KLP: CHAPTER FOURTEEN

1822 Words
"KAMUSTA, ANAK?" Abot tenga ang ngiti ni Princess nang sagutin ang video call ng mama niya. "I'm doing good, ma." Anas pa ng dalaga. Hindi pa naman siya male-late papasok sa museum kaya okay lang kung matagal ang pag-uusap nilang dalawa. "Iyong mga papeles mo? Okay na ba?" Saglit pang natigilan si Princess. Masyado siyang naging masaya nitong mga nagdaang araw kaya nawala sa isip niya ang inuutos ng mama niya. "Inaayos ko na, ma." "Good. Anyway, ayaw mo raw kausapin si Drew? Kakagaling niya lang dito kanina. Nagtatampo ang batang iyon." Agad nangunot ang noo ni Princess. Ilang beses na kasing tumatawag at panay rin ang chat ni Drew pero lahat ng iyon ay hindi niya sinasagot. Para saan pa ba? "Bakit ba nangungulit pa siya sa inyo, mama? Matagal na kaming wala." Inis pa ring sagot ni Princess. "Can you please listen to him?" "Mama naman." Hindi na niya napigilan ang bahagyang panunubig ng mata. Bakit ba pakiramdam niya, pinipilit siya ng magulang niya sa Ex-boyfriend niyang nang-iwan sa kaniya two years ago? "Sino po ba ang anak n'yo sa 'min ni Drew?" "Princess.." nalungkot ang mukha ng ginang na ikinabahala ng dalaga. Masyado ata siyang naging harsh sa mama niya. "Sorry, Ma. Naiinis lang po ako." "Kahit isang beses lang, anak, pakinggan mo ang paliwanag niya. Kapag wala na talaga, ako na mismo ang magsasabi kay Drew na tigilan ka na." "Okay, ma. I'll talk to him later." Iyon na lang ang sinabi ni Princess para pagaanin ang loob ng mama niya. Kahit na inis siya sa ex-boyfriend niyang si Drew, mapipilitan siyang kausapin ito dahil iyon ang gusto ng mama niya. "Good. Thank you, Anak." Tumango ang dalaga, "I'll end this call na, mama. Papasok na po ako." Anas ni Princess nang marinig ang sunod sunod na busina mula sa labas. "Okay, sweetie. Bye. I love you." "I love you, too, mama. Pasabi na rin po kay papa." Tumango at saka kumaway pa mula sa monitor ang mama niya at tinapos na ang tawag. Saglit pang pinagmasdan ni Princess ang sarili sa malaking salamin, nang masiguradong ayos na siya ay tsaka lang niya kinuha ang bag. Saglit din siyang dumaan sa kusina para kuhanin ang sandwich na ginawa niya kanina at saka lumabas ng bahay. "Hello, Sir." Pilit na ngiting anas ni Princess nang makitang nakasandal ang boss niya sa kotse nito. Agad namang lumapit si King, humalik rin ito sa pisngi niya, "Let's go?" Inalalayan pa siya nito pasakay sa kotse. Ilang segundong natigilan ang dalaga, parang ngayon lang niya ginawa iyon. Iyong simpleng paghalik sa pisngi niya nang salubungin siya nito. Agad namula ang mukha ni Princess sa isiping iyon. Points 'yan, Sir. "Here." Medyo nahihiyang anas ni Princess at saka inabot ang paper bag na naglalaman ng sandwiches. Hindi niya magawang tignan sa mata ang boss sa hindi malamang dahilan. Lumingon lang siya sa bintana nang kuhanin ni King ang paper bag. "Thanks, baby." B-Baby? First time ulit! Points na naman!! "Hmm," iyon lang ang sinabi ng dalaga pero gusto na niyang sumabog, gusto na niyang magsabi ng... mga words. Wala nang nagsalita sa dalawa nang magsimula nang umandar ang sasakyan. Seryosong nagda-drive si King samantalang nakatingin lang sa unahan si Princess, iniisip ang mga napag-usapan nila ng mama niya. "Are you okay?" Bahagya pang nagulat si Princess nang marinig na magsalita ang boss, nasa daan pa rin ang paningin nito. "Yup, why?" Aniya. Ngumiti rin siya nang saglit na lumingon ang binata. "I can also read you. What's bothering you?" Nagbuntong hininga si Princess, "Si Drew kasi, yung ex-boyfriend ko, gusto akong kausapin." "Hmm," anas ni King at saka muling nagfocus sa pagdadrive. Yun na yon? Nakaramdam ng kaonting lungkot ang dalaga. Umasa kasi siya na baka, na kahit konti ay makaramdam ng selos ang boss niya, ngunit wala. Bakit ba 'ko umaasa? May nakakaselos ba roon sa sinabi ko? At kung mayroon man, bakit siya magseselos? Inis siyang lumingon sa bintana. Napakasimpleng bagay lang nito pero hindi niya mapigilang mainis. Saglit pa siyang nagulat nang maramdaman ang paghawak ni King sa kamay niyang kanina pang nakapatong sa hita niya. "Sir?" Anas niya. Pinisil pa ni King ang kamay niya at saka iyon inilapit sa bibig, hinalikan din ng binata ang likod ng palad niya habang ang paningin ay nasa kalsada pa rin. "Drop the honorific." "Uh?" Litong anas ng dalaga. "What do you want me to call you, then?" "Daddy." Wala sa sariling nahigit ni Princess ang kamay niyang hawak hawak ni King. Ilang beses din siyang napalunok. Bakit hindi ako makahinga?! It choked me up!! "W-What the hell?" Bigla namang tumawa si King. Umiling din siya at saka bumaling kay Princess na namumula pa rin ang mukha, "Why? Ayaw mo?" Ayaw mo? A tricky question, I see. "Are you comfortable with me calling you King-King? It's kinda cute." "No." Seryosong anas ni King kasabay ang pagkunot ng noo. Napalabi si Princess, "Why? Ang cute kaya." "We are here." Pag-iiba ni King. Saglit pang lumingon si Princess sa labas at napagtantong nasa museum na nga sila. Buntong hininga lang ang nagawa niya. Sa tuwing ayaw ni King sa pinag-uusapan ay lagi na lang nitong iniiba. Inis siyang lumabas sa sasakyan. Ni hindi na rin hinintay ni Princess na bumaba ang boss niya, ganito naman ito palagi. Kaylangan na niyang masanay. At saka, ano ba sila? Malapit na siyang makapasok sa glass door ng museum nang may humawak sa kamay niya. Agad namang napasinghap si Princess nang mapagtanto niyang si King iyon. "Sir?!" Pinilit niyang hinaan ang boses, bumaba rin ang paningin niya sa kamay niyang hawak ni King. Mas napasinghap pa siya nang pagdaupin ni King ang kamay nilang dalawa, "What?" "N-Nasa museum na tayo." Baka may makakita! "So?" Nakangising anas ng binata. "B-Baka may makakita sa 'tin." "Does it matter?" Wika pa nito at saka bahagyang hinila si Princess papasok sa museum, "Fine. Call me anything you want. Just don't get mad at me." Mababaliw na ata si Princess dahil sa ugali ng boss niya. Kanina lang ay naiinis siya rito dahil wala manlang reaksyon nang ikwento ang tungkol sa ex niya, tapos ay magiging sweet, biglang aayawan ang gusto nitong itawag niya at ngayon naman ay walang pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao, at saka pumayag na sa kahit anong gustong niyang itawag dito. God, Sir King Ricafranca. I'm soft. "Don't forget to eat my sandwich later, Sir." Wika ni Princess nang makariting sila sa Area niya. "Eat your what?" Ngumisi pa si King. "Sandwich?" Anas pa ng dalaga at saka tinuro ang paper bag, "Pumunta ka na sa office mo, dadalhan kita ng coffee." "Sounds good. I'll see you later, then." Bahagya pang lumapit si King at saka humalik sa noo ni Princess. Samantalang kunot noong tumingin ang dalaga sa boss niyang naglalakad na papunta sa office nito. What was that? What happened? Pakiramdam niya ay hindi lang paro-paro ang umiikot sa tiyan nya ngayon kindi isang buong zoo. "WHAT'S THE MEANING OF THAT?" Agad natauhan si Princess nang marinig ang boses na iyon ni Natee. May halong pang-aasar pa sa tono nito kaya hindi siya makasagot. Nahihiyang napatungo pa siya habang pinapakalma ang sarili. Pakiramdam niya kasi ay namumula ang mukha niya at paniguradong mapapansin iyon ng kaybigan. Bukod sa ayaw niyang asarin siya ni Natee, nakatingin din sa kanya si Angela at iba pang kasamahan sa trabaho. At lahat sila ay pawang naghihintay sa isasagot ng dalaga. "What?" Kunwaring nagtatakang tanong ni Princess. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Alam niyang pag-uusapan sila dahil sa ginawa ng boss niya kanila lang. Tsk! Bahagya namang natawa si Natee, sila Angela ay hindi rin napigilan ang paghagikhik. "Boyfriend mo si Sir King, 'no? Kaya pala ang laki ng galit no'n sa 'kin." "H-Ha?" Nataranta pa siya. Mas lalo ring tumindi ang pag-init ng mukha niya, "H-Hindi, 'no!" Boyfriend? Ano nga ba kami? Bakit natatakot akong magtanong? Bakit ayaw kong malaman kung anong isasagot niya kung sakali mang magtanong ako? Fine. I'll ask him. I can do this. "Diyan ka na nga, Natee. Ipagtitimpla ko pa ng kape si Sir. Hindi pa 'yon nag-aalmusal." "Wow, PS. Pati iyon ay alam mo. Hindi mo talaga boyfriend?" "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka riyan." Asik ng dalaga at saka iniwan si Natee. Saglit din niyang ipinagtimpla ng kape ang boss. Nang matapos iyon ay kumatok pa siya sa pinto ng opisina nito at saka diretsong pumasok. Naabutan naman niya si King na nakasandal sa swivel chair nito, may hawak pa itong parker pen at pinapaikot iyon sa kamay. "Lock the door." "O-Okay," anas ng dalaga, sinunod ang utos nito at saka lumapit sa boss niya. Naupo rin siya sa may table nito, "Here's your coffee, Sir." "Hmm, can I eat your sandwich now?" Ngising tanong ni King, saglit pa itong tumingin sa may pinto at hindi naman iyon nagets ni Princess. "Yup." Sagot ng dalaga at saka inilabas ang dalawang sandwich na nasa paper bag. "Thanks, baby." Anas ni King nang ibigay ni Princess ang sandwich. "Whatever, boss." Asik niya. Mataman pa niyang pinagmamasdan si King na seryosong kumakain. Nang mapansin ang pagtitig niya rito ay taas kilay itong nagtanong sa kaniya, "Why aren't you eating?" "Can I ask something?" Apat na salita lang iyon pero agad nitong pinalakas ang kabog ng dibdib ng dalaga. It's now or never. Ayaw naman niyang magaya sa mga napapanood niya sa TV. "What is it?" Ngumiti pa si King at saka naupo nang maayos. "What are we? Ano ba tayo?" One, two, three.. tatlong beses na bumilang si Princess sa isip niya pero nanatiling tahimik si King. Nang makarating sa apat ang bilang niya ay tsaka lang nagawang sumagot ng boss niya, "We are... happy with each other." "Do you like me? I already said that I like you. I'm sorry for asking but I need to know." Lakas loob na aniya. She likes her boss. So much. They even shared kisses! Tsk! Hindi naman niya hahayaang tumagal ang ganitong klaseng sitwasyon. Mas tatagal, mas masasaktan lang siya. "Night camp. I already said it. Remember?" "Huh? Kaylan?" Takang tanong ng dalaga. "Two, six." "What's with two six? Hindi mo naman sinabi." Asik ni Princess at saka pa napalabi. Wala naman kasi talaga siyang natatandanan. "Me gustas." "Really?" Hindi makapaniwalang anas ni Princess, "Do you like me? Do you like me, too?" Natatawang tumango si King. Bahagya pa niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Princess, "You're so cute." "S-So ano tayo?" Muling ngumiti si King, "Ano bang gusto mo?" "I like you, King-King." Imbis na sagutin ang tanong ng boss ay iyon ang sinabi niya. This feeling is too much. Ang gusto ko ay label, bakit mo ako bibigyan ng 'ano bang gusto mo?' "I like you too, Princess. I think I'm falling for you. And I want to be your boyfriend." Seryosong anas ni King na mas ikinatuwa ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD