CHAPTER 4.1 - TIGRESS IN TROUBLE

2201 Words
HALOS  alas-nuebe na ng gabi nang matapos ni Hannah ang ginagawa. Dinaanan pa siya kanina ni Adrian at niyayang lumabas ngunit as usual, tumanggi siya at muling isinubsob ang sarili sa trabaho. Bahagya siyang tumigil sa ginagawa at umunat bago marahang pinatunog ang leeg. Tinanggal niya ang eyeglass niya bago marahang minasahe ang mata. She decided to call it a day and grabbed her bag. Kasalukuyang niyang inila-lock ang pinto ng opisina niya nang maka-receive siya ng isang SMS message. It was from an unknown number. Kunot-noo niyang binuksan ang mensahe saka napasinghap. ‘An eye for an eye. We already warned you but you did nothing. We are giving you a week, if nothing happens, your life will not be spared.’ Iyon ang nakasaad sa mensahe na kaniyang natanggap. Another threat pero wala pa namang nangyayaring masama sa kaniya, but this one is a bit much. Umiling na lang siya. All they can do is threaten her, that’s it. Isinilid niya sa bulsa ang telepono bago binagtas ang hallway patungo sa elevator. Pagkapindot niya ng buton ay may kung anong kaba siyang naramdaman. Tila may presensyang naroon at nakatayo sa likuran niya. Pigil ang hiningang napalunok siya at inignora ang iniisip. Ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang bigla itong magsalita sa isang nakakatakot na boses. “I’m warning you. Just like you, I don’t play. I am dead serious,” anito na naghatid ng kilabot sa buo niyang katawan. Napalunok si Hannah sa narinig. Naghatid iyon ng kilabot sa buo niyang katawan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klase ng kaba na halos makapagpatuyo ng lalamunan niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagpasyang humarap dito. Laking gulat niya nang wala siyang natagpuang tao sa likuran niya. Wala na ang taong nagsalita kanina. Nagpalingon-lingon siya sa paligid at pilit inaninag kung saan ito posibleng dumaan ngunit kapareho ng ginawa nitong paglapit sa kaniya ay wala rin siyang ideya kung paano ito nakaalis nang walang kaingay-ingay. Guni-guni niya lang ba iyon? Pero hindi, eh, narinig niya talaga ang sinabi ng lalaki. Nang dahil sa pag-iisip ay nagitla pa siya nang biglang bumukas ang elevator. Halos ilang beses na lingon-likod ang ginawa niya hanggang sa ganap na niyang marating ang kaniyang sasakyan. Mas naging mapagmatyag din siya nang paandarin na niya ang sasakyan palabas ng hotel parking, sa dinaraanang highway, pagdating sa building ng condo niya at hanggang sa wakas ay makapasok siya sa loob mismo ng condo niya. That is the only place where she felt safe. Sa nanginginig na kamay ay ini-lock niya maging ang kuwarto niya bago nagpakawala ng magkahalong takot at gaan ng pakiramdam. Takot dahil ngayon lang talaga nag-sink in sa kaniya ang kinahaharap na panganib, at gaan dahil nasa comfort zone niya siya. Ibinagsak niya ang pagal na katawan sa malambot na kama at hinayaan ang kanina’y pinigil niyang luha na mamilibis mula sa kaniyang mga mata. The reality of having a threat in her life is scary like hell. And even if other people thought that she is an iron lady, she still has the capacity of being afraid. Naturalmente, tao pa rin siya na marunong matakot lalo at buhay na niya ang nakataya. Sari-saring what if’s ang biglang pumasok sa isip niya. Wala sa pagkatao niya ang matakot kaagad nang walang dahilan, ngunit sa pagkakataong iyon, alam niyang nasa panganib talaga ang buhay niya at hindi niya iyon dapat na ipagsawalng-bahala na lamang. Dahil sa magdamag na pag-aalala, hindi siya kaagad dinalaw ng antok. Takot siyang ipikit man lang ang mata niya kahit sandali. Baka kasi kung ano ang mangyari sa kaniya kung sakaling makaidlip siya. Baka may makapasok na kung sino sa loob ng bahay niya at hindi niya mamalayan kung sakaling mapasarap ang tulog niya. Baka may manakit sa kaniya at baka may pumatay sa kaniya habang natutulog siya. Baka… Nang mag-ring ang landline phone niya ay halos mapatalon siya sa gulat, noon lang siya naalimpungatan kaya naman naging malakas at mabilis ang pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya kasi ay kapipikit lang ng mata niya. Ilang saglit pa ang lumipas nang rumehistro sa isip niya na nasa sarili niya siyang kuwarto. Marahan niyang pinakawalan ang hangin sa dibdib bago sinagot ang cordless phone. “H-Hello?” alanganin niyang sagot. “Hannah, ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?” May pag-aalala sa boses ni Adrian sa kabilang linya. Ibinuka niya ang kaniyang mga labi para sana sabihin dito ang nangyari kagabi ngunit pinigilan niya ang sarili. She will try to solve the issue on her own as much as she can. Ayaw niyang mandamay pa ng iba. This is too personal para atakihin siya ng nagbabanta sa kaniya. Kung work-related ito, hindi ito mag-aaksaya ng panahon sa kaniya at didiretso ito sa mas nakatataas sa kaniya. Perhaps, this person has a grudge on her that he is tormenting her life for revenge. Ganoon na nga ba talaga kasama ang ugali niya para may magtangka sa buhay niya? Inalis niya ang bikig sa kaniyang lalamunan bago siya nagsalita. “Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, Adrian. Teka, bakit dito ka sa landline tumawag?” nagtatakang tanong niya. “Your phone is off at kanina pa ako tumatawag diyan. I even asked your Reception to check up on you pero hindi ka raw nagbubukas ng pinto,” ramdam niya na mahiya mo ito nabunutan ng tinik nang marinig ang boses niya. “Oh, nalimutan kong i-charge. Teka, anong oras na ba?” umupo na siya sa kama at bahagyang nag-inat. “Hannah… it’s already ten in the morning. Kung hindi mo pa sinagot ang tawag na ito, pupunta na talaga ako diyan,” sagot nito sa nagtatakang tono. “What? Ten in the morning? Sh*t!” gulat na anas niya sabay tingin sa wall clock. “Calm down, Hannah. Gusto mo bang puntahan kita riyan at samahan sa doktor? Ano ba ang nararamdaman mo?” pag-aalo sa kaniya ng kaibigan. “O-Okay lang ako, Adrian. Pahinga lang nga siguro ang kailangan ko. I’ll just take a day off today. Huwag ka nang magpunta rito. Sige, magpapahinga na lang ulit ako,” pagsisinungaling niya at hindi na hinayaan ang kaibigan na makatanggi pa. Kinuha niya mula sa lapag ang bag na hindi niya namalayang naibagsak niya pala nang walang pasintabi kagabi. Mula sa loob ay kinapa niya ang cellphone na drain na ang battery. Agad niya itong i-ch-in-arge, pagkuwa’y narinig niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Kagabi pa pala siya hindi kumakain, ni hindi pa rin siya nakapagpapalit ng damit. Sumaglit siya sa banyo at naghilamos, bago nagpalit ng pambahay, pagdaka’y nagdiretso sa kusina. Unfortunately, hindi pala siya nakapag-grocery noong nakaraang araw kaya’t naubos na ang stock niyang pagkain. She had no choice but to prepare a blunt sandwich. Kakasalin pa lang niya ng kape sa tasa nang may mag-door bell. ‘Ang kulit talaga nitong si Adrian!’ bulong niya sa sarili bago ibinaba ang coffee pot at binagtas ang papunta sa pintuan. Ito lang naman kasi ang inaasahan niyang dadalaw sa kaniya. And knowing Adrian, hindi ito mapapakali sa opisina nito hangga’t hindi nasisigurong okay siya. “I’m coming! I told you, huwag ka nang pumunta, eh,” sigaw niya dahil tila wala nang bukas kung mag-buzz ito ng doorbell. ‘Ay! Ang kulit!’ bulong niya sa sarili. Kagyat siyang sumilip sa peephole at laking gulat niya nang mapagsino ang nasa labas ng condo niya! “W-What are you doing here?” nagtatakang tanong niya ng hindi binubuksan ang pintuan. ‘How the hell did he know my home?’ sa loob-loob niyang tanong. “God! We were so worried sick about you!” Nasa tono nito ang ramdam niya’y pag-aalala. “Open this damn door, please,” patuloy nito bago sunod-sunod ulit na kumatok. “Who told you to come? Just leave. Nakausap ko na si Adrian,” pagtataboy niya rito. “I will not leave. My dad forced me to come here to check you up tapos paalisin mo ako,” pangungunsensya naman nito. “Ano ba ang meron? Para lang na-lowbat ang cellphone ko at nakatulog ako nang mahimbing para na kayong mga kitikiti na hindi mapakali,” inis na anas niya. Wala talaga siyang balak pagbuksan ito ng pintuan. Tanging si Adrian pa lang ang nakatapak sa loob ng condo niya dahil hindi naman talaga siya tumatanggap ng kahit na sinong bisita sa bahay niya. “No man is an island, lady. Hindi ako titigil sa kakakatok dito hangga’t hindi mo ako pinagbubuksan. Bahala ka, baka maireklamo ka ng mga kapitbahay mo at sasabihin ko sa kanilang nobyo mo ako at may LQ tayo,” pagbabanta nito habang walang patid ang ginagawang pagkatok na mas nilakasan pa nito na tila nananadya. “Baliw ka na talaga, Zack! Ano bang problema mo, ha. Lagot ka talaga sa akin!” asar na asar na sigaw niya rito bago muling sumilip sa peephole. Napansin na niya ang pagbukas ng mga pinto ng kalapit ng condo niya at ang iba naman ay lumabas na rin sa hallway. “Pasaway ka talaga! Manahimik ka na nga riyan! Bubuksan ko na ang pinto!” pagsukong sabi niya bago napilitang buksan ang pinto para papasukin ang lalaki. “Alam mo, Hannah, ang aso nga hinahanap ‘pag nawawala, tao pa kaya?” sarkastikong anas nito bago dumiretso sa loob para lang tumigil sa kalagitnaan ng sala. “What the! You’re working at the hotel and not even one sofa is here in your living room?” gulat nitong saad bago humarap sa kaniya. “Well, hello, gorgeous!” Napalitan ang gulat sa mukha nito ng isang pilyong ngiti pagkakita sa kaniya. Mataman siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ano ba naman ang espesyal sa pair of pajamas? Lalong kumunot ang noo niya sa asta ni Zack. Ang lakas talagang mang-asar nito! Daig pa si Cesar Asar! Gigil niya itong nilampasan bago dumiretso sa bar at umupo sa stool. “Gusto mo bang dukutin ko iyang eyeballs mo at ipalapa sa aso? Pumunta ka ba rito para sirain lalo ang araw ko at masigurado mo kung buhay pa ako?” Inirapan niya ito bago ininom ang kapeng tinimpla niya kanina. Umupo ito sa isang stool and took a bite of her sandwich. “Akin ‘yan, ah!” reklamo niya. Huli na nang mapigil niya ito. Umiling-iling ito bago muling inilapag ang sandwich sa platito at tiningnan siya sa nakakalokong paraan. “You looked pale, but I doubt that you’re sick,” diretsang komento nito saka nang-aasar na tiningnan ang sandwich niya. “You sucked even in making a sandwich. Your apartment is as dull as your sandwich. You don’t have a love life. Your life is your work… I therefore confirmed that you are a total opposite of a wife-material,” umiiling-iling at nakangising pahayag nito bago tumayo at binuksan ang ref niya. “Wow! You’re not just an ass but you are also one heck of a jerk! Hindi extension ng trabaho ko ang bahay ko, so please, I took an off today, so bumalik ka na sa hotel,” kalmadong wika niya habang pinapanood lang ito sa pangingialam sa ref niya. Gusto na talaga niyang magalit pero wari niya’y wala siyang lakas para pag-aksayahan pa ito ng panahon at atensyon. “At ang daming laman ng ref mo, ha. Hindi ko malaman kung ano ang kakainin ko, eh,” sarkastikong dagdag pa nito na sinabayan pa ng paghagikhik. “I am warning you, Zack. Hindi mo gugustuhing galitin ako,” banta niya. Nagsimula na ang pamumula ng mukha niya dahil sa umuusbong na galit sa ginagawa at sinasabi ng lalaki sa kaniya. Isinara nito ang ref at marahang tumigil sa tapat niya. Inilapag nito ang dalawang kamay sa bar counter bago inilapit ang mukha sa kaniya. Malapit na malapit. Ganitong-ganito rin ang ginawa nito roon sa opisina niya. Nang-aasar talaga! “Akala mo ba, gusto kitang makita at makasama? Kung hindi ako pinilit ni dad na puntahan ka, eh, ‘di sana nandoon ako sa hotel flirting with the Evas. Do you think, I would rather spend my precious time arguing and fighting with a tigress like you? Don’t compliment yourself so much, Hannah. You hate me and I am pleased to inform you that the feeling is mutual.” Nabasa niya sa mga mata nito ang hindi niya malaman na damdamin na tila tumataliwas sa sinasabi nito sa kaniya. Tumayo siya mula sa kinauupuang stool bago bahagyang lumayo rito habang bitbit ang tasa ng kape niya. “This is my personal space. Kung pwede lang, umalis ka na. I’ll talk to your father,” aniya bago ito tinalikuran. “Alright. See you then,” anito bago sumunod sa kaniya. Nagpatiuna na itong lumabas ng pintuan nang buksan niya ang pinto. Pagharap nito ay sinalubong ito ng paglagapak ng pinto. Iiling-iling na humakbang na lamang ito palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD