Chapter 6

1358 Words
Kiel's POV "Kung sino ang mauunang makapagbigay sa akin ng apo sa tuhod, lahat ng pera, bahay, lupa, lahat ay mapupunta sa kanya. I think that's fair enough, right?" Napapikit nalang ako sa sinabi ni lolo. I knew it. He will wish for something like this before he dies. Napatingin ako kay Leo. That kid back in that restaurant looks like Leo. Lumaki kami ni Kyle kasama si Leo kaya alam ko kung ano ang itsura niya paglabata. May mga picture pa nga kami noon pagkabata na laging pinapakita sa amin ni Kyle ngayon. I remembered Leo from that kid. ---- Lumabas ako ng restaurant para magpahangin. My parents are still there and talking to that woman. Umupo ako sa isang bench at bumuga ng hangin. Kumuha ako ng sigarilyo at hinithit yun. I need to calm myself. I'm getting married. Bye, bye, single life. They are discussing about our future and it's making me sick. I don't want this. I don't want any of this but I have to do this for Kyle. Kyle is not ready yet, so am I, but I don't want him to suffer. Siya lang nagpapasaya sa akin at ayokong mawala ang saya niya. "Uy lalaki, huwag ka ngang manigarilyo kapag may bata." Natigilan ako at napatingin sa nagsalita. "Alam mo bang nakakasama sa bata ang second hand smoke?" Nanlaki ang mata ko at napatayo sabay atras. "L-Leo?" Natanong ko nalang bigla. Kumunot naman ang noo niya. "Pinagsasasabi mo?" Tininingnan niya ako na parang nahihibang na ako. Kinalma ko ang sarili ko. For once I thought I was brought back to time. Umupo ulit ako sa tabi niya. Tinapon ko naman ang sigarilyo ko. "What's your name, little boy?" Di niya ako pinansin at nakatingin lang siya sa bag niya na Ben 10. "Little boy?" "Kung ako ang tinatawag mo pwes di kita maintindihan." Sabi niya habang di inaalis ang tingin sa bag niyang nasa hita niya. "Uhm... anong pangalan mo?" "Bakit naman kita sasagutin? Kilala ba kita?" "Uh... No... But. I'm... I mean... Ako si Kiel. Ikaw sino ka?" Masama niya akong tininganan. Leo never looked at me like that before! Nakakatakot. "May pera ka? Baka kung babayaran mo ako ibibigay ko sayo pangalan ko." "Uh..." kinuha ko ang wallet ko pero puro card lang ang meron. "Uhm... what about a candy?"kinuha ko ang candy sa bulsa ko at binigay sa kanya. "Ito lang ang maibabayad ko." "Kala ko pa naman mayaman ka. Sige na nga." Mahal naman ang candy na binibili ko. Gusto ko mg candies kaya marami akong dala. "Ang pangalan ko ay Kian Rizano." "Sino ang tatay mo?" "Bayad muna." Binigyan ko siya ng limang candy. "Di ko kaylangan ng tatay meron akong lolo." "Sino ang nanay mo?" "Si Lori Rizano." Lori? I don't know a woman named Lori- Then I remembered the woman who called my name earlier. She looks familiar. "Ang nanay mo ba nagtatrabaho dito?" "Oo. Di ba halata? Kaya mga naghihintay ako rito, eh." Ang sungit naman ng batang to. "Saan ka nakatira?" "Sa ilalim ng tulay." Kumunot ang noo ko. "Seryoso, saan?" "Ilalim ng tulay nga. Doon!"sabay turo niya sa isang daanan. They are living in slums area. "Pwede bang mag-pa-picture?" "Oo naman! Di ko alam na ganito na pala ako kasikat." ------ Now I do remembered that woman. It's the same Lori from back then. I gave her money for taking care of Leo but they disappered that night and that kid was the result of that mistake. Leo already won the battle that didn't even started yet. "Hey, Kiel!" We should find her! The kid can help us! The kid can help me get away with this marriage! "Kiel!" "Kiel!" Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan ako ni kyle. "What happened back there?" "What are you saying, Kiel? It makes our cousins confuse." Dagdag ni Leo. "Leo, promise me. Kapag nakuha mo ang mana hati tayong tatlo." Nagulat naman sila sa sinabi ko. "Anong pinagsasabi ko?!" "What are you talking about, Kiel? You looked ridiculous to me." Saad ni Kyle. "Okay. Nahanap ko ang babae na kinama niya 6 years ago." Sabay turo ko kay Leo. Napanganga naman sila at tiningnan ako na parang nahihibang na ako. "She have a child. Maybe 5 years old or so." Tumawa naman silang dalawa. "I never thought you can joke like that Kiel!" Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang picture na nakuhanan ko kanina. "I-I can't believe you also have Leo's old photo, Kiel-" kinuha ko ang cellphone at nilagay sa screen ang picture ng bata na kasama ako. "Oh. Yan." Sabay pakita ko sa kanila. Narinig ko nalang ang pagbagsak ng cellphone ko sa sahig. "Leo will get the money." Sabi ni Kyle na nakangisi. ------- Lori's POV "May lagnat siya. Di siya makakapasok ng school." Sabi ni papa. Napailing nalang ako. Pumasok ako sa kwarto ni papa. Dito natutulog si Kian. Nakita ko siyang natutulog sa kama ni papa. Hinawakan ko ang noo niya, napakainit nga niya. "Mama..." "Mmm?" "Nilalagnat ako..." "Huwag ka nalang pumasok sa school ngayon. Aalis na ako." Sabay halik ko sa kanya sa pisngi. "Anong gusto mong pasalubong?" "Goto." "Okay. Alis na ako." Umalis na ako ng bahay at agad na pumunta ng trabaho. Nilalakad ko lang yun kaya minsan nale-late ako. I have to save money, you know. Maaga ako ngayon kaya wala pang masyadong tao sa restaurant. Nang pumasok ako ay agad na bumungad sa akin ang tatlong kalalakihan. "You are Lori, right?" Sabay nilang tanong. Tumingin ako sa likuran ko. "Mukhang ako nga yun." Mukhang mayayaman sila. "Wala akong utang sa inyo kaya tigilan niyo ako." Nilagpasan ko naman sila. "Lori, do you remember me? I'm Kiel from yesterday." Tumingin ako ulit sa kanila tatlo. Ngayon ko lang napansin ang pagmumukha nila. Tinago ko ang pagkagulat ko. Bat sila nandito? "Di kita kilala." Sabi ko nalang. "Me? Do you remember me? I'm L-Leo." "Wala akong kilalang Leo." Sabay ngiti ko at pumunta na sa kitchen. Ilang araw ang nakalipas ay bumalik si Leo at nasa bahay ko na siya. Di na niya kasama ang mga pinsan niya. Mga bodyguard na ang kasama niya. Mukha ngang mayaman siya and I hate it. "You don't need to. I asked you to get me pregnant. What happened that night is not a mistake or accident. I'm planning to have a child. I just need a semen. Ikaw lang nakita ko doon kaya ikaw nalang. Stop this. Nasabi ko na noon sayo. Gusto ko lang mabuntis. Thank you though for giving me a wonderful child. You don't have to take responsibility for it." Natigilan siya. "B-but I want to-" "Why? Why do you want him? Mukhang mayaman ka naman. Siguradong may asawa kana o may fiancee kana diba?" Ganun naman talaga diba? "Basta gusto ko lang..." sabay iwas niya ng tingin. Natawa naman ako. "You want my son for money, don't you?" Nagulat siya sa sinabi ko. And I was right. "N-no..." sabay tingin niya sa ibang direksyon. Alam ko talaga ang iniisip ng mayayaman. "Why do you need the money? You're already rich, right? Di paba sapat? You're greedy." "No. My parents are rich but not me. It's that how our family works. We must prove to them that we are worth it of the family's business." "And you are using my son for-" "If my grandfather saw Kian, he will give me the money and I can save our business." "At kapag natanggap mo na ang yaman, paano si Kian?" "I will take care of him." "How about me?" "Uhm... I will take care of you too." "And my father?" "Him too." "So, what if your future wife doesn't want Kian or me? What will you do?" Sabay ngiti ko. "Paano kung ikakasal na ako sa iba? Kanino mapupunta si Kian?" Hinahanapan ko siya ng pagkakamali, para naman may dahilan ako na tanggihan siya. May malaki siyang karapatan kay Kian. Pwede niyang kunin si Kian sa akin, gusto ko lang malaman kung ano ba ang gagawin niya pag nagkaganun na ang sitwasyon. "Paano kaya kung magpakasal tayo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD