KLP: CHAPTER FIFTEEN

2477 Words
SAKTONG ALAS SAIS NANG makauwi si Princess mula sa trabaho. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, ilang minuto muna siyang nagpahinga at saka lang naligo. Masyadong maraming nangyari ngayon araw na 'ito pero sa lahat ng iyon ay ang pinakamasaya ay ang isiping boyfriend na niya si King Ricafranca. Hindi pa man tumatagal ang masayang isipin, tumunog ang laptop ni Princess, kunot noo niyang tinignan kung sino iyon. Video call pa ang gusto, lakas. Salubong ang kilay niyang sinagot ang tawag. "Finally! Sinagot mo na rin ang tawag ko!" Kunot noong pinagmasdan ni Princess ang laptop niya. Kung hindi lang naman dahil sa mama niya ay hindi niya kakausapin si Drew. "What are you going to say? Sabihin mo na nang matapos na 'tong tawag ko. Marami pa akong gagawin, Drew." Akalain mo 'yon, ang dating malambing na uri ng pakikipag-usap niya kay Drew ay mauuwi sa pagkairita at mapapansin mong halos wala nang gana. You can't blame her. Siya ang iniwan. "Grabe ka naman, Princess." Halata ang pilit na ngiti ng binata sa kabilang linya. Nagbuntong hininga si Princess, pinakalma rin niya ang sarili. Kahit na inis siya rito ay ayaw niyang maging bastos kahit papaano. Ang kaso, itinutulak siya ng galit na nararamdaman niya. "Please, Drew, sa susunod ay huwag ka nang mangulit kila mama. Okay lang sa akin kung hanggang ngayon ay close ka pa rin sa mga magulang ko pero 'wag mo na akong idamay." "I'm sorry, Princess. Wala na kasi akong ibang makitang paraan para makausap ka. Hindi rin ako nagkaron ng chance na magpaliwanag sa 'yo noong nasa Pilipinas pa ako." Walang ganang tumango si Princess. Hindi niya alam kung para saan ang pag-uusap na 'to. Basta para sa kaniya, simula noong iwan siya ni Drew sa araw mismo ng birthday niya ay tapos na. Wala na. "Oh, ito na, nakakausap mo na 'ko." "Where's my sweet and loving Princess? Bakit nakapalayo mo na sa dating ikaw?" Malungkot na anas ng binata. "That sweet and loving Princess is still here. Wala namang nabago, ganito pa rin ako." "I miss you." Puno ng lungkot na wika ni Drew, "I want us back. I'm sorry for leaving you. Kinaylangan ko pa kasing ayusin ang sarili ko." "You're sorry?" Naningkit ang mata ni Princess. Nangingilid din ang luha niya nang dahil sa inis, "What's done is done, Drew. Akala ko ay para sa tuluyang pamamaalam ang pag-uusap na 'to." Sunod sunod na umiling ang binata, pinunasan din niya ang luha niyang kanina'y nangingilid lang, "I can take care of you now, Princess. I'm not that broke anymore. I can give anything that you want. Hindi na ako yung Drew na manliliit kasi pakiramdam ko ay ang taas taas mo. Nagsikap ako para kahit papa'no, maging pantay tayo." Nakaramdam ng awa si Princess. Hindi rin niya napigilang maluha nang maalala ang mga bagay na nangyari dati. "I told you before, hindi mo naman kaylangang ibigay kung anong gusto ko 'di ba? We were happy. Masaya ako sa 'yo, sobra. Wala akong pakialam kung anong estado mo sa buhay, masaya ako sa kung ano ka." "I know, Princess. Pero hindi ko kayang magstay sa gano'n lang. Alam ko namang sapat na sa 'yo kung ano ako dati. Pero para sa 'kin, hindi ako sapat. Kaylangan kong may mapatunayan." "That's why you left me?" Tumango ang kausap, "That's bullshit, Drew." "I'm sorry. I'll make it up. Please, come back to me." Umiling si Princess at saka ngumiti, "I can't, Drew. I'm sorry." "Why? May iba ka na?" Tumango ang dalaga, "To be honest, masaya ako sa narating mo ngayon, Drew. Iyong mga pangarap mo dati, unti unti mo nang natutupad. At saka, yung mga pangako mo sa 'kin, sa 'tin, puwede mo pa namang tuparin. Iyon nga lang ay sa ibang tao na." "But I still love you.." Umiling pa si Princess, muli niyang pinunasan ang luha, "Sana ito na yung huling araw na pag-uusap natin tungkol sa ganitong bagay. Be happy, Drew. I want you to be happy." "Mukhang wala na akong magagawa." Bumuntong hininga ang binata, "Again, I'm sorry for leaving you." Tango lang ang isinagot ni Princess. Muling nagpaalam ang kausap at saka pinatay ang tawag. Ilang segundo ang nakalipas ay nakatanggap siya ng chat galing kay Drew. I'll see you soon. Agad naman nangunot ang noo niya sa nabasa. You got it bad, Drew. MULI SIYANG nahiga sa malambot na kama. Ipinikit ang mga mata, kunot noo rin niyang iniisip ang mga pinag-usapan kanina lang, pakiramdam niya ay mas nakakapagod ang pakikipag-usap kay Drew kompara sa trabaho niya sa Museum. Mas nangunot ang noo niya nang muling marinig ang pagtunog ng cell phone, mukhang mangungulit na naman si Drew kahit na sinabi niyang tigilan na. "Ano?" Walang ganang aniya, nanatiling nakapikit nang sagutin ang tawag. "Anong ano?" Agad napamulat si Princess. Napabalikwas din siya ng bangon nang mapagtanto kung sino ang tumawag. "Hello, King-King." Wika niya sa malambing na tono. "Hmm, What are you doing?" Kahit sa cell phone ay napakasarap pakinggan ng boses ng boss niya. Hindi man niya nakikita ay naiimagine niya ang gwapong mukha ng binata. "Wala. Nakahiga lang. Pero mamaya ay magluluto na ako para sa dinner." "Oh," anas pa ni King, "Dito ka na lang magdinner? Samahan mo ako?" Kunot noong napatingin si Princess sa screen ng cell phone niya. Bakit biglang naging mas malambing ang boses ni King? "Saan?" "Dito sa bahay. Nagluto ako ng dinner, gusto kitang makasamang kumain." Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Princess ang lambing sa boses ni King, ang tanging tumatak lang sa isip niya ay ang salitang bahay. Agad ay bigla siyang nataranta. Kung sa bahay nila King, siguradong mami-meet na niya ang mga magulang ng binata at hindi pa siya ready!! "S-Sa inyo?" Muling sumagot si King, "Seryoso? E-Eh, kasi.." Mukha bang nagloloko, Princess?? "What? Please, baby?" Mula sa mas pinalambing na boses ni King ay parang nahipnotismo si Princess, tumango kahit hindi siya nakikita ng kausap. "Okay." Aniya pa. Shít! I'm gonna see his Parents! "Thanks, baby. Susunduin na kita sa inyo." "O-okay, ingat." "I will." Anas pa sa kabilang linya. "I'll hung up now." Magd-dress-up pa kasi ako, Sir?! "Alright. I'll see you in ten minutes." "I'll see you." Pilit pang ngumiti si Princess at saka ibinaba ang linya. Kumaripas pa siya ng takbo palapit sa malaking cabinet. Tarantang naghahanap ng isusuot para sa dinner. Nang makakita ay agad na nagpalit si Princess. Inayos din niya ang buhok, mabuti na lang talaga at nakaligo na siya kanina nang makauwi galing trabaho. Tsk! Naglagay rin siya ng lipstick na babagay sa kulay ng suot niyang damit. Sakto namang tapos na siya nang marinig ang sunod sunod na pagbusina sa labas. Agad din siyang bumaba dala ang maliit na bag, dali daling tinungo ang labas ng bahay kung saan naghihintay ang gwapo niyang boss. "Beautiful," bungad na anas ni King nang makita siya. Agad namang namula ang mukha ni Princess. "Thanks, King-King." Nahihiya pang aniya na dahilan nang bahagyang pagtawa ni King. "Let's go?" Tango lang ang isinagot ni Princess. Saglit pa siyang inalalayan ni King pasakay sa kotse nito. Oh, Lord, ang gwapo ng boyfriend ko. "You seemed very nervous." Maya maya'y puna ni King. Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang magsalita ang binata. Pilit na umirap si Princess, "Hindi, 'no." Pagsisinungaling niya. Muling narinig ng dalaga ang bahagyang pagtawa ng boss dahilan nang pagtingin niya rito. Nasa kalsada na ang paningin ni King, ang kanang kamay ay nasa steering wheel samantalang ang kaliwang braso ay nakadantay sa nakabukas na bintana ng sasakyan, ang daliri pa nito bahagyang pinaglalaruan ang mapupulang labi. "Malapit na tayo." Truth to be told, wala pang ilang minuto ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. "Let's go." Wika ni King na siyang naunang bumaba ng sasakyan at saka sumunod ay ang pag-alalay nito kay Princess. Ito na muli ang matinding kabog sa dibdib ng dalaga. Ito na ba talaga yung araw na makikita niya ang mga magulang ni King? Unang bese niyang makita ang mga ito ay noong kasal ng Admin nila. "Ayos ka lang?" Tanong ni King nang makapasok na sila sa bahay, mahigpit din itong nakahawak sa kamay ng dalaga. Sobrang tahimik ng paligid, taliwas na naiimagine ni Princess kanina habang nasa sasakyan. "Oo naman." Sagot pa niya kahit na parang sasabog na ang dibdib sa sobrang kaba. "Inayos ko na yung dinner kanina bago ako umalis." Tumango si Princess, "Kain na tayo?" "How about your parents?" Bakas ang kaba sa boses niya, "Hindi mo ba sila tatawagin para sa dinner?" Tanong ni Princess nang bahagya siyang hilahin ni King papunta sa dinning table. Sagling pa siyang luminga sa paligid, napakatahimik talaga. "Hindi." Bahagyang tumawa si King na nakapagpagaan ng loob ni Princess kahit papa'no. "Namamasyal pa sila." "Hindi natin sila hihintayin?" Napangiwi si Princess nang pati ang paghila sa upuan ay si King ang gumawa. "Kung hihintayin natin sila ay sa isang linggo pa tayo makakakain." "W-What?" Litong anas ni Princess. Nakita rin niya ang muling pag-aasikaso ni King sa mga pagkaing nakahain sa mesa. "A-Akala ko ba ay namamasyal?" Akala ko rin ay makikita ko sila. "Namamasyal nga." Muli itong tumawa, "..sa Japan." "Ohh," lahat nang nasa imahinasyon ni Princess ay bigla na lang nawala. Natunaw na rin ang kaninang kabang nararamdaman niya. Pero sa loob loob niya, kahit papaano ay may kaunting kaunting disappointment siyang naramdaman nang isiping makikilala na niya ng pormal ang mga magulang ni King. "Kumain na tayo?" "O-Okay." Ngumiti pa si Princess at saka sinimulang kumain. Masayang pinagsaluhan nilang dalawa ni King ang hapunan. Paminsan minsan pa ay napag-uusapan nila ang nangyari sa buong araw. "Nasa'n pala ang mga kapatid mo?" Maya maya'y tanong ni Princess, kagaya niya ay mukhang matatapos na ring kumain si King. "May sariling bahay sila Lord at Amara, ganun din naman si Trick at ang asawa niya." "Oh," tumango pa si Princess, uminom din siya ng juice na nasa harap niya nang matapos siyang kumain, "Ibigsabihin, ikaw lang mag-isa rito?" "Yup." "Bakit hindi ka na lang sumama sa parents mo sa pamamasyal?" Tumawa si King, "Hindi ako mag-eenjoy ro'n at saka mamimiss lang kita kapag umalis ako." "Hmm," iyon lang ang naisagot ni Princess kahit na ramdam niya ang pagmula ng mukha niya. "Are you done?" Tumango pa si Princess, "What do you want to do? Manood tayong movies?" "Uh? Anything is fine." "Anything is fine?" Ngumisi si King, "So pwede kang dito matulog?" "W-What?" Garalgal na tanong ni Princess kasabay ang malakas na pagtibok ng puso niya. Natatawang umiling si King, "I'm just asking. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Ohh, "Okay." "Anong okay?" Muling natawa ang binata. "I'll stay." "Good. Then, pumunta ka na sa kwarto ko sa taas. Liligpitin ko lang 'tong kinainan natin. Wait for me, a'right?" "Saan ang kwarto mo ro'n?" Well, paano niya malalaman? Ngayon lang siya nakarating dito at saka napakalaki ng bahay nila King kung iisa isahin pa niyang tignan ang bawat kwarto. "You'll know when you get there." Ngising sagot ng binata. Napapantastikuhan namang tumango si Princess, "Hintayin na lang kita sa kwarto mo." Saglit pa siyang nagpaalam kay King at saka tinungo ang pangalawang palapag ng bahay. Nang makarating sa taas ay agad na bumungad ang isang kwarto. Hinawakan niya ang doorknob at napagtantong hindi kay King iyon dahil nakalock ang pinto. Hindi na lang kasi sabihin kung alin ang kwarto niya. Tsk! Muling naglakad si Princess palayo sa naunang kwarto. Nang makalapit sa sumunod na silid ay agad napatawa ang dalaga nang makita ang pinto. Siguradong ito na ang kwarto ng boss niya. May nakasulat na salitang 'Hari' sa pinto gamit ang baybayin. Sa taas ng nakasulat na iyon ay may crown. Korona at Hari? Okay, I get it. Nang makapasok sa silid ay bumagad kay Princess ang mabangong amoy nito. Hindi rin nawala ang mga paintings na nakasabit sa paligid. As usual. Mas namangha si Princess nang makita ang iba't ibang uri ng camera sa nakadisplay sa gilid ng kwarto. "Whew." Aniya nang mapabaling sa kama. Simpleng puti ang kulay ng malaking kama, pero nakakuha ng atensyon niya ang headboard nito na gawa sa salamin. Imbis na kahoy o di kaya ay bakal, salamin ang makikita mo. Paano naging board, PS? Naupo na lang ang dalaga sa malambot na kama at doon hinintay dumating ang boss niya. Ilang minuto ang nakalipas nang bumukas ang pinto ng kwarto. Bumugad si King na mukhang bagong ligo. Ahh, kaya natagalan. Tsk!! "Hey," anas ni King nang makalapit kay Princess na parang naestatwa sa pagkakaupo sa kama. "Hello," what the hell, Princess? Anong hello? Bahagyang tumawa si King sa inasal ng dalaga, "Anong gusto mong panoorin?" "Action." Seryosong anas ni Princess, "Pwedeng maghalf bath muna?" Nakakainggit naman kasi lalo na ngayong halos yakapin na siya ng mabangong amoy ng boss. "Sure," anas pa ng binata at saka tinungo ang cabinet nito. Ilang segundong naghanap ng kung ano, at nang muling makabalik sa pwesto ni Princess ay may dala na itong T-Shirt at boxer shorts. "Thank you, King-King." Kindat lang isinagot ng binata. Samantalang tinungo ni Princess ang banyo na nasa loob lang din ng kwarto ni King. Ilang minuto lang naghalf bath si Princess, nang matapos iyon ay ginamit din niya ang bagong toothbrush na nasa bathroom ni King. Namumula ang mukha ni Princess nang pagmasdan ang sarili sa malaking salamin suot ang T-Shirt at boxer shorts na galing kay King. I can't believe this. Nang makalabas si Princess ay agad na napabaling sa kaniya si King na ngayon ay nakahiga sa kama. Bukas na rin ang malaking TV at mukhang kanina pang naghahanap ng magandang palabas ang binata, "Come over here, baby." Anas pa ni King na sinunod ng dalaga. "Wala kang makita?" Natatawang tanong ni Princess. "Wala. Naiinis na nga ako." Parang batang sagot ni King kaya mas lalong natawa si Princess. "Trolls na lang panoorin natin." "Are you serious?" Bumaling pa si King kay Princess na ngayon ay katabi na niyang nakahiga sa kama. "Oo nga. Maganda 'yon." "Fine." Aniya pa at saka sinunod ang sinabi ng dalaga. Napangiti si Princess nang magsimula ang movie. Samantalang natatawang pinagmasdan ni King ang dalaga. Inayos pa niya ang pagkakahiga nilang dalawa. Ginawa namang unan ni Princess ang braso ni King, hindi pa nakuntento at niyakap pa niya ang binata habang nanonood ng movie. Si King naman ay masayang pinagmamasdan si Princess na seryosong nanonood ng pambatang palabas. Paminsan minsan pang inaamoy at simpleng hinahalikan ang buhok ng dalaga. Buong panonood ng movie ay gano'n lang ang posisyon nilang dalawa. Masayang magkayakap hanggang sa pareho na silang dalawin ng antok. "Goodnight, baby." Anas ni King at saka hinalikan ng tatlong beses ang noo ng dalaga. "Goodnight, King-King." Sagot ni Princess, mas humigpit pa ang pagkakayakap ni King nang marinig ang huling sinabi ng dalaga. King-King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD