CHAPTER 5

2326 Words
CHAPTER 5 Anicah Travis’ POV “N-Nandito na po ang tsaa na pinahanda niyo sa ‘kin Mister Damion.” saad ko sa mahinang boses sabay lapag ng dala-dala kong tray na may lamang teapot at maliit na tasa sa mesang gawa sa bakal. Narito ako ngayon sa terrace ng kwarto niya habang nakikita ko siyang nag ta-type kaya maingat kong nilapag ang dala ko na may agwat sa laptop niya. “Stay here.” maawtoridad na sabi niya ngunit nakatuon lang ang atensyon sa laptop habang nagt-type kaya tumango na lang ako dahil hindi ko gustong makapagsalita, baka mautal na naman ako. Ang ginawa ko na lang, lumayo ako ng konti dito sa gilid niya at tumayo ng tuwid. Dahil hindi ko naman gustong pagmasdan lang si Damion, inikot ko na lang ang tingin ko sa ibang bahagi ng terrace dahil naiilang ako sa suot niya ngayon. Naka boxer shorts lang siya at walang suot na pang itaas kaya kitang kita ko ang malalaki niyang braso at dibdib. Pero kumawala ang buntong hininga ko ‘nung maalala ko ang nangyari kagabi… sobrang palpak ang ginawa ko. Hindi ko alam na nandu’n na pala siya sa labas sa loob ng ilang oras para hintayin ako kaya wala akong magagawa kundi sundin siya… kahit gustong gusto ko na umuwi dahil kailangan kong makausap ‘yung papa ko… “I heard you was crying last night, why Anicah?” Awtomatiko akong napatingin kay Damion dahil sa tanong niya. Ibig sabihin, nandu’n siya sa labas ng kwarto ko kagabi? Pero bakit pa siya nagtatanong kung bakit ako umiiyak e ayaw niya nga ako papauwiin. “Gusto ko lang umuwi para kausapin ang papa ko.” Sagot ko sa seryosong boses para maiwasan kong mautal na naman. “Then you can go.” Biglang kumunot ang noo ko sa tugon niya sakin habang nakatuon parin ang atensyon niya sa laptop. “W-What?” Pag kumpirma ko, dahil baka mali lang ako ng dinig? “I said, you can go. Anicah.” Dagdag niya sabay tingin sa ‘kin kaya unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. “T-Talaga? Maraming salamat Damion—“ “And never comeback here.” Putol niya sa sinabi ko kaya biglang humupa ang mga ngiti ko sa bibig dahil du’n at pagkatapos niyang sabihin ‘yun, binalik niya na ang tingin sa kaniyang laptop. Hindi ko inasahan na ‘yun ang sasabihin niya sa ‘kin. Hindi ko alam kung mali itong naramdaman ko pero parang na disappoint ako? Kung iisipin… ito nga ang gusto ko kaya dapat akong magpasalamat sa kaniya at pinakawalan niya na ako. Akala ko, hinding hindi niya ako papakawalan dahil sa mga pagbabanta niya pero ang bilis magbago ng isip niya kagaya ng dati kaya dapat, matuwa ako ngayon. “Yes Damion, Thank you so much.” Sabi ko na lang at nag-bow ako sa harapan niya. Tumalikod na ako pero bigla siyang tumikhim sabay tayo sa kinauupuan niya dahil narinig ko ang ingay ng bakal na upuan kaya nilingon ko siya. “Here’s your one month payment, 30 thousand cash.” Sabi niya sa ‘kin sa walang ganang boses habang inaabot niya ‘yung puting sobre. lumapit ako sa kinaroroonan niya upang tatanggapin na sana pero bago ko mahawakan ang sobre, bigla lang itong binitawan at nabagsak sa sahig. Huminga na lang ako ng malalim at dinampot ko ‘yung sobre. Siya naman, bumalik sa kinauupuan niya kaya humarap ako sa kaniya. “Thank you again, aalis na po ako.” Sabi ko pero alam kong wala siyang balak sumagot kaya tumalikod na ako at naglakad palabas ng kwarto. Huminga na naman ako ng napakalalim pagkatapos kong isara ang pinto dahil medyo nainis ako sa nangyari ngayon lang. Alam kong sadya niyang inihulog ‘yung sobreng hawak hawak niya patunay na isa siya sa mga mayayamang masama ang ugali. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa mga mahihirap, lalo na ‘yung mga naging kaibigan ng papa ko ‘nung may pera pa kami. Pag humingi sila ng tulong tungkol sa pera, pinagbibigyan agad sila ng papa ko dahil napakabait ‘nun na tao. Ngayong walang-wala na kami, ilang beses kaming nagbasakali para tulungan din nila o bayaran man lang ang mga utang nila pero tinaboy kami na parang hayop. Kaya simula ‘nun, narealize ko na hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan mo. Kaibigan ka lang nila pag may pera ka o may kailangan sila. Napabuntong-hininga na lang ako ng marahas at tinungo ang hagdan para makapunta na ako sa kwarto ko at mag-impake. _ MAKALIPAS ang ilang minutong paghahanda, binaba ko na ang maleta mula sa kama, dinampot ko ‘yung mint green hoodie jacket na nakalapag sa paanan ng kama at sinuot. Naka-fit dark green t-shirt ako ngayon tapos skinny jeans para makakagalaw ako ng maayos, tinirintas ko naman ang mahaba kong buhok para hindi sagabal mamaya sa sasakyan. Bago ako aalis, malamang magpapaalam ako kay Eren kaya tinungo ko na ang pintuan habang hila ang maleta ko palabas. Naglakad naman ako sa papunta kay Eren dahil naririnig ko siyang kumakanta dito kanina ‘nung pumasok ako sa kwarto ko. “Eren? Buksan mo ang pinto!” Sigaw ko sabay katok dahil baka maiwan na ako ng tricycle sa terminal. Hindi ko gustong bumibiyahe sa jeep dahil nahihilo ako at isa pa, mas nakakaenjoy sumakay sa tricyle dahil mahangin. Medyo may kalayuan kaya mahaba ang biyahe pero ayos lang, basta hindi ko talaga gusto mag-jeep. “Eren! Bilisan mo!” Naririnig ko na may mga yapak na tumatakbo sa kinaroroonan ng pintuan. Binuksan na niya ang pinto at bumungad sa ‘kin ang nagtataka niyang mukha. “Akala ko ba umalis kana kagabi? Naku, nahuli ka ano?” Tanong niya sakin sabay pamewang kaya ngumiti naman ako ng mapakla. “H-Hindi, kasi… hindi ko na lang tinuloy kagabi at sabi ni Mister Damion, pwede daw akong umalis dito at ‘wag nang babalik.” Sagot ko kaya narinig ko naman siyang nagbuntong hininga. “Ga’nun ba? Hindi talaga makakabalik? Ang sama talaga ng ugali ng amo natin, gwapo nga pero masama naman ang ugali kaya ekis na siya sa ‘kin.” Sagot niya sabay talikod at nakita kong may dinampot siyang kung anong bagay sa mesa na nasa gilid ng kama niya. “Nagpahintulot ako kay Tita Fe na kunin na lang ang sandwich na nakalapag sa mesa ‘dun sa dining room dahil hindi naman nakain ni Mister Calter kaninang umaga. Plano kong ibigay ‘to sa pinsan kong babaeng nag-aaral sa elementarya. Ako ang nakatoka para mag grocery mamaya kaya plano ko ‘tong ibigay sa kaniya pero sa ‘yo na lang ‘to, kukuha nalang ako uli mamaya.” Sabi niya sa ‘kin sabay lakad sa kinaroroonan ko para iabot ‘yung lunch box. “Salamat Eren ha, sana magkita tayo minsan.” Tugon ko sabay abot ng binibigay niya sakin at lumuhod para pantayan ang maleta ko para ilagay ‘dun ang maliit na lunch box. Kakainin ko nalang ‘to mamaya pag nagutom ako sa biyahe. “Oo ba! Sige na baka mahuli ka pa sa biyahe mo. Mag-iingat ka ha?” Paalala niya sa ‘kin kaya tumayo ako at tumango. “Sige, bye Eren! Salamat ulit!” Paalam ko sabay talikod sa kaniya at nagmadaling naglakad dahil alas otso na yata ng umaga. _ NANG makarating ako sa terminal, hinanap ko kaagad ang tricycle na papunta sa baryo namin. Probinsya na kasi ‘yung lugar na ‘yun. Dati, nasa City kami pero dahil nga sa nangyari ‘dun kami napadpad at ang mas masaklap pa hindi sa ‘min ang lupa na kinatatayuan namin dahil nabaon nga kami sa utang. Ang kapatid ng papa ako ang may-ari ng lupa na ‘yun kaya pinahintulutan kaming ‘dun magpatayo ng bahay na simple. “Manong sa Baryo ng Relisya po.” Sabi ko sa driver habang nakaupo sa loob ng sasakyan niya. “300 pesos ‘yung bayad ko ‘dun Miss Ganda, malayo kasi ‘yun.” Tugon niya sa ‘kin kaya ngumiti lang ako. “Ayos lang ho, hindi po kasi ako nag-j-jeep ng malayo.” Sabi ko kaya tumango nalang siya sabay labas sa sasakyan niya at binuhat na ang maleta ko para maipasok niya sa loob. “Tara na Miss.” Pumasok na rin ako sa loob ‘nung naglakad na siya sa sasakyan at pinaandar niya na kaya inayos ko na ang upo ko habang nasa gilid ko lang ang maleta kong pinasok ni manong driver. MAKALIPAS ang isang oras at kalahating biyahe, huminto na ang tricycle sa gilid ng bakuran namin kaya inabot ko na ang bayad sa driver sabay hila ng maleta ko para makalabas na. “Salamat po kuya.” Sabi ko at naglakad na ako papuntang gate namin na gawa pinagtag-pi tagping kawayan sabay binuksan habang hila hila ko parin ang maleta ko. “Papa! Mama! Nandito na po ako!” Sigaw ko habang naglalakad naman papuntang pintuan namin at binuksan. “Anak! Napauwi ka yata ng maaga?” Bungad sa ‘kin ng papa ko habang nagpupunas ng pawis dahil naghahanda yata siya ng kakanin dahil sa usok na nakikita ko sa kusina namin. “Pa, nasaan si mama?” Tanong ko habang sinandal ang maleta sa luma naming sofa sa sala. Napakunot ang noo ko nang hindi sinagot ang papa ko kaya nilingon ko siya, narinig ko siyang nagbuntong hininga. “Pa, may problema ba?” Tanong ko pero sa halip na sagutin niya ako ay hinawakan niya ‘yung upuan na kasama sa mesang nasa gitna ng sala at umupo kaya lumapit naman ako sa kinaroroonan ng papa ko. “Nak… kailangan kong makabenta ngayong araw ng mga nilalako natin dahil nasa hospital ang kapatid mo.” Sabi ng papa ko at literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko ngayon. “Ang mama mo ang nagbabantay kay Anico sa Hospital dahil nahulog ang kapatid mo sa puno ng buko ‘nung nakaraang araw, nabali daw ang braso sabi ng doktor kaya ako nagmamadali ngayon. Hindi pa sila makakalabas dahil hindi pa tayo nakabayad.” Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni papa habang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa nangyari sa kaisa-isa kong kapatid na lalake. “P-Pa… ‘wag kayong mag-alala. May pera ako dito, ‘yun ang gagamitin sa hospital.” Sabi ko at nagmadaling naglakad sa maleta ko para kunin ang sobre na may lamang pera. “Ito pa, tatlumpung libo ‘to pa. Mabuti nalang nakauwi ako agad…” Mahinang usal ko sabay lapag sa mesa ang perang hawak ko. Mukhang hindi ko pa matatanong sa papa ko ang tungkol sa sinabi sa ‘kin ni Damion, mas importante ang kalagayan ngayon ng kapatid ko na nasa hospital. “Pasensya na anak… hindi ko kayo nabigyan ng magandang buhay—“ “Pa naman, ilang beses ko na narinig sa ‘yo ang salitang ‘yan. Hindi na importante ‘yun dahil magkasama naman tayo at walang inaapakang tao.” Putol ko sa sinasabi ng papa ko dahil ganyan ang sinasabi niya pag may problema kami. “Kamusta na pala ang trabaho mo? Nahihiya akong magtanong sa ‘yo kung may natanggap kang sweldo dahil alam kong kakapasok mo lang anak pero napakalaking tulong dahil makakabayad na tayo sa mga utang natin.” Saad ng papa ko kaya bumuntong hininga nalang ako dahil ito nalang yata ang huling malaking perang matatanggap ko. “Malaking tulong ang trabahong pinasukan mo nak, makakabayad na tayo ng kalahati sa tuition ng kapatid mo.” Sa private school pinaaral ang kapatid ko dahil ang talino niya, wala namang scholarship ang mga public school dito kaya ‘dun ko nalang siya pinaaral dahil magagandang trabaho ang mapapasukan niya pag nakapagtapos siya ng kolehiyo kaya kahit masakit sa bulsa ang tuition, iginagapang namin ang kapatid ko. Pero paano ko sasabihin sa papa ko na wala na akong trabaho? Ang plano ko, gusto ko talagang umalis sa puder ni Damion lalo na’t hindi gusto ng papa ko na makakasalamuha ko pa siya. Pag sinabi ko namang siya ang amo mo, kahit malaki ang sweldo ko ‘dun ay pipigilan ako ng papa ko. “Kamusta ang trabaho nak? Mahirap ba? Sandali nga lang, bago tayo mag-usap ipagluluto muna kita ng paborito mong adobong manok may nilagang itlog. Magpahinga ka muna dito at huhuli ako ng lulutuing manok.” Sabi ng papa ko tapos tumayo sa kinauupuan at naglakad papuntang kusina. Ako naman ang umupo ng pabagsak sa upuan sabay hilamos ng kamay sa mukha. Kinakailangan namin ng pera, hindi pala mabuti ang plano ko. Nagtitiis ang mga magulang ko dito at dapat, titiisin ko ang pakikitungo sa ‘kin ni Damion dahil sa pera. Pag naghanap ako ng trabaho, hindi ako matatanggap kaagad at mas mahihirapan kami dahil nag-aaral ang kapatid ko at karampot ang kinikita ng mga magulang ko. Hindi ko man lang inisip na mas nahihirapan sila dito kaysa sa ‘kin kaya dapat akong magtiis kahit si Damion ang amo mo. Hindi ako nag-isip at nagpadalos dalos sa emosyon ko, lalo na ‘yung sinabi sa ‘kin ni Damion tungkol sa papa ko at ina niya. Ano ang gagawin ko? Babalik ba ako sa mansion? Alam kong inaasahan nila ang trabaho ko ngayon at kung sasabihin ko sa kanila na umalis ako, mamumoroblema na naman ang mga magulang ko. Nagpakawala ako ng napakalalim na buntong hininga dahil kinakailangan ko nga talaga ng trabaho. Nagpadalos dalos na ako pero wala na akong mukha na maiharap kay Damion dahil siya na mismo nagsabi na aalis ako. Pero para sa pamilya, gagawin ko lahat. Kakapalan ko na lang ang mukha ko dahil hindi ko gustong nakikita silang nahihirapan. “Babalik ako sa mansion, kaya mo ‘to Anicah. Isipin mo sina papa…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD