NAGISING SI PRINCESS DAHIL sa sikat ng araw na ngayon ay tumatama na sa mukha niya. Lunes na naman at panibagong linggo na naman ang magdadaan.
Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalaga nang maalala ang nangyari noong biyernes, wala sa sariling napahawak pa siya sa labi.
Mabuti na lang at hindi na halata ang naging sugat nito, bukod kasi sa dumugo iyon, nagkaroon din ng maliit na pasa.
Grabe naman kasing humigop si Sir King! Pakiramdam ko ay mauubos ang labi ko. Tsk! Tsk!!
Nang mailigpit ang bedsheet ay napagdesisyunan na ni Princess na maligo. Masyado siyang excited para sa araw na ito dahil sabay silang magbbreakfast ni King at sabay rin papasok sa Museum.
ILANG MINUTO ang lumipas at natapos nang maligo si Princess. Nang makababa ay inayos ang mga gagamitin sa breakfast.
"He's here." Anas ni Princess sa sarili nang marinig ang sunud sunod na pagbusina mula sa labas.
Dali dali naman niyang sinalubong ang boss na para bang matagal niyang hindi nakita.
"Hi, Good morning!" Masiglang niyang anas nang makita ang boss. May dala rin itong paper bag para sa breakfast nila.
"Good morning. Let's eat?"
"Tara na sa kusina." Excited pang wika ni Princess na tinawanan lang ng boss niya.
Agad din silang kumain nang makarating sa kusina. Muli, kagaya nang mga nagdaang araw, masaya nilang pinagsaluhan ang almusal. Halos regular na nilang ginagawa dahilan ng pagkasanay ni Princess.
Lihim din siyang napapangiti dahil tinupad ni King ang sinabi nitong lagi siyang sasabayan tuwing almusal.
Sa gitna ng pagkain ay muli nilang napag-usapan ang naganap na celebration noong nagdaang biyernes. Kung paano nagsimula at natapos ang nasabing selebrason.
"WHO IS SHE? Your sister?" Takang tanong ni King nang mapansin ang picture frame na nasa bandang likod ni Princess.
Kakatapos lang nilang mag-almusal at kasalukuyan nang nagliligpit ng pinagkainan nang magtanong ang boss niya.
Natatawa namang umiling ang dalaga, "Only child ako, 'di ba?"
"Oo nga pala." Kumunot pa ang noo ni King, "Kamukha mo kasi."
Mas natawa si Princess sa sinabi ng binata, "She's my mother."
"Ohh. She looks young." Manghang anas ni King.
"Bata naman kasi talaga si Mama. She's only thirty eight years old." Natatawang anas ni Princess.
"Your mom is just seven years older than me. Whew."
"Why?" Muling natawa si Princess.
Saglit pang natigilan si King na parang may naalala at saka muling nagsalita, "Basically, she got pregnant when she was seventeen years old turning eighteen, right?"
Sunod sunod na tumango si Princess, "Maswerte si mama kasi hindi siya pinabayaan ni papa noong nagbuntis sya. Although sabi ni mama ay sobrang hirap daw magbuntis nang sabay sa pag-aaral. Sinabi rin niya ay nagkamali sila, hindi sila nag-ingat, nadala ng kyuryosidad, at ang pagkakamaling 'yon ay nagsilbing aral sa kanila."
"May kilala akong pareho nang naging sitwasyon ng mama mo. But she got pregnant when she was eighteen. Pinagpatuloy rin niya ang pag-aaral kahit buntis siya." Seryosong anas ni King.
"Sino?"
Saglit pang natigilan ang binata at saka umiling, nginitian din niya si Princess, "You don't have to know."
"Hmm," tumango si Princess, "Let's go, Sir. Baka ma-late na tayo."
"Yeah, Sure." Ngumisi pa si King at saka sabay silang lumabas ng bahay.
Napangiti pa si Princess nang alalayan siya ni King pasakay sa kotse, "Thank you, Sir."
Ngisi lang ang isinagot nito at saka umikot papunta sa kabilang side ng sasakyan.
Nasa kalagitnaan naman sila ng byahe nang muling buksan ang isa sa mga bagay na pinag-uusapan nila kaninang almusal.
"So you are saying na last semester mo na 'to at sa susunod na semester ay pahinga ka na? Ibig sabihin ay hihintayin mo na lang ang graduation nyo sa March, right?" Tanong pa ng binata habang ang atensyon ay nasa pagddrive.
Tumango si Princess, "Kapag nabored ako sa paghihintay ng graduation ay pwede naman akong mag-apply ng trabaho."
"Hmm," seryosong anas ni King, "Less than two months na lang ay tapos na ang internship mo 'di ba?"
Malungkot na tumango si Princess. Mabuti na lang talaga ay hindi nakatingin si King sa kaniya, "Oo. Mamimiss ko ang museum."
"You can stay if you want."
"Pag-iisipan ko." Tanging naisagot na lang ni Princess dahil tumigil na ang sasakyan, senyales na nakarating na sila sa Museum.
Nang makababa ay naghiwalay na ng landas ang dalawa. Pumunta na sa sariling opisina si King samantalang nasa area na si Princess kung saan siya naka-assign.
Lihim pa siyang napapikit nang maalalang hindi man lang nila napag-usapan ang nangyari noong gabi ng celebration. Sa sobrang dami nilang napag-usapan kanina ay hindi man lang naisingit ang bagay na iyon.
Napabuntong hininga na lang siya at saka sinimulan ang trabaho para sa araw na ito. Ginawang busy ang sarili para hindi na muling sumagi sa isipan ang mga tanong na gumugulo sa isip nya simula pa noong byernes.
Lumipas pa ang ilang oras, naging busy si Princess na ikinapasalamat niya.
"Miss Nase," agad siyang napatigil sa ginagawa nang tawagin siya ng Admin.
"Yes, ma'am?" Nakangiting aniya.
"Pwede mo bang papirmahan 'tong purchase request form kay King?" Anas pa ng admin at saka kiming ngumiti.
"Opo, ma'am. I'll take care of it." Aniya at saka kinuha ang apat na pirasong papel.
"Thank you, Miss Nase."
"You're welcome, Ma'am. Dalhin ko lang po sa office n'yo 'pag napirmahan na ni Sir."
Muli pa itong tumango at saka ngumiti.
Nang makitang nakabalik na sa office ang Admin ay tsaka lang nagtungo si Princess sa opisina ng boss niya.
Tatlong katok ang iginawad niya sa pinto ng opisina ni King at saka lang siya pumasok.
Gulat at pagkamangha ang naramdaman niya nang makitang nakasuot ng salamin ang boss niya. Abala rin ito sa laptop at mukhang seryosong seryoso.
"Good morning, Sir King."
Nang magsalita si Princess ay tsaka lang tumigil sa ginagawa si King, agad din itong napangisi nang makita ang dalaga. "Hey, what's the matter?"
"You need to sign this purchase request, Sir." Anas ni Princess at inabot ang hawak nitong apat na kopya ng request.
Isang tango lang ang isinagot ni King at binasa ang hawak na papel. At dahil abala si King sa ginagawa, malayang napagmasdan ni Princess ang binata.
Kahit na magkasama lang sila kanina ay mukhang hindi niya pagsasawaang makita ang boss. Mas gumwapo pa ito ngayong makita ni Princess ang pagkaseryoso nito sa trabaho. Nakadagdagan din sa atraksyong nararamdaman ang suot ni King na puting polo na bagay na bagay sa kaniya.
Pakiramdam din ni Princess ay namumula ang mukha niya nang dahil lang sa nakitang nakasuot ng salamin ang boss niya. First time, eh.
"It's done." Nanumbalik sa katotohanan si Princess nang magsalita si King.
Saglit pa siyang napailing at saka nanginginig ang kamay na kinuha ang request na ngayon ay may pirma na ng boss.
"T-Thank you, Sir."
Tumango naman si King, "Hmm."
"A-Ahh, Sir, ngayon ko lang kayo nakitang nakasuot ng glasses." Hindi napigilan ni Princess na puriin ang binata.
Sobrang gwapo kasi lalo. Kainis!!
"Hindi ko naman kasi hilig magsuot ng ganito. Kaylangan ko lang."
"Mas gusto ko 'pag nakasalamin ka." Pag-amin ni Princess na ikinatawa naman ni King.
"Really?" Anas ng binata, nakahawak pa ito sa sariling labi.
Nahihiya namang tumango si Princess. Kahit ata anong gawin ng boss niya ay gwapo sa paningin niya. Gwapo naman kasi talaga pero extra gwapo pag dating kay Princess.
"B-Bakit pala lumabo ang mata mo? Kaka-cell phone?" Pagbibiro niya, saglit pa siyang napalabi dahil hindi manlang tumawa ang boss. Psh.
Agad namang naging seryoso si King na ikinabahala ng dalaga. Nakita rin niya ang pagsasalubong ng kilay nito. "I got into an accident that wasn't my fault."
Natigilan si Princess. Hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin. "K-Kamusta ka na pala, Sir?" Wala siyang makuhang ibang salita, pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya at hirap nang magsalita ngayon.
"I'm okay now. That accident happened years ago anyway." Sa pagkakataong ito ay ngumiti na si King, "It damaged both of my eyes. Inaasahan ko namang lalabo talaga ang mata ko kahit na naging successful ang transplant." Bahagyang tumawa ang binata. "I mean, there's no such thing as eye transplant. Iyon lang ang karaniwang tinatawag."
Kahit na nagawa nang magbiro ni King ay ganun pa rin ang takot na naramdaman ni Princess. Wala sa sariling lumapit siya sa boss at saka mataman itong tinitigan.
Hindi pa nakuntento, hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ng boss at saka pinagmasdan ang mata nito, "Kaya pala magkaiba kayo ng mata ng kakambal mo."
Sa pagkakatanong ito ay nangunot ang noo ni King, "Paano mo naman nalaman? Do you know him?"
"Hindi. Aksidente ko lang napansin noong nakausap ko siya matagal na. Dito rin yon sa museum."
Mabagal na tumango si King at saka hinawakan ang kamay ni Princess na ngayon ay humahaplos na sa pisngi niya, "Wala akong ideya kung bakit magkaiba kami ng mata. People that has the same situation as me are most likely receiving a donor cornea, it won't change the eye color so yeah. Baka hindi lang talaga kami magkapareho ng mata ng kakambal ko simula ng ipinanganak kami."
"Bakit hindi mo alam?" Pagtatanong muli ni Princess na ikinatawa ni King.
Saglit pang napasinghap ang dalaga nang hulihin ni King ang kanang kamay niya at saka ilang beses na hinalikan ang likod ng palad niya, "Let's say that we are not really that close. Kaya hindi ko alam kung anong kulay ng mata nya."
Muling tumango si Princess. Pilit niyang iniintindi ang bawat sinasabi ni King, "Pero mas gusto ko ang mga mata mo. Parang nangungusap, parang laging may gustong sabihin."
"Really?" Natatawang anas ng binata kasabay ang pagtanggal nito sa suot na salamin. Kinabig din niya palapit si Princess at saka pinakatitigan, "Nangungusap ang mata ko? Anong sinasabi ngayon?"
Agad pinamulhan ng mukha si Princess. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't isa. Sa sobrang lapit ay parang naduduling na nga siya. Ramdam din niya ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya.
Ilang beses din siyang napalunok na mas lalong ikinatawa ng boss niya. "I-I don't know." Halos wala ng boses na aniya.
Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya nang hawakan ni King ang batok niya at saka marahang kinabig palapit. "My eyes wanna say that I want to kiss you."
Hindi na niya nagawang magsalita nang maramdaman ang paglapat ng labi nila sa isa't isa.
Isang singhap ang kumawala sa bibig ni Princess nang kabigin siya ni King paupo sa hita niya. At awtomatikong yumakap si Princess sa boss niya.
"Shít.." anas ng dalaga nang maramdaman niya ang bahagyang pagkagat at paghila ni King sa labi niya.
Ito na naman ang nakakabaliw na klase ng paghalik nito. Mas sumidhi ang sensasyong nararamdaman ni Princess nang galugarin ng malikot na dila ni King ang bibig niya na para bang may hinahanap.
"Gosh, King.." muling kumawala ang daing ng dalaga nang lumipat sa panga niya ang mga halik ni King. Ilang segundo lang naglandas doon ang labi ni King at muli na naman nitong natunton ang labi ni Princess na pawang hinihintay ang susunod nitong gagawin.
Muling sinipsip at bahagyang kinakagat ni King ang ibabang labi ni Princess. Samantalang ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa likod ng dalaga.
Halos kapusin sa paghinga si Princess nang tigilan ni King ang panggigigil sa labi niya.
"That was... great." Anas niya pero ang totoo ay nahihiya siya, kung pwede lang na hindi na muling tignan sa mata ang boss ay ginawa na niya.
"CR lang ako." Paos at halatang nahihirapang anas ng binata, "Dalhin mo na yung pinapirmahan mo kanina." Dagdag pa nito, inalalayan din niyang tumayo si Princess at saka diretsong nagtungo sa cr na nasa loob lang din ng opisina niya.