KLP: CHAPTER EIGHTEEN

1567 Words
"HINDI MO SA 'KIN sinabi na King-King din pala ang tawag ni Admin sa 'yo." Halos manghaba ang nguso ni Princess sa sobrang pagtatampo. Kahit na nakaalis na sila sa bahay nila King ay abot hanggang sa kotseng sinasakyan nila ang selos niya. "Is it necessary?" Seryosong tanong ni King dahilan nang lalong pagtatampo ni Princess. "Oo naman, 'no. May nauna na pala, hinayaan mo pa rin akong gano'n ang itawag sa 'yo." "Then don't call me that." "Gusto ko ganun itawag sa 'yo eh!" Halos pasigaw na anas ni Princess. Bahagya namang tumawa si King, napapailing nang saglit na lingunin ang dalaga, "See? Ikaw nga ay ayaw mo nang baguhin 'yon. I told you, okay lang sa 'kin kung anong gusto mo." "Paano naman yung gusto mo? Bakit lagi kang nakadepende sa gusto ko?" Bumuntong hininga si King, itinigil ang sasakyan at saka hinuli ang kamay ni Princess. Marahan din niya iyong inihaplos sa pisngi niya. "At first, It wasn't really okay to call me King-King but it actually sounds good whenever you say it. Nagustuhan ko na at hindi ko inakalang magugustuhan ko yon nang sobra sobra." "Really?" Napangiti pa si Princess habang pinagmamasdan si King na hanggang ngayon ay dinadama ang paghaplos ng palad niya. Tumango si King, "Mas gusto ko kapag sa 'yo nanggagaling. Masarap sa pandinig. Gusto ko na ngang i-record at gawing ringtone." Agad namang nagliwanag ang mukha ni Princess. Kahit kailan talaga ay nagagawang pagain ni King ang loob niya gamit lang ang "jokes" nito. "Where are we going now?" Pag-iiba ng dalaga, saglit din itong tumingin sa relong pambisig. "Where do you want to go?" Nangingiting tanong ni King. "Where do you want to go?" Pagbabalik tanong ni Princess ngunit gamit ang ibang tono na ikinatawa ng binata. "I'll go wherever you will go. Now, it's up to you." "A'right." Ngumisi pa si King at saka nag-U-turn. Samantalang hindi na sumagot pang muli si Princess, nakangiti na lang niyang pinagmasdan ang nobyo na ngayon ay nakangiti rin habang nasa daan ang paningin. "WHAT ARE WE DOING HERE?" Pinagmasdan ni Princess ang palagid. If she's not mistaken, nasa isang rest house sila, tatlong oras ang layo sa pinanggalingan nila. "Surprise?" Tumawa ang binata, hinawakan ang kamay ni Princess at saka pinagdaop iyon. Buong puso namang nagpaubaya ang dalaga. Magkahawak kamay silang pumasok sa napakalaking rest house. "I never thought that I would be here with someone." "Bakit?" Tanong ni Princess, "Oh, my God! What's this?!" Manghang aniya nang makita ang daan pababa nang makapasok sa loob ng rest house. Akala niya ay isang rest house lang iyon pero laking gulat ng dalaga nang makita ang pagbukas ng sahig-na hindi niya napansing gawa pala sa bakal. Para siyang nasa isang imposibleng lugar kagaya ng napapanood niya sa isang fantasy movie. "Wow.." Hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa dalaga, si King naman ay natatawa sa reaksyon ni Princess. So cute. "An underground!! Amazing! I love it, King-King!" Natatawang bumaling si King kay Princess. Mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay nito, "It's an underground Art Museum." Aniya at saka naglakad pababa sa sementadong hagdan na nababalot sa marmol. "This art museum is my breathing place." "Sa 'yo 'to?" Mangha pa ring tanong ni Princess. Pati ang paligid ng hagdan ay hindi nagpapahuli ang itsura. May disenyo itong mga halamang nakadikit sa paligid. Para siyang nasa secret garden. "This is not mine." Tumawang muli si King, "Private museum 'to ng kaybigan kong si Honry. Kagaya ni Sho ay nakilala ko rin siya noong college ako." "Honry?" Naiiling na anas ng dalaga. "Yup, why?" "Wala naman." "Sounds like Horny?" Natatawang wika ni King. "Yeah?" Litong sagot ng dalaga, hindi mawari kung seryoso ba si King sa sinabi nito. Literal na 'private' art museum dahil walang katao-tao nang makarating sila sa pinakang dulo ng hagdan kung saan naghihintay ang isang malaking underground art museum! Halos mapasinghap si Princess nang makita ang kahanga hangang lugar. "This is way better than your museum, Boss." Pag-amin ng dalaga na ikinatawa lang ni King. "I know right." Anas ng binata, bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Princess, hindi para lumayo, kundi para akbayan ang dalaga. Isa isa nilang nilapitan ang bawat paiting nakasapit sa pader. Bawat obra ay may kanya kanyang representasyon base sa artist nito at base sa mga makakakita. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito." Pagpuna ni Princess sa disenyo ng buong museum. Halos buong paligid kasi ay napapaligiran ng halaman, iba't ibang uri ng bulaklak at ang pinaka nakakuha sa atensyon ng dalaga ay ang vines na halos tumakip na sa pader ng museum. "Those vines are artificial, right?" "Yup. Hindi kasi mabubuhay kung gagawing totoong vines ng owner nitong Museum. Pero plantito talaga si Honry kaya ganito ang napili niyang disenyo." Natatawang anas ni King. "Look at that, King-King! Ang ganda!" Halos maiyak si Princess nang mapansin ang gitnang bahagi ng Art museum. Nagmistulang setting ng fairytale ang bahaging iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa taas na bahagi ng museum, isang malawak na kisame na gawa sa salamin. "Let's go there." Anas ni King at saka bahagyang kinabig si Princess papunta sa sentro ng museum. "Wow.. It illuminates the entire place." Manghang anas ni Princess habang nakatingala, pinagmamasdan ang magandang ilaw na nalilikha ng malaking salamin. "Iyong liwanag sa labas yung dahilan ng reflection n'yan. Dahil hapon na, mas naging maganda yung epekto ng salamin." Paliwanang ni King na mas ikinamangha ni Princess. "I wanna cry." Natatawang anas ni Princess at saka ngumuso. "This place is amazing. I'll never forget this." Ngumisi ang binata, inilahad ang kamay na ikinalito ni Princess. "Dance with me?" "W-What? How?" With just a snap of his fingers, narinig ni Princess ang biglang pagtugtog ng kantang Unchained Melody na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Lumingon pa siya sa paligid, ang tugtog na iyon ay siguradong rinig sa buong lugar. "Let's dance?" Muling tanong ni King. ~Oh, my love, my darling, I've hungered for your touch a long, lonely time. Time goes by so slowly and time can do so much. Are you still mine? I need your love, I need your love. God speed your love to me.. "Plinano mo 'to? Planado mo ang lahat?" Halos maiyak na si Princess sa sobrang nararamdaman. Hindi niya naisip na mangyayari 'to. Bahagyang napasinghap ang dalaga nang kabigin siya palapit ni King. Ang braso nito ay ngayo'y parang bakod nang marahang nakayakap sa kaniya. Samantalang si Princess ay nakayakap na rin sa binata. Parehong marahang sumasayaw kasabay ng malamyang musika, magkalapit ang dibdib na halos magkasabay na ang pagtibok ng puso nilang dalawa. Lonely rivers flow to the sea, to the sea, to the open arms of the sea. Lonely rivers sigh "Wait for me, wait for me". I'll be coming home, wait for me.. "I'm always dreaming about dancing with someone in the middle of this museum. And that someone would be my soulmate," bahagyang tumawa si King, "But like I said, it will never happen." "But it's happening. We're dancing in the middle of this museum." Naluluha pa ring anas ni Princess. I'm so soft. I can't help it. Tumango si King, "You know what? That song is like every other masterpiece of this museum." Oh, my love, my darling, I've hungered, for your touch a long, lonely time. Time goes by so slowly and time can do so much. Are you still mine? I need your love, I need your love, God speed your love to me.. "Why?" "Kasi yung bawat makakakita sa isang painting ay may sariling interpretasyon tungkol sa obrang 'yon. Kagaya nitong kanta, iba't iba rin yung naging interpretasyon ng tao." "For me, the song Unchained Melody means long lost love." May bahid ng lungkot na anas ni Princess. "But for me, it means connection between past, present and future. I can't say that it's a long lost love because that "love" is still there. That love never left but unites everything. It showed a love that outwardly lost, but not forgotten and will remain unchanged. It's like an eternal feeling, an undefined meaning of love that no one can explain." "King-King.." hindi alam ni Princess kung anong sasabihin o kung may sasabihin ba. Masyado siyang nadadala ng nararamdaman lalo na dahil sa mga sinasabi ni King sa kaniya. Agad napapikit si Princess nang mas humigpit ang pagkakayakap ni King sa kaniya, pareho nang hindi sumasayaw, parehong pinapakiramdaman ang bawat pagtibok ng puso ng isa't-isa, "Thank you for coming into my life, baby." Madamdaming anas ni King, "I never searched but you found me. I never looked for someone but you're here with me.." Saglit na lumayo si Princess dahil narinig niya ang paghikbi ng binata at laking gulat niya nang makitang umiiyak nga ito. "Why are you crying?" Kasabay no'n ay ang pagpunas ni Princess sa luha ni King. Umiling ang binata, hinawakan din niya ang kamay ni Princess at saka sunod sunod na hinalikan ang likod ng palad nito. "Hindi ko lang alam na mararamdaman ko ulit 'to. Mas matindi pa 'to kompara sa naramdaman ko noon. Natatakot na nga 'ko dahil habang tumatagal, palala nang palala." "W-What do you mean?" Kabadong tanong ni Princess. May ideya na siya sa kung anong sinasabi nito pero gusto pa rin niyang marinig mula sa labi ng binata. "I love you.." madamdaming anas ni King kasabay ang patuloy na pag-agos ng masagana niyang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD