ILANG ARAW NA NAMAN ANG LUMIPAS at ngayon ay Huwebes na, ngayon din ang araw ng Educational Tour kaya triple ang pagiging busy ng buong Museum. Lahat ng empleyado ay may ginagawa, bukod sa magbantay sa area nila, kaylangan din nilang magsilbing Tour Guide para sa mga studyante.
Literal na lunch break lang ang naging break nila buong maghapon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit buong maghapong hindi nakita ni Princess ang boss niya. Well, nakita naman niya kanina, iyon nga lang ay noong hinatid siya sa museum.
"Grabe, PS, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito karaming tao." Natatawang anas ni Natee, kagaya ni Princess ay inililigpit na rin ng binata ang mga ginamit kaninang Tour.
"Me too." Bumungisngis pa si Princess.
"Pero nag-enjoy ako, sobra." Anas pa ni Natee, "Bukod sa madami talagang chikabebe, may natutunan din ako sa pagt-tour. Alam mo yung mas nadagdagan pa yung kaalaman ko sa mga bagay? Mas naappreciate ko yung art."
"That's true. Kaya nga parang hindi ko kayang iwan 'tong museum lalo na't malapit nang matapos yung internship natin. Andaming bagay ang mamimiss ko rito, mamimiss ko rin yung mga naging katrabaho natin."
Tumawa naman ang kaybigan, "Sino pang mamimiss mo?"
"Ha?" Painosenteng tanong ni Princess na mas lalong ikinatawa ni Natee.
"Mamimiss mo si Sir, 'no?"
"Tsk!" Sikmat ni Princess, "Ayan ka na naman, Natee."
"Why?" Muling tumawa ang binata, "Anyway, hatid kita pauwi?" Biro nito na sinamaan ng tingin ni Princess.
"Hindi puwede, magagalit ang boyfriend ko." Kinikilig na anas ng dalaga na dahilan nang mas lalong pagtawa ni Natee.
"I knew it! Boyfriend mo talaga si Boss!" Halos sumigaw na si Natee dahil sa tuwa, "Kaylan naging kayo?"
"Nakapa-chismoso mo!" Bulyaw ni Princess, pareho naman silang natawa dahil sa pinag-uusapan nila.
Samantalang si Princess ay hindi maiwasan ang pagpula sa mukha sa tuwing maaalala ang boss niya.
"Paano ba 'yan, PS? I'm going home." Maya maya'y anas ni Natee, "How about you? Ayaw mo naman kasing magpahatid sa 'kin."
"Hihintayin ko pa si Sir," aniya, itinuro ang opisina ng boss, "Mauna ka na, Natee. Ingat ka."
"Okay, PS. See you tomorrow."
Tumango naman ang dalaga, "See you." Anas pa niya habang nakangiting pinagmamasdan ang kaybigan na ngayon ay palabas na ng museum. Samantalang siya ay naupo sa sofa na gawa sa mamahaling kahoy na halos mukhang disenyo lang sa museum.
Dito na lang niya hihintayin ang boss, ayaw naman niyang puntahan ito sa opisina nito dahil sa tingin niya ay busy ito at makakaabala lang siya.
Nakangiti lang si Princess habang pinapanood ang nakakatawang video sa f*******:. Maayos na rin ito pampalipas ng oras habang hindi pa nalabas si King. Tsk!
Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang may marinig siyang pagtikhim.
Kunot noo niyang tiningala kung sino iyon, mas nangunot pa ang noo niya nang makitang hindi pamilyar ang nasa harapan. "Yes, Sir? What can I do for you?" Aniya, pilit ding ngumiti sa bisita.
Kayaga ni King ay formal din ang suot nito. Matangkad na medyo mahaba ang buhok. Singkit ang mga mata, mukhang Chinese. Gwapo rin pero mas gwapo ang boyfriend niya. Tsk! "Pwede ko bang makausap si King?" Baritong anas ng lalaki. Luminga pa ito sa paligid.
"Uhm, magsasara na po kasi ang museum, Sir. Pwede po kayong bumalik bukas."
Bahagyang tumawa ang lalaki na ikinasalubong ng kilay ni Princess, "I'm his friend." And that explains everything? Anas ni Princess sa sarili.
"Pupuntahan ko na lang si Sir King. Sasabihin ko na nandito kayo, Sir.." nangunot pa ang noo ni Princess nang muling tumawa ang kausap.
"Sho. I'm Sho." Pakilala ng lalaki at saka inilahad ang kamay, "And you are?"
"Princess Scarlet." Tinanggap naman niya ang pakikikipagkamay ng kausap.
Laking gulat ni Princess nang ang inaasahan niyang simpleng pakikipagkamay ay nauwi sa paghalik ng lalaki sa likod ng palad niya.
Agad niyang inilayo ang kamay at saka masamang tumingin sa lalaking nagngangalang Sho. "T-Tatawagin ko lang si Sir King." Hindi na niya hinintay pang sumagot ang lalaki, agad nagtungo sa opisina ng boss.
Tatlong mahinang katok ang ginawad niya sa pinto at saka pumasok.
Bumungad agad sa kaniya si King na salubong ang kilay na nakatingin sa laptop nito. Nakasuot ng salamin, maluwag na rin ang pagkakasuot sa sariling necktie senyales na stressed na ang boss niya.
"Sir," pagkuha ni Princess sa atensyon ni King. Mukha kasing hindi nito alam na nandito siya.
Agad namang nabago ang ekspresyon ng mukha ni King nang tumingin sa gawi ng dalaga. Para bang magic na biglang sumigla nang ganon kabilis ang kaninang mukhang problemadong binata.
"Hey, baby." Anas pa ni King sa pinakamalambing na boses, "Come here." Wika pa nito na agad sinunod ng dalaga.
Nang makalapit si Princess ay agad siyang niyakap ni King. Ipinulupot ang braso at bahagya pang kinabig para mapaupo sa kandungan niya. "Bakit ngayon ka lang pumunta rito?" Anas pa ng binata at saka hinalikan ang buhok ni Princess, bahagya rin niyang inamoy iyon.
"Baka kasi maistorbo kita kung pupunta ako rito. Alam kong busy ka buong araw."
"Silly." Anas ni King at saka bahagyang pinisil ang tungki ng ilong ng dalaga, mas hinigpitan rin niya ang pagkakayakap dito na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa hita niya. "I need you here with me. You are my stress reliever."
Saglit pang pumihit si Princess para makaharap sa boss niya, inakbay rin niya ang braso sa binata, "What are you doing now?"
"Chinecheck ko lang yung mga bagong paintings na darating dito sa susunod na buwan galing ulit sa Denmark. Gusto ko sanang puntahan muna doon para personal kong makita kaso pakiramdam ko ay napapagod agad ako 'pag iniisip ko 'yon."
Mas hinigpitan ni Princess ang pagkakayakap sa boss, naawa rin siya rito dahil sa dami ng trabaho, "I'll help you kung may maitutulong ako."
"Thanks, baby." Anas ni King at saka hinalikan si Princess na ikinagulat ng dalaga. "Sorry."
"Ha?" Litong tanong ni Princess, "Para saan?"
"For kissing you without asking."
Ohh, "It's okay. You can kiss me every time you want. I like your kisses anyway."
Ngumisi ang binata at saka pinakatitigan si Princess, "Really?" Anas pa nito, bahagya rin niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga pababa sa leeg nito.
"Yeah," mahinang anas ng dalaga.
Bahagya pa siyang kinabig ni King, "I'm gonna kiss you now."
Sa pagkakatanong ito ay si Princess ang mas lumalit pa sa boss, siya rin ang unang naglapit ng labi niya sa malambot na labi ni King.
At kagaya ng laging ginagawa ng boss, ginaya niya rin ang klase ng paghalik nito, ang bahagyang pagkagat at pagsipsip sa ibabang bahagi ng labi ni King.
"Baby," anas ni King nang saglit na tumigil si Princess sa pagsipsip sa labi niya. Ang kanang braso ni King ay nakayakap pa rin kay Princess samantalang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa leeg ng dalaga.
Napangiti si Princess sa gitna nang ginagawa niya nang marinig ang daing ni King. First time!!
Muli niyang dinama ang malambot na labi ni King. Ilang beses kinagat ni Princess ang ibabang labi ng binata at saka bahagyang hinila. Nang akmang lalayo ay siya namang pagsunod si King dahilan nang muling paglalapit ng labi nilang dalawa.
Parehong naghahabol ng hininga nang muling maglayo ang labi nila. Magkalapit ang noo na halos ikaduling na ni Princess.
"W-Why did you do that?" Hirap na tanong ni King, nakatitig din siya sa labi ng dalaga. Ilang beses pang pinigilan ang sarili sa pag-angkin sa malambot at nakakaakit na labi ni Princess.
"Why? Ayaw mo?" Mas bahid na lungkot sa tanong ni Princess. Pakiramdam din niya ay maiiyak siya.
Ang tagal pa naman niyang inisip kung gagawin niya iyon, gusto lang naman niyang gayahin ang uri ng paghalik ni King sa kaniya. Ang kaso ay mukhang hindi nagustuhan ng boss. Nakakahiya.
Sunod sunod na umiling si King, "It's not like that. I actually like it. Muntik na nga akong maligo sa malamig na tubig," biro pa nito na hindi nakuha ng dalaga. "It's just that, kapag ikaw ang gumagawa, iba pala yung pakiramdam."
"Paanong iba?"
"It makes me want more of you." Pag-amin ng binata na ikinatigil ni Princess, "Ayoko lang na dumating ako sa puntong 'yon kasi hindi ka pa naman handa sa ganoong bagay."
"Ohh," walang makuhang salita si Princess. Namumula rin ang mukha niya dahil sa sinabi ng binata. Hindi niya alam na gano'n ang nasa isip nito.
Bahagyang tumawa si King na ikinagaan sa paligid, "Let's eat dinner before sending you home?"
Agad namang napatayo si Princess nang may maalala, "s**t!" Halos sabunutan na rin niya ang sarili. "M-May naghahanap nga pala sa 'yo sa labas. Sorry, I forgot." Kahiya ka, Princess!
Muling tumawa ang binata, "Don't mind it. Anong oras na, baka umuwi na 'yon kung sino man siya."
Nahihiyang tumango si Princess. Bakit kasi nakalimutan niyang sabihin kay King? Tsk! "Sho raw ang pangalan." Anas pa niya na ikinatigil ni King.
"Sho?" Kunot noong wika ng binata, wari'y nag-iisip, "Sho Chan?"
"I don't know." Kibitbalikat na sagot ni Princess, "Basta chinito. Tsaka friend mo raw s'ya."
"I knew it. Tara?" Anas pa ni King at hinawakan ang kamay ni Princess. Bahagya niya rin itong hinila palabas ng opisina.
Laking gulat ni Princess nang makita si Sho na prenteng nakaupo sa inuupuan niya kanina.
Agad namang tumayo ang binata at saka pa ngumisi nang makita silang dalawa. "What's up, King? It's been a while."
"What are you doing here? Akala ko'y nakauwi ka na." Walang ganang sagot ni King. Akala ko ba ay friends sila?
Bahagyang tumawa si Sho na mas ikinakunot ng noo ni King, bumaling din ang binata kay Princess at saka pa tinuro ang dalaga, "What took you so long?" At muli siyang bumaling kay King, "Did you two.."
"f**k you, Sho!" Asik ni King at saka bumaling kay Princess na litong lito at saka inis dahil sa sinabi ng kaybigan ni King, "Let's go, baby."
Buong puso namang sumunod si Princess kay King na salubong pa rin ang kilay. Ni hindi na nga nilingon ng boss ang kaybigan nitong naiwan sa loob ng museum.
What was that?