CHAPTER 4.2 - TIGRESS IN TROUBLE

1435 Words
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Hannah. Although may access naman siya sa emails sa laptop niya, iba pa rin na pisikal na naroon siya sa opisina.  Nadatnan niya ang bungkos ng files at ilang mga mails and invitations sa lamesa niya. Agad siyang umupo sa swivel chair at binuksan ang computer. Pagkatapos ay inisa-isa ang mga dokumentong kailangang basahin. Saglit siyang tumigil at tumawag sa room service para magpadeliver ng kape. She needs it more than anything else. Muli niyang ibinaling ang atensyon sa pagbabasa. Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder niyang kape. “Thank you,” aniya nang ilapag ng waiter ang kape sa table niya.  Hindi nakawala sa talas ng mata niya ang polo nito na hindi naka butones ang kaliwang long sleeves. “Wait,” pigil niya sa paglabas nito ng opisina. Bakas sa hitsura nito ang pinaghalong pagtataka at takot nang humarap sa kaniya. Umahon siya sa pagkakaupo bago marahang lumakad papunta sa tapat ng empleyado. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa pagdaka’y humalukipkip. “Para saan ang butones, Santi? Design lang ba iyan?” Diretso ang tigin niya sa kinakabahang lalaki, nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang tray. “Bakit ba hindi nakabutones ang sleeves mo?” Kalmado pa rin ang pananalita niya. “Ah, eh, k-kasi po…” Tila wala itong mahagilap na dahilan. She rolled her eyes then grabbed his arms. Muli niya itong tinapunan ng tingin. “Kailan pa ito sira?” salubong ang kilay na tanong niya pagkakita na wala iyong butones at sira ang dulong bahagi ng long sleeves. “Mga isang linggo na po, Ms. Hannah. N-Naireport ko na rin po sa laundry pero—” hindi na niya ito pinatapos magpaliwanag. “Change your uniform into a decent one. Now!” aniya bago ito itinaboy palabas. Bumalik siya sa pagkakaupo bago nagsend ng message kay Adrian. ‘Let’s conduct a surprise inspection today. Let’s start with the Laundry Department after the morning briefing.’ Ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento. Hindi naglipat-saglit ay bumukas ang pintuan niya at maang na sumilip si Mayuree. “Good morning, Ms. Hannah,” bati nito sa kaniya. “Good morning,” bati niya rin dito. “How are you feeling today, Ms. Hannah?” concern nitong tanong na noo’y pumasok na sa loob at iniabot sa kaniya ang iba pang mga envelopes. “I’m fine, thanks. Can you file my LOA for yesterday. Just leave the form here and I will sign it once I’m back from the briefing,” aniya bago sinipat ang wall clock. Tumango lamang ito bago lumabas ng opisina niya. After few minutes ay kumatok itong muli para ibigay naman sa kaniya ang daily revenue report and occupancy na kakailanganin niya sa briefing. Saglit niyang pinasadahan ng basa ang figure reports bago tinanguan si Mayuree, hudyat na okay na ang lahat. Tumayo na rin siya para pumunta sa Executive Board Room kung saan gaganapin ang briefing. Hindi pa man siya nakakatayo sa upuan ay dumating na ang bangungot ng buhay niya. “Good morning!” maaliwalas na bati nito kay Mayuree bago diretsong pumasok sa bukas na pintuan ng opisina niya. “Good morning, Ms. Tapiya!” baling naman nito sa kaniya. Mangani-ngani siyang tahini ang bibig nitong malapad ang pagkakangiti! Inirapan niya lamang ito at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa lamesa niya. Kusa na itong lumapit sa kaniya bago tila nang-aasar na kinuha ang mga sulat na pinagsama-sama niya sa isang gilid. “Wow! Uso pa pala ang love letters ngayon! I thought we’re a 5-Star Hotel and everything is electronic and computerized?” Nahihimigan niya ito ng tila pang-iinsulto habang inisa-isang tingnan ang mga sulat. “Until now, nag-e-exist pa rin ang standard rule for a letter. Private ito at hindi pupuwedeng basahin kung hindi ito naka-address sa iyo!” taas-kilay niyang wika bago inilahad ang palad niya sa harap nito para kuhaning muli ang mga sulat. “Give it to me,” aniya. Ngunit hindi ito natinag. Bagkos ay nawala ang pang-aasar sa mukha nito at nabahiran iyon ng pagtataka at pag-aalala. Napansin niya pa ang bahagyang pagtiim ng bagang nito habang nakatingin sa hawak. “I said, give it to me!” malakas niyang wika bago sapilitang kinuha mula rito ang bungkos ng mga sulat.  Tumingin ito sa kaniya na para bang nakakita ng multo nang hablutin niya ang mga hawak nito. “What?” paasik na tanong niya. “I-I think, somebody wants you dead,” anitong hindi kumukurap bago idinako ang tingin sa hawak niyang mga sulat. Awtomatikong sumilay ang pagtataka sa mukha niya dahil sa sinabi ni Zack. Mabilis niyang tiningnan ang mga sulat. Isinalansan lamang niya ito kanina kaya’t hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng mga ito at kung kanino galing. Marahang isinara ni Zack ang pintuan ng opisina bago tumayo sa harap niya habang iniisa-isa pa rin niyang tinitingnan ang mga sulat na hawak. Mistulan siyang natuklaw ng ahas nang makita ang isang partikular na envelope.   ‘To: Hannah Warning was given, but you did not act upon it. One of these days, that warning will come true. From: Grim Reaper’   Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang envelope para lamang mas magitla sa nilalaman noon. Sa pinagpunit-punit na mga letra mula sa isang magazine ay nakasaad ang mga ito sa sulat:   ‘This is not a threat. This is a reminder. I warned you, do what you’ve been asked and your life will be spared.’   “H-Hannah, maupo ka muna,” marahang untag ni Zack bago siya inalalayan at kinuha sa kaniya ang hawak niyang sulat. Nabalot ng kilabot ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Marahan siyang tinapik sa pisngi ni Zack para marahil ay matauhan siya. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang balikat at bahagya siyang pinisil para siya bumalik sa kasalukuyan. “Inhale, exhale…” anito kasabay ng pag-akto nito sa sinabi para manapa’y gayahin niya. Ngunit tila wala siya sa sariling nakatingin lang dito. Nang pumitik ito sa harap niya ay saka lang siya tila natauhan. Napahugot siya ng hininga at marahas iyong pinakawalan. Ngumiti ito saka lumuhod sa harap niya pagkuwa’y ginagap nang mahigpit ang kamay niya habang matamang nakatitig sa kaniya. Kung siguro’y may makakakita sa kanila, aakalain ng mga ito na nagpopropose ito sa kaniya dahil sa ayos nila. “This is not the first time you received death threats, am I correct?” tanong nito. Hindi nito naitatwa ang pinaghalong kaba at pag-aalala sa boses. Wala sa loob na napatango siya bago muling sinipat ang sulat. “I-I… I already lost counting… but this is the first time I received a letter,” halos bulong lang ang lumabas sa bibig niya. She got used to receiving threats by phone call, text messages, and by email, but this is the first time that the person behind the threat made an effort to scare her more by letter. “Does my father knows?” tanong nito na noon ay tumayo na at animo’y nag-iisip ng pupuwedeng gawin. Imbis na sumagot ay napasinghap siya nang maalalang a-attend pa siya ng morning briefing nila. “W-We need to go now.” “Settle down. You can’t go out looking like that. Tingnan mo nga ang sarili mo, ang putla-putla mo,” pigil nito nang akmang tatayo siya. Huminga siya nang malalim. Ayaw man niyang sumang-ayon dito, alam niyang hindi siya makakapag-concentrate sa meeting. She is not fine at alam niya sa sarili niyang apektado na talaga siya. Nag-dial siya sa telepono at tinawagan si Mayuree. “Call FC and tell him to lead the briefing. Send him the reports now,” utos niya bago ibinaba ang telepono. Dumako ang atensyon niya kay Zack na noon ay nakaharap sa labas ng building overlooking the Chao Phraya River. “You did not see anything, Zack. Attend the morning briefing and I will ask Mayuree to give you some more—” Hindi na niya naituloy pa ang mga sasabihin nang inisang hakbang lang siya nito at niyakap. “A-Anong… bitiwan mo nga ako!” asik niya bago pinilit na tanggalin ang pagkakayakap nito sa kaniya. Marahan itong kumalas at muling dumistansya sa kaniya. Hindi niya maintindihan pero may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin na iyon. Para bang nakita niya na ang ganoong klaseng mga tingin ngunit hindi niya matukoy kung kailan at saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD