fudge, Princess. Si Sir King iyan! "Sorry." Seryosong aniya. Saglit pa syang lumingon sa binata ngunit nakafocus ito sa pagddrive. "Fine. You can sleep." Ohh, mabait naman pala. "Naalala ko na kung saan kita nakita." Dagdag pa nito dahilan nang panlalaki ng mata niya. "You remembered?!" Halos pasigaw na tanong ni Princess. Nawala nga rin ang kaninang antok na nararamdaman nang dahil lang sa sinabing iyon ng Boss nya. Muli namang nanumbalik sa ala-ala niya ang mga bagay na nangyari noong kasal ng admin nila. Dapat nang ibaon sa limot 'yon eh! SA KABILANG BANDA, lihim na natatawa si King sa kausap. Seriously? Naniniwala syang hindi ko sya maalala? Hmm, it seems like I'm going to enjoy this. "Yup. Naalala ko na." Sagot ni King. Saglit pa siyang sumulyap sa dalaga. Mas hindi niya napigilan ang pagtawa nang makita ang pamumula ng mukha nito. "Kakahiya, Sir." "Why?" Natatawa pa ring tanong ng binata, "Anong nakakahiya doon? 'Di ba sa orientation kita nakita?" Pinilit pa niyang magseryoso at laking tuwa nang makita ang panlalaki ng mata ng dalaga. "O-Orientation?" Tumango si King, "Yeah. Saan pa ba? Wala na 'di ba?" Hindi naman nakatakas sa paningin niya ang pag-irap ng kausap. "Doon nga, Boss." Ang kaninang pagtawang nililihim niya ay kusa nang lumabas. "Do you know me?" "Oo? You are our Boss, Mr. King Ricafranca." Nalilitong sagot ng dalaga. "Hmm, and you are Princess Scarlet Nase, right?" "How do you know?" Imbis na sumagot, tumawa lang si King, "I'm thirty one." "I'm twenty." Pagsabay niya sa trip ng boss niya. "I am single." Natatawang wika ni King na ikinatigil ni Princess. "I-I am single, too, Sir." "May tatlo akong naging ex-girlfriends. How about you?" Mas nakaramdam ng pagkailang si Princess sa boss niya pero isinantabi na lang niya iyon, "I-isang ex-boyfriend." Saglit na natigilan si King. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at saka seryosong tumingin sa kausap. "So, sya ang first kiss mo?" "H-Hinde, 'no! Ikaw ang first kiss ko!" Nahihiyang sigaw ni Princess. Agad din naman syang natauhan nang marealize kung anong sinabi nito. "Really? Little Princess?" Natatawang tanong ni King kasabay ang pagngisi. "s**t!" Bulyaw ni Princess. Hindi niya alam kung anong gagawin. Bigla na lang ba niyang papahintuin ang sasakyan at saka iiwan ang boss o hahayaan na lang niyang magkaron ng himala? Iyong tipong kakainin sya ng sasakyan para lang hindi makita ng boss nya. "How about my kisses? Do you like it?" Pang-aasar ni King. Humugot ng malalim na buntong hininga si Princess. Kinalma rin niya ang sarili at diretsong tumingin kay King. "Puwede ba, Sir, change topic?" "Ohh, okay." Natatawang wika ng binata, "Now, matulog ka na muna. Almost two hours ang byahe... I think." Tango lang ang isinagot ni Princess. Hindi na niya pahuhulihin ang chance na matulog siya, 'no. Masyado siyang napuyat kagabi kakaisip. Buong magdamag kasi ay ang boss nya lang ang laman ng isip niya. Kung ano bang mangyayari sa buong linggong magkasama sila, tungkol sa kasal ng admin nila na dapat ay kinalimutan niya na lang dahil wala lang naman iyon sa boss nya, at kung paanong pakikitungo ang gagawin niya rito. NAALIMPUNGATAN si Princess nang maramdaman niya ang bahagyang pagtapik sa pisngi niya. Hirap man, pilit niyang iminulat ang mata at ang nakangiting mukha ng Boss niya ang una niyang nakita. "What time is it?" Muling gumuhit ang ngiti sa labi ni King, "It's time to eat." What? "Fudge." Mahinang anas ni Princess nang mapatingin sa relo. Oras na nga para mananghalian dahil alas dose na. Pasimple pa siyang tumingin sa paligid, nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat sila ng isang malaking rest house. "Let's go inside? Kanina pa tayo hinhintay ng kaybigan ko." Anas ng boss nya. Tango lang ang isinagot ni Princess. Saglit pa syang napaungos nang muli ay hindi na naman siya tinulungang magdala ng maleta. Sabagay. Sya ang boss, alangan namang sya pa ang tumulong sa 'kin. Nakasimangot lang sya habang nakasunod kay King. Ni hindi man lang sya hinintay makababa ng sasakyan. Sa haba ng legs ni King ay paniguradong malalaki ang hakbang nito, dahilan nang mas lalong pagkahuli ni Princess sa paglalakad. Halos patakbo na ang gawin niya maabutan lang ang boss na para bang may hinahabol sa bilis maglakad. Napangiwi pa si Princess nang mapansing wala manlang dalang kung ano ang boss. Walang dalang gamit. Paano na ang mga gagamitin nito? Akala ko ba ay photoshoot? Bakit kahit isang camera ay walang dala ang magaling na boss? Anyway, it's not her problem to problem. "Hey, bud! Finally, you're here!" Anas ng isang lalaki. Halos kasing tangkad ni King at hindi rin nagpapahuli ang kagwapuhan nito. Sa wakas, nang tumigil si King sa harap ng isang lalaki ay tsaka lang nakalapit si Princess. "Sorry. I'm late. Traffic eh." Anas ng boss nya. Umiling lang ang lalaking kausap, pilit pang ngumiti si Princess nang bumaling ito sa kanya. "Girlfriend?" Natatawang umiling si King. Saglit pa nitong kinamot ang kanang kilay, "Nope. She's my secretary." "Ohhh," mahabang anas ng lalaki, hindi naman makapagsalita si Princess dahil wala naman syang sasabihin. At tsaka, hindi naman nya ito kilala, "I knew it. Hindi ka pa nga pala nakakapagmove on." Bahagyang tumawa si King. Kahit kailan ay palabiro ang kaybigan. "Anyway, ready na ba iyong mga gamit?" Sunod sunod itong tumango, "Yup. Pasok na muna kayo. Nagprepare na 'ko ng lunch." "Sure thing. Thanks, bud." Anas ni King at tumingin kay Princess, "Let's go." Maikling wika nito. Napairap na lang si Princess nang mapatingin sa papalayong bulto ng boss nya. Ang lupit talaga ng lalaking ito. "s**t ka, boss." Inis na bulong ni Princess habang hila hila ang maleta papalapit sa lugar kung nasa'n ang boss nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD