CHAPTER 4

2681 Words
Anicah Travis’ POV KANINA pa ako dito palakad lakad sa loob ng kwarto ko dahil nag-aalinlangan akong pumasok ulit sa silid ni Damion dahil sa nangyari kanina. Bago ako umalis ng tuluyan sa pool na ‘yun, pinapapunta niya uli ako sa silid niya pero nangingibabaw naman ang takot ko dahil mukhang galit na naman siya pero ano naman kaya ang dahilan?  ‘Yung aksidente akong nahulog sa pool at natapon ko ang juice na ginawa ko nang dahil sa katangahan ko? Hindi imposible ‘yan dahil nabanggit ng si Tita Fe na dapat maging pulido ang bawat galaw namin dito sa mansion. Napabaling naman ang tingin ko sa wall clock na nakadikit sa pader at halos thirty minutes na pala ako dito  dahil hindi ko na alam kung ano ang magiging desisyon ko. Natatakot ako sa posibleng gawin sakin ni Damion. Habang palakad lakad ako ng pabalik balik dito sa loob ng kwarto ko, nakarinig ako ng katok sa pintuan. “Sandali lang Eren…” Sabi ko sabay tungo sa pintuan para pagbuksan si Eren. “Bakit ano ‘yun hindi ako—“  Hindi ko naituloy ang sasabihin ko, napaatras agad ako dahil bumungad si Damion na seryosong nakatitig sa akin.  “D-Damion… anong ginawa mo dito?” Tanong ko pero sa halip na sagutin niya ako ay bigla na lang siya humakbang papalapit sakin. Napalunok na lang ako dahil unti-unti niyang inaalis sa pagkakabutones ang long sleeve white polo niya. “S-Sandali… bakit ka pumunta dito?” Dagdag ko pa habang napapaatras parin pero hindi parin niya ako sinasagot at pinagpapatuloy niya ang pa-galis ng butones sa suot niya. Napasinghap nalang ako ‘nung wala na akong maatraasan dahil naramdaman ko na ang gilid ng kama ko. “Why are you asking me like that Anicah? This is my house.” sagot niya sa ‘kin sa matigas na boses at nagulat akong bigla na lang niya ako tinulak sa kama. Napahiga ako pero mabilis akong bumangon at tumayo sabay takbo patungong banyo. “You know how much I hate escaping Anicah.” Dagdag niya pero agad kong sinara ang pinto at nilock. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nakahinga ako ng maluwag. “D-Damion, kung galit ka ngayon… patawarin mo ako sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang matapon ang inumin niyo at inaamin kong hindi ako nag-iingat kaya sana… ‘wag ka na magalit sa ‘kin… ‘wag mo akong sasaktan Damion… Sa susunod, pangako mag-iingat na ako—“ Napakagat labi na lang ako. Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil narinig ko na naman ang nakakatakot niyang tawa.  Parang baliktad dahil sa halip na gagaan ang loob ko dahil naririnig ko siyang tumatawa, mag-uumpisa ng madapuan ako ng takot dahil iba ang takbo ng utak ni Damion pag ganito ang asal niya sakin. Kanina… ‘yung maalala ko… ang ganda sa mata makitang nakangiti lang siya ng normal sa babaeng ‘yun… pero sakin… sa halip na matuwa ako ay dapat na akong matakot pag narinig ko na ang tawa niya. “Please Damion don’t hurt me…” Bulong ko na sapat na para marinig niya ‘yun. “Then open this damn door, Anicah.” Tugon niya sakin sa nakadiing pagbigkas ng mga binitawan niyang salita kaya literal na nanginginig ang kanan kong kamay habang unti-unti kong hinahawakan ang door knob. “Damion… bago ko buksan ang pintuang ‘to, sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit mo ako ginaganito? Wala naman akong kasalanan sa ‘yo ‘di ba? Naging mabuti naman ako ‘nung nagsama tayo, sinunod naman kita… iniiwasan kong magalit ka para hindi mo ako masaktan… Oo alam kong hindi maganda ang pinagdaanan mo sa Dad mo pero ‘wag mo naman sana akong idamay… kinuha niyo na ang lahat sa ‘min diba? Kinuha niyo na… pero bakit mo ako ginaganito? Pwede namang kalimutan na natin ang nakaraan na namamagitan sa ‘ting dalawa… hayaan mo na lang akong makapagtrabaho ng maayos Damion… please… wala na tayong relasyon kaya ‘wag mo na akong pakealaman…” Mahabang paliwanag ko sa paos na boses.Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko dahil iniiwasan ko talagang maalala ang masakit na nakaraan naming dalawa dahil hindi talaga maganda. “Gusto mo talagang malaman kung bakit muhing-muhi ako sa pamilya niyo?” Sagot niya sa nanggigigil na boses.  “Please Damion… sabihin mo… kung ano man ‘yan…” Mahinang usal ko pero nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan sa mga susunod niyang sasabihin sakin. Ilang sandali pa, narinig ko siyang huminga ng malalim at marahas na paraan kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nabitawan ko ang pagkakahawak sa door knob at humawak sa dibdib ko sabay hinga ng malalim. “Anicah… do you really want to know?” Tanong niya pa pero hindi na ako sumagot, sa halip ay hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. Hindi na ako makapagsalita sa kaba. “…Your fvcking father… may relasyon ang magaling mong ama sa ina ko, Anicah.” Pagkatapos ko marinig ang mga salitang binitawan niya, unti unting napatakip nalang ako ng bibig at parang namanhid ang buong katawan ko. “H…Hindi… t…totoo y…yan….” Sagot ko sa namamaos na boses habang naramdaman ko na ang mainit na likidong nanggigilid sa mga sulok ng mata ko. “Yes Anicah, you heard it right. Bago pa tayo naikasal, nakita ng dalawang mata ko kung paano hinahalikan ng ama mo ang ina ko kaya ‘wag ka na magtaka kung bakit ga’nun na lamang ang pakikitungo ko sa anak ng naninira ng pamilya. ‘Nung sinabi ko ‘yun kay dad, gumawa siya ng paghihiganti kaya ‘wag ka rin magtaka kung bakit kayo naghirap. Kasalanan ‘to ng ama mo Anicah, at simula ngayon… bihag na kita. Papahirapan ko ang anak ng sumira ng pamilya namin.” Habang binabanggit niya ang mga salitang ‘yun, nanlambot ang tuhod ko at dahan dahan akong napaupo sa sahig habang naririnig ko na ang sarili kong hikbi na pumupuno dito sa loob ng banyo. “…siguro nga hindi maganda ang pagiging ama ni Dad sa akin. Pero mabuti na lang ga’nun ang pagdisiplina niya sa ‘kin dahil hindi ako magiging ganito kayaman kaya nagagawa ko na ang gusto ko, lalo na sa ‘yo Anicah.” Ang daming ‘bakit’ na pumapasok sa isipan ko ngayon… Bakit nagawa ‘yun ni papa kay mama? Hindi niya ba mahal si mama?  Pero sa ugali ng papa, hindi niya kayang gawin ‘yun sa babaeng minahal niya… mahal niya kami pareho… hindi siya gagawa ng ikakasama ng loob ng pamilya niya… Dapat akong umuwi sa bahay… kakausapin ko ang papa ko.  MARAHAS kong inalis ang mga luhang nag-uunahan lumabas sa mga mata ko at tumayo para alamin kung totoo ang sinasabi sa ‘kin ni Damion. Huminga ako ng malalim sabay hawak sa door knob at binuksan. Pagbukas ko, bumungad sa ‘kin si Damion na nakatayo sa pintuan ng banyo pero hindi ko siya pinansin at agad na tinungo ang cabinet. “K-Kailangan kong umuwi… kailangan kong alamin kung totoo ang sinasabi mo… gusto ko makausap si papa…” Mahinang usal ko sa paos sa boses sabay bukas ng cabinet at inalis ang mga nakatuping damit at hagis sa kama ko. Habang hinahalungkat ang laman ng cabinet, naramdaman ko ang presensya ni Damion sa likuran ko, agad akong humarap pero napasinghap na lang ako ‘nung bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat ko sabay sandal sa cabinet. Napaawang ang labi ko sa sakit na dinulot ng pagtulak niya ng marahas sa akin. “D-Damion, ‘wag mo akong saktan.” Madiing saad ko sabay baling ng tingin sa mga mata niyang ang talim ng pagkakatitig sa ‘kin. “Akala mo… papayagan kitang umalis Anicah? NO… you have to stay here and suffer my wrath…” Sabi niya sa madiing boses kaya ginalaw ko naman ang dalawa kong kamay at pwersado ko siyang tinulak sa dibdib kaya nabitawan niya ang madiing pagkakakapit sa magkabila kong balikat. “No! Damion! I have to go!! Kinakailangan kong makausap si papa gusto kong maliwanagan! Gusto kong alamin na hindi totoo ang sinasabi mo—“  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang umalingawngaw sa buong kwarto ang malakas niyang sampal sa kanan kong pisngi kaya natilapon ako sa cabinet at naibunggo ko ang sarili kong balikat. Kumapit agad ako para hindi ako matumba dahil literal na nandidilim ang paningin ko sa lakas ng pagkakadapo ng sampal niya sa pisngi ko. Agad ko namang naramdaman ang pagkamanhid sa buong pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya kaya dahan dahan ko siyang binalingan ng tingin, kapansin pansin ang mga kamao niyang nanginginig. “I said, you will stay here. FOREVER.”  Napapikit nalang ako ng mariin ‘nung humakbang pa siya dahil baka sasaktan na naman ako, pero tinungo na niya ang pintuan at binagsak ng pasara ang pinto, napahawak agad ako sa dibdib ko dahil mas humihilab doon kaysa sa natamo kong malakas na sampal. “A-Anicah… jusko! Rinig na rinig ang malakas na sampal ni Mister Calter sa kabilang kwarto!”  Agad akong napabaling ng tingin sa pintuan ‘nung tumatakbo sa kinaroroonan ko si Eren habang ako ay nagpipigil umiyak. Nararamdaman kong nanginginig pa ang mga labi ko dahil gusto kong ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko ngayon na halo halo na.  “B-Bakit nakakalat ang damit mo sa kama? Pinaalis ka ba niya?” Nag-aalalang saad sakin ni Eren sabay akay sakin papuntang kama para makaupo. Huminga muna ako ng malalim para maikalma ko ang sarili ko dahil naninikip na ang dibdib ko. “G…Gusto ko nang makauwi muna… may problema sa bahay… pero hindi niya ako gustong pauwiin…” Saad ko sa paos na boses ‘nung makaupo na kaming dalawa sa gilid ng kama. “Ga’nun ba Anicah? Grabe naman si Mister Calter, napakapintas pala. Pero bakit kaya ga’nun na lang ang trato niya sa’yo? Pwede namang idaan sa maayos na usapan o punishment nalang na pag may ginawa kang kasalanan, papalinisin sayo ang gusto niyang palinisan. Hindi ‘yung dadapuan ka ng sampal sa maganda mong mukha.” Malungkot na saad ni Eren sabay hawak sa pisngi ko at napapikit agad ako ng mariin ‘nung nasagi niya ang nasampal ni Damion. “Grabe, humulma talaga ang daliri ni Mister Calter, hindi ko inasahang ganito pala siya kabayolente.” Huminga nalang ako ng malalim dahil mas masakit pa sa sampal ang narinig ko mula kanina dahil kung totoo ‘yun, hindi ko alam ang sasabihin ko sa papa ko, tinitingala ko siya katulad ni mama dahil napakabuti niyang tao. Alam kong mahal na mahal niya ang mama ko. “Anicah, sundin mo nalang ang sinabi niya baka masaktan ka pa ng husto. Kung gusto mo talagang makauwi sa inyo, unti untiin mo ang pagkakakumbinsi sa kaniya.” Dagdag ni Eren kaya pumakawala nalang ako ng buntong hininga dahil hindi ako makakatulog sa natuklasan ko ngayon kaya kailangan kong makauwi. Gusto kong malinawan. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit ga’nun na nalang ang trato niya sakin? Dahil sa natuklasan niya? Pero, bakit ako? Baka hindi ‘yun totoo at nagpadalos dalos siya sa damdamin niya? Hindi ‘yun magagawa ng papa ko! “Eren, mamayang gabi… kailangan kong makauwi…” _ KINAGABIHAN… Napatingin ako sa wall clock ko dito sa loob ng kwarto at mag-aalas dos na ng madaling araw. Napagpasyahan kong tatakas ako, pero hindi takas na babalik uli dito para sa trabaho. Tatakas ako para hindi na ako mahihirapan sa susunod na gagawin sa ‘kin ni Damion… alam ko pag tatagal lang ako dito… papahirapan niya ako ng husto dahil isa lang sa natuklasan kong ugali niya ay pag may poot siya, hindi ka niya titigilan.  Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho kaysa papahirapan niya ako dito. Lalo na ngayong sinabi niya sa ‘kin ang dahilan kung bakit niya ako ginaganito… parang may pahintulot na niya sa ‘kin na dapat niyang gawin ang gusto niyang gawin. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuhat ang maleta ko at naglakad na ako sa pintuang nakabukas para makapagsimula na ako sa nakakatakot kong pagtakas. Ginawa ko ang lahat para hindi makagawa o makalikha ng kahit anong ingay. Naka flat black shoes lang ako ngayon at dress na hanggang tuhod pero nagjacket ako dahil pag narating ko ang terminal ng mga tricycle, ‘dun ako hihintay hanggang tumuntong ang alas singko ng umaga. Pigil hiningang dahan dahan na ako bumaba ng hagdan at nilakihan ko na ang hakbang ko ‘nung makaapak na ako sa ground floor.  Dinukot ko naman ang dalawang susi ko sa bulsa na ibinigay sakin ni Eren na galing sa cabinet ni Tita Fe. Sinubukan niya akong pigilan pero gusto ko na talagang makauwi. Hindi ko na kayang tumira kasama si Damion. Natatakot na ako sa susunod na mangyayari. Pagbukas ko ng malaking pintuan, lumabas agad ako at tumakbo papuntang gate. Hinanda ko naman ang pangalawang susi ‘nung nasa harap na ako ng gate.  Ilang sandali pa, tuluyan ko nang mabuksan ang malaking padlock at nagmadali nang lumabas habang hinahabol ko na ang sarili kong hininga dahil sa ginagawa kong pagtakas. Napatingin naman ako sa buwan na nagbibigay sakin ng ilaw habang makikita kong medyo mahamog ang paligid kaya binaba ko na ang maleta ko sabay kinapitan ang hood ng jacket at sinuot ‘yun sa ulo ko. Bago ako tuluyang naglakad, napatingin ako sa mansion at nagbuntong hininga sabay nagsimula ng maglakad habang hila-hila ko na ang maleta ko. “I know you’re going to do this, Anicah.” Napigil bigla ang hininga ko ‘nung marinig ko ang hindi ko gustong marinig na boses kaya napatingin ako sa pader ng mansion na hindi kalayuan sakin at nakita kong nakasandal si Damion habang nakacross arms kaya nabitawan ko ang maleta ko. “D…Damion…” Mahinang usal ko at napaatras na ako ‘nung tumayo na siya ng tuwid.  Mukhang matagal na siya dito dahil nakasuot din siya ng itim na jacket? “Anicah, you have to suffer my wrath…” Madiing saad niya kaya hinanda ko na ang mga paa ko sabay talikod at tumakbo ng mabilis. Hinahabol ko ang sarili kong hininga habang hindi ko siya nililingon sa likuran ko kung hinabol niya rin ako, basta ang nasa isip ko ngayon ay gusto kong tumakas sa kamay ng lalakeng walang puso! Rinig na rinig ko ang sarili kong hingal habang hinahakbang ng mabilis ang mga paa ko pero bahagya akong napalingon at nanlaki ang mga mata kong malapit na pala siya sakin na hindi ko namalayan kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Ilang sandali pa, napatili nalang ako ‘nung bigla niya akong niyakap sa likuran habang nagpupumiglas ako para makawala sa kaniya. “D-Damion!! Wag!! Bitawan mo na ako!! Gusto ko nang umuwi—“ Hindi na natapos ang pagsisigaw ko dahil bigla niya lang ako hinarap at naramdaman ko nalang ang malamig niyang mga labi na dumampi sa mga labi ko, ginalaw na ‘yun at marahas niya akong hinalikan. Nalasahan ko kaagad ang sarili kong dugo, nanlaki ang mga mata ko ‘nung bigla niya lang ‘yun sinipsip kaya ginamit ko na ang dalawang kamay ko para maitulak siya sa dibdib kaya napahiwalay siya sa ‘kin. Naririnig ang sarili kong hingal pero napangiwi na lang ako ‘nung maramdaman ko ‘yung sugat sa ibabang parte ng labi ko. Awtomatiko akong napatingin kay Damion at nanlaki ang mga mata ko ‘nung may bahid ng dugo ang mga labi niya. “P-Please Damion… natatakot ako sa ‘yo… pakawalan mo na ako…” mahinang usal ko. Napaawang na lang ang bibig ko ‘nung makita kong dinilaan niya ang dugo kong bumahid sa bibig niya at  ngumisi. “Beg more Anicah, it’s more addicting while hearing you beg. If you want to escape… I will fvck you, right here and right now. Want that Anicah?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD