"WHERE DO YOU WANT TO EAT?"
Nakafocus lang si King sa pagddrive nang tanungin si Princess, mukhang hindi na ito galit ngayon. Noong umalis kasi silang dalawa sa Museum ay halos magdikit na ang kilay ni King sa sobrang inis.
"Puwede bang sa bahay na lang tayo kumain? Nakakapagod kasi ang buong araw na 'to." Napalabi pa si Princess. Pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin kung sa malayo pa sila kakain. Kahit hindi siya ang nagdadrive ng sasakyan ay pagod pa rin siya.
Nangingiting tumango si King, ipinihit pa ng binata ang sasakyan kung saan patungo sa bahay ng dalaga. "Oo naman."
"Thank you, King-King."
Ngumisi pa ang binata, "It's nothing. I will go with whatever you choose to do. If you want something, then I want it too."
Hindi naman agad nakasagot si Princess. Ilang segundo pa niyang pinakalma ang sarili dahil sa sinabing iyon ni King. Gosh, King-King! "Paano kung gusto ko ng ganito pero ayaw mo? What will you do?"
"It's easy, I'll do whatever to like it. Madali namang matutunang magustuhan ang isang bagay."
"Does it mean that you're just forcing yourself to like something?"
Umiling si King, "I'm forcing nothing. So, yeah."
"Hmm," iyon lang ang isinagot ng dalaga, muli siyang bumaling sa bintana kung saan kitang kita niyang nagsisimula nang magdilim ang paligid. Kapag ganitong nagsimula na ang "Ber" months ay sadyang mas mabilis gumabi kompara sa karaniwang buwan. At ibigsabihin din, malapit nang mag pasko.
Wala sa sariling napangiti si Princess. Ano kayang pakiramdam nang makakasama ko si King-King sa pasko?
Dahil nasa Canada ang mga magulang ni Princess ay ang pasko ay halos natural na araw lang.
Nang makarating sa bahay aya agad nagluto ang dalaga. Samantalang si King ay pinagmamasdan lang si Princess na seryoso sa pagluluto.
"Done." Nakangiting anas ni Princess, halos isang oras di nang ginugol niya para maging perpekto ang niluto. Si King naman ay inayos ang kitchen table.
"You are good at cooking." Pagpuri ni King nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain.
Mayabang namang umiling si Princess, "Maliit na bagay."
Ngumisi lang ang binata at saka muling kumain. Mukhang may katapat na siya pagdating sa pagluluto at girlfriend pa niya iyon kaya mas ikinatuwa niya.
Nang matapos kumain ay si King din ang nagligpit ng pinagkainan. Matapos iyon ay nagtungo ang dalawa sa Salas, mukha kasing wala pang balak umuwi si King. Ine-enjoy ang "pagtambay" sa bahay ng dalaga.
"Hhm, saan mo nga pala nakilala si Sho?" Nag-aalangang tanong ng dalaga.
Bahagyang nakasandal si Princess sa dibdib ni King, samantalang nakaakbay ang binata sa kaniya habang nanonood ng TV.
"We met in College." Tipid na sagot ng binata, napatingin pa rito si Princess at laking gulat nang makitang salubong ang kilay ng nobyo. Samantalang kanina lang ay napakalaki ng ngiti nito. Tsk!!
"Akala ko ay friends kayo? Bakit mukhang galit ka?"
"We are friends...really."
"Ohh," nahihiwagaang anas ng dalaga, "Pero galit ka?"
"I'm just jealous. Bakit kasi bigla mong naalala ang lalaking 'yon?"
"What?" Bulalas ni Princess. Jealous? Seriously? "Nagtanong lang naman ako." Ngumuso pa si Princess at saka muling bumaling sa TV. Nakailang lipat din sila dahil wala namang magandang palabas.
Matagal bago sumagot si King, mahigpit din niyang niyakap si Princess. "We met in College and then eventually we became friends. To be honest, mas close pa kami ni Sho kompara sa mga kapatid ko."
Saglit pang lumayo si Princess para makita ang binata, "Really?"
Tipid na ngumiti si King, "Yup. Mas may alam pa siya sa buhay ko kesa sa mga taong nakapaligid sa 'kin." Aniya at saka hinawakan ang leeg ng dalaga. May kung anong parte doon na hinaplos niya, "Is this a mole?"
Bahagyang itinagilid ni Princess ang ulo niya, binigyang daan ang kamay ng binata na humahaplos pa rin sa leeg niya. "Err.. yeah. Why?"
"They say that the mole on your body is where you are often kissed by the person you love in your past life."
"What?" Halos maubo si Princess. "Naniwala ka naman?"
Kunot noong sinalubong ni King ang paningin ni Princess. "Hinalik-halikan ka rito sa past life mo."
Natatawa namang humawak si Princess sa kamay ni King na nasa may bandang leeg niya pa rin. "And you are being jealous again?"
Tumango ang binata, "I can't help it. Bakit kasi nabasa ko pa 'yon."
"Edi halik-halikan mo rin."
"You are kidding, aren't you?" May pagkapaos sa boses ng binata.
Natatawa namang umiling si Princess. Hinawakan din niya ang pisngi ni King at saka ito pinakatitigan. "How about your moles?" Tanong pa ng dalaga at saka pinasadahan ng tingin ang buong mukha ni King pati na rin sa bandang leeg nito.
Naiilang naman lumayo si King, pero dahil sa pagkakahawak ni Princess sa magkabila niyang pisngi ay muli siyang napalapit sa dalaga. "W-What are you looking for?"
"Mole?" Patanong na anas ng dalaga, "Ito, oh. May taling ka sa ibabang parte ng tainga mo." Anas pa nito at saka mas lumapit sa binata. "Hinalikan ka rin dito ng taong mahal mo sa past life mo."
"What?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni King. Ano ba 'to? Uno reverse card?
Nagulat at halos mapamura si King nang maramdaman niya ang paghalik ni Princess sa ibabang parte ng tainga niya.
Hindi lang isang beses na halik, hindi rin dalawa, lagpas pa atang limang beses na sunod-sunod na hinalikan ng dalaga ang ibabang parte ng tainga ni King.
Natatawang bumaling si Princess sa binata, "Okay ba, Sir King?" Pagbibiro pa nito.
Salubong ang kilay na umiling si King, "Don't do that again. Don't tease me, please."
"Fine, fine." Natatawa pa ring anas ng dalaga. Muli niyang inihilig ang sarili sa dibdib ni King at saka bumaling sa TV. "Let's stay like this for a little while.." anas pa niya at saka pumikit. Hunuli rin niya ang braso ni King para iyakap sa sarili. Dinama ang sandali na kasama niya ang binata.
Naramdaman naman ni Princess ang pagtango ni King. Ramdam din niya ang paghalik ng binata sa ulo niya. "I..." Halos wala nang boses na anas ni King dahilan kung bakit hindi nagawang marinig ng dalaga.
---
BACON, HOTDOGS, CHICKEN NUGGETS, ilan lang iyan sa mga nasa listahan ni Princess. Sabado ng umaga, napagdesisyunan niyang mamili ng stocks dahil halos wala nang laman ang ref niya.
Nasa cart na ang mga chips, chocolates, instant noodles at iba pang paborito ni Princess. Kaylangan na niyang bumili ng marami dahil sa susunod na linggo ay mas magiging busy pa siya. Bukod sa mga papeles na pinapaayos ng mama niya, kaylangan niya ring gawin ang Narrative report niya dahil malapit nang matapos ang internship niya sa Museum.
"Miss Princess Scarlet!!" Itutulak na niyang pakanan ang cart nang marinig ang pagtawag na iyon. Tapos na siyang magbayad at lahat ng binili niya ay nasa kahon na.
Kunot noong lumingon si Princess sa likod at mas lalong nangunot ang noo nang makita kung sinong tumawag sa kaniya. "Sho? What are you doing here?"
"Grocery?" Patanong na anas ng binata, itinaas ang supot na dala. Bahagya rin itong tumawa na ikinainis ni Princess.
"I'll go now." Pilit pang ngumiti ang dalaga at saka muling tumalikod.
"Wait, Miss!!" Muling anas ni Sho na mas ikinainis ni Princess. Nanakbo rin ang binata para makalapit sa kaniya. "Are you alone?"
"Oo. Mauuna na 'ko dahil marami pa 'kong gagawin."
"What's with your tone, Miss? Kaybigan ako ng boyfriend mo."
"So?" Hindi mapigilang ni Princess ang pagtaas ng kilay.
"Woah. Calm down, Princess Scarlet." Muling tumawa ang binata, "I just wanna help," anas pa nito at saka tumingin sa cart ni Princess na puno ng laman, "Mukha kasing mag-isa ka lang, mahihirapan kang magdala nyan."
"Thank you but King-King is on his way here. Kakaunin niya ako." Lihim pang napalabi si Princess. Sana pala ay tinanggap na niya ang offer ng mama niya noong isang buwan na ibili siya ng sasakyan.
Hanggang sa makalabas sa grocery ay sumusunod pa rin si Sho. Kahit bilisan ni Princess ang paglalakad ay naaabutan pa rin siya ng binata.
"King-King?" Ngumisi at saka umiling si Sho, "Okay lang sa 'yo na tawaging gano'n ang boyfriend mo?"
Salubong ang kilay ni Princess at bahagya pang nagtatakang bumaling sa kausap, "Bakit naman hindi?"
Sasagot na sanang muli si Sho nang may pumaradang sasakyan sa tapat nila. Sunod sunod din itong bumusina dahilan nang pagbaling ng atensyon nila Princess dito.
Ilang sandali lang ay bumaba na ang sakay no'n na ikinagulat ni Princess. Niluwa ng sasakyan si King na abot tenga ang ngiti. Ngunit ang ngiting iyon ay agad napalitan ng pagkunot noo nang makitang may kasama si Princess.
"King-King!" Agad na kumaway si Princess sa binata, lumapit din ito sa kaniya at saka parang batang yumakap.
"Hey," anas ni King kasabay ang paghalik sa pisngi ni Princess. Nang bumaling kay Sho ay muling nagsalubong ang kilay niya, "Anong ginagawa mo rito?"
"Bawal ba 'kong pumunta rito?" Tumawa nang nakakaloko si Sho, "Anyway, I have to go." Muli pa itong bumaling kay Princess, "See you again soon, Princess Scarlet!"
What was that?
"Tara?" Pagkuha ni Princess sa atensyon ng nobyo, hanggang ngayon kasi ay nakamasid pa rin ito sa dinaanan ni Sho.
"Hmm," iyon lang ang isinagot ni King, inilagay rin niya sa likod na bahagi ng sasakyan ang mga pinamili ni Princess, nang matapos ay inalalayan niya ito pasakay ng kotse.
"Bagong kotse?" Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng magtanong si Princess. Kanina pa niya gustong pansinin ang sasakyan ngunit ngayon lang niya nagawang magtanong.
Tumango si King habang nasa daan ang paningin, "Nagdadalawang isip pa kasi ako kung papalitan ko na ba, ngayon ko lang nasigurado na ayaw ko na talaga sa una."
"Ohh," yung kotse, 'di ba?
"Ihahatid lang natin yung pinamili mo sa inyo tapos pupunta tayo sa bahay namin. We'll eat our lunch there."
Ito na naman ang agarang pagkataranta ni Princess. Bahagya namang tumawa si King dahil napansin ang pagkataranta ng dalaga, "N-Nakauwi na parents mo?"
Tumango si King, "Hmm. They also wanna see you."
"W-What? Why?" Halos wala ng lumabas na boses sa bibig ni Princess. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan!!
"Anong why? They already know about us."
"Sinabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Princess. Bumaling pa siya sa labas at saka muling tumingin kay King na ngayon ay natatawa na... marahil sa pinapakita niyang ekspresyon ngayon.
"Don't worry." Ngumisi pa si King kasabay ang pagtigil ng sasakyan. "We're here."
Nagpakawala ng buntong hininga si Princess nang makababa ng kotse. Sa kanilang dalawa ni King, siya na lang pala ang hindi nagsasabi sa parents niya ng tungkol sa kanila.
"Thank you, King-King." Anas ni Princess nang maipasok ni King sa loob ng bahay ang mga pinamili niya. Si King na rin ang naglagay sa cupboard, pati na rin ang mga frozen food ay ang binata ang naglagay isa-isa sa freezer.
"Hindi ka ba nabo-bored mag-isa rito?"
Natigilan si Princess nang marinig ang tanong na iyon ni King. Kunot noo pa siyang lumingon sa binata na ngayon ay prente nang nakaupo sa sofa, "Hindi. Bakit naman?"
Bukod sa sanay na siyang walang kasama, mas gusto rin niyang mag-isa. Ilang taon na niyang hindi nakakasama ang mga magulang niya kaya nasanay na rin.
"Aren't you tired of waking up alone?"
"W-what? What do you mean?"
"You know, you need a companion everyday... like a husband." Biro ni King na ikinagulat ni Princess.
"Sira ka." Nakaramdam ng pamumula ng mukha si Princess. Gusto na tuloy niyang magswimming!
"Do you want to live with me? We'll end up like that, anyway."
"What the hell?" Bulalas ni Princess. Halo halo ang nararamdaman niya. Hindi ba masyadong maaga ang ganitong biro? Shít, Sir King!!
Is this an indirect marriage proposal?
"What?" Bahagyang tumawa si King at saka umuling. Para bang napakadali lang sa binata ang mga birong gano'n. Nakakainis!
"Wala. Maliligo lang ako saglit tapos alis na tayo." Hindi na hinintay ni Princess na sumagot si King, halos manakbo na siya papunta sa kwarto.
"Damn.." Napapikit si Princess nang makasandal sa pinto. Inalala kung anong mga sinabi ni King at saka pa siya huminga nang malalim. "What did he say?" Hindi pa rin nakapaniwalang tanong sa sarili.
Nang makabawi sa halo-halong nararamdaman, tsaka lang nagtungo si Princess sa bathroom na nasa loob lang din ng kwarto niya.
Actually, wala naman siyang balak maligo dahil bago pumunta sa grocery store ay naligo na siya. Pero dahil sa mga tanong ng nobyo ay kinaylangan niyang maligo sa malamig na malamig na tubig. Tsk!
Nang matapos ay agad ding bumaba si Princess. Nakangiti namang sinalubong ni King ang paningin niya. "Let's go?"
Ano bang meron sa boyfriend ko ngayon? Lord, kung panaginip 'to, ayoko nang magising.
HALOS MARINIG NA NI PRINCESS ang pagkabog ng dibdib niya nang makita ang maraming tao na nasa hapag.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni King nang mapansing nasa kaniya ang paningin ng lahat. Kumpleto ang buong pamilya ni King na dahilan nang matinding nerbyos na nararamdaman niya.
Nakita pa niya si Trick na katabi ang isang magandang babae na sa tingin niya ay ang asawa nito. Sa tabi ni Trick ay ang kakambal ni King na si Lord, at katabi nito ay ang Admin nila na si Amara.
Sa kabilang dulo ng hapag ay ang dalawang taong hindi pamilyar kay Princess na sa tingin niya ay ang mga magulang ni King. Samantalang naupo silang dalawa ni King sa tapat nila Amara.
Hanggang na nakita na lang ni Princess ang sarili niyang kiming kumakain, hindi niya alam kung paano niyang nalagpasan ang mga tanong ng mga magulang ni King simula nang maupo sila.
Halos hindi rin niya maintindihan ang sarili. Pakiramdam pa niya ay mahihimatay siya dahil sa sitwasyon niya ngayon.
Basta ang sigurado niya lang ay ang pangalan ng mga magulang ni King, alam na rin niya kung anong pangalan ng asawa ng kapatid ni King na si Trick.
Medyo napapanatag pa ang loob niya dahil maya't maya bumubulong si King sa bandang tainga niya ng "it's okay, it's fine." Laking pasasalamat din ni Princess dahil medyo malayo ang puwesto ng mga magulang ng boyfriend niya.
"Anyway, King anak, kaylan kayo ikakasal?" Tanong ng ginang na ikinabahala ni Princess. Nanlaki rin ang mata niya. Gusto na rin niyang tumayo at manakbo paalis sa nakakatensyon na hapag.
Hindi naman napigilan ni King na masamid dahil sa tanong na iyon ng mommy nila. Halos maibuga na ni King ang kinakain dahil sa pagkabigla.
Samantalang si Princess ay tarantang inabot ang baso ng tubig sa nobyo.
"King-King, here." Sabay na anas nila Princess at Amara. Parehong may hawak na baso at parehong naghihintay kung alin ang kukuhanin.
Halos tumigil sa ere ang kamay ni Princess, si King naman ay kunot ang noong nakamasid sa dalawang baso ng tubig na ngayon ay nasa harap na niya.
Ang isa ay hawak ni Amara, ang isa naman ay hawak ni Princess.
Parang gusto na lang masamid nang todo ni King kesa mamili kung kaninong baso ang kukuhanin!
Pakiramdam ni Princess ay mas napuno ng tensyon ang paligid, napansin din niyang natahimik ang buong hapag.
Nawala ang "awkward" na sitwasyon nang malakas na tumawa si Trick. Kumuha ito ng baso at saka sinalinan ng tubig, "Oh, ito inumin mo, mahal na Hari." Muli pa itong tumawa, "Hindi ko alam na nakakamatay pala ang pagpili kung alin ang iinumin."
"Thanks but no thanks." Asik ni King sa kapatid at saka kinuha ang basong kanina pang hawak ni Princess at mabilis niya iyong ininom hanggang sa maubos.