CHAPTER 1 Bewildered

997 Words
Wala sa sarili si Lei habang naglalakad sa pathway   ng UP Diliman. Parang pasan niya ang mundo sa napakalaking problemang dinadala niya. She heaved a weary sigh. Bagsak ang kanyang mga balikat at mabibigat ang kanyang mga hakbang. Her eyes suddenly became misty as she thought of her mother. Nasa ospital ito at labis siyang nag-aalala. May malubha kasi itong karamdaman at kinakailangang maoperahan sa lalong madaling panahon. Her mother was diagnosed with a stage 2 breast cancer and the doctors advised to remove her left breast where the tumor had grown in order to stop the cancer cells from spreading throughout her body. And they needed money for her mastectomy. At iyan ang pinoproblema niya sa ngayon. Saan sila kukuha ng pera? Ang kanyang ina ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Her bastard of a father ran from his responsibility after impregnating his mother. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nakita at nakilala. Napatiim-bagang na lamang siya sa parteng iyon ng kanyang pag-iisip. She hated her father. Just the mere thought of him repulsed her. At ito ang dahilan kung bakit lumaki siyang walang kaamor-amor sa mga kalahi nito, sa mga lalaking ang tingin niya ay mapagsamantala lamang sa kahinaan ng mga babae. She had this notion that men only wanted women for their bodies. At kapag nakuha na ng mga ito ang gusto sa isang babae, basta-basta na lamang iniiwan. Katulad ng kanyang ina. Kaya ipinangako niya sa sariling hinding-hindi tutularan ang naging kapalaran ng kanyang ina. Hinding-hindi siya magpapaloko sa mga lalaki. Hindi siya magpapagamit sa mga ito. Kaya nag-focus na lamang siya sa kanyang pag-aaral. She never entertained any suitor. May mangilan-ngilang nagpakita ng interes pero kaagad na sinupapal niya. Simple lamang siyang babae at simple lang din siya kung mag-ayos. Nagsusuklay lamang siya ng buhok at ni hindi nga nagpupulbos. Pero sa kabila niyon ay may angkin siyang natatanging ganda. Her beauty was subdued by her laid back and simple lifestyle. She knew she could be a head turner if she wanted to, just like the famous girls in the campus, but no, she wouldn’t do that. She didn’t want the attention. It would only mean trouble and headache. Kaya masaya na siya sa kanyang low-profile na status sa unibersidad. Ilang araw na lang at magtatapos na siya sa kanyang kursong Bachelor of Science in Business Administration. Isa siya sa may pinakamataas na average sa Cesar E.A. Virata School of Business, U.P. Diliman. It was a feat worth celebrating but celebrations are out in her plans now that her mother’s health was at risk. Kailangan niyang makahanap ng paraan para magamot ang kanyang ina. Pero paano? Hindi naman sila mayaman. Nairaos niya ang pag-aaral sa UP dahil isa siyang iskolar. May karinderia ang nanay nila sa harapan ng kanilang bahay pero hindi sapat ang kita niyon para maipagamot ang ina.. Katunayan ay naka-close iyon sa ngayon dahil nga nagkasakit ang kanyang ina. Ilang linggo na itong nasa ospital bago lumabas ang diagnosis na may cancer pala ito. Ang kinikita naman ng kanyang step-father na si Mang Arman bilang mangingisda ay sapat lang sa araw-araw nilang pangangailangan. And she was now frantic to raise money for her mother’s hospitalization. Ano na ngayon ang gagawin niya? Saan siya pupunta para makahanap ng malaking pera? Ano ang nararapat niyang gawin? In a bid to look for avenues to raise money, she checked the university’s bulletin boards for possible student assistantships and other job vacancies. Kahit anong trabaho papasukin niya kumita lamang siya ng pera. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na ina. Binusisi niya ang mga nakakabit na papel sa bulletin board. Nang may mahagip ang paningin niya. She saw an ad that immediately captured her attention. Casting Call for a pretty and sexy girl who will be fielded to do a very exciting task of a lifetime. The right candidate will receive a generous compensation amounting to one million pesos. The right candidate must be: 1.       At least 18 years old and not more than 24 years old 2.       Sexy and with pleasing personality 3.       Adventurous, demure and highly likable 4.       Must still be a virgin Interested? Please text 09172341578 for interview schedule. Hindi na tumatak sa isipan niya ang weird na requirements ng casting call na iyon.  Ang tumatak lang sa kanyang isipan ay ang nabasang one million pesos na compensation. Nalula siya sa napakalaking halaga. She mentally calculated the amount that she would need for her mother’s medical treatment. It was more than enough. By hook or by crook, she needed that one million pesos for her mother’s dear life. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa. She instantly texted the contact number inquiring about the ad. Abot-abot ang dalangin niya na sana ay wala pang nakukuhang applicant at puwede pa siyang mag-apply. God, but she really needed this opportunity! But what if the casting call was just bogus? What if it was just a ploy for some shady intentions? Paano kung mapapahamak siya? But she instantly whisked her doubts away. Sa klase ng sitwasyon niya ngayon kung saan buhay ng kanyang ina ang nakasalalay ay wala na siyang panahon pa para mag-isip ng kung anu-anong kanegahan sa buhay. Positive thinking lang dapat.  She was clutching to the tiny spring of hope that she would find a way to help save her mother. Makakahanap at makakahanap siya ng perang pampaopera nito. Bahagya pa siyang napapitlag nang tumunog ang cellphone niya. At gayun na lamang ang tuwang naramdaman niya nang mabasa ang natanggap na text. Tumatanggap pa raw ang mga ito ng aplikante at ibinigay ang address kung saan siya dapat na pumunta para sa panel interview. At mamayang hapon na iyon. She only had a few hours to prepare. She would unleash her secret weapon later. She would come out of her shell and flaunt her hidden sexiness and sensual beauty. Kailangang napaka-sexy at magandang-maganda siya mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD