CHAPTER 3 - EQUAL RIGHTS?

2363 Words
CLOSE the door,” agad na utos ni Hannah pagkapasok nila ni Zack sa opisina niya. “I know, I’m charming and irresistible, but I know my rights. I can sue you for s****l harassment.” Mababakas sa mata ng lalaki ang nagbabantang ngiti. Umupo siya sa swivel chair bago panandaliang tumingin sa computer, pagkuwa’y tahimik at matiim na tiningnan ang lalaki na noon ay prenteng-prente nang nakaupo sa katapat na sofa paharap sa kaniya. “First of all, let me remind you na nasa isa kang kumpanya at wala sa circus. Act accordingly. Second, I don’t give a damn kung anak ka ni Donovan o kahit anak ka pa ng hari ng Thailand. As long as you are working here, you should abide by the rules. No exemptions. No excuses. Third—” “Ang dami namang conditions!” putol nito sa sinasabi niya na wari niya’y inip na inip na pinagsalikop pa ang mga braso at ngumuso na parang bata. Pinukulan niya ito ng nakakapasong titig at tiim-bagang siyang nagpatuloy. “I don’t like people interrupting me while I talk—EVER! I talk, you listen. That’s the way it is. Kung ayaw mo sa rules ko, you are free to tell your father na ayaw mo sa kalakaran ko. Pabor sa akin iyon dahil ang ayoko sa lahat ay sakit ng ulo lalo sa pasaway na tulad mo! So immature!” gigil na patuloy niya. Narinig niya ang paghugot nito ng hininga bago dumekwatro. “I’m not a quitter, so, okay, I get your the point. Ano pa ba ang gusto mong sabihin, I will listen, your Highness!” sarkastiko nitong pahayag. Inirapan niya ito bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.  “Since you will be our new MARCOM, you will be the face and heart of our company. You have to learn how to talk to the clients and public affairs office in a very professional yet friendly way. You have to market the company and it is a big task. Marami kang responsibility, per se, but most importantly, you— yourself, should exhibit a good image on behalf of the company. You will be under my zone, so you will report directly to me, but at the same time, you have to constantly communicate with our MARCOM Head Office,” paliwanag niya bago ito nagtaas ng kamay para magtanong. “Do I have to wear a uniform like yours?” hindi niya matantiya kung nang-aasar ba ito o seryosong nagtatanong. “You have to follow our formal wear attire policy. As a manager, we will not provide you a uniform but you will be entitled for laundry services. You will receive the full welcome kit from our HR. Usually, bago mag-umpisa ang isang new employee, they have to undergo orientation sa HR bago ihatid sa department mo, but since you’re a special case, you are exempted,” tugon niya bago kinuha ang awditibo at tinawagan si Mayuree. “Give me the Table Top Kit for Marketing and Communications,” utos niya sa dalaga bago ibinaba ang telepono at muling bumaling sa lalaki. “I will be giving you the Table Top documents for your role. I want you to read and understand the contents bago ka magtanong. I hate stupid questions, so, I suggest na isulat mo ang mga gusto mong malaman na related sa trabaho. I will ask Mayuree to send you to your office. I’m not sure kung naroon pa ang gamit ng pinalitan mong MARCOM, but I will ask the HR to do the needful and to provide you with the necessary equipment,” pagtatapos niya bago muling sinipat ang computer. “How about my working hours? My lunch breaks—” tanong nito na pinutol niya para sumagot nang hindi tumitingin dito. “Monday to Friday, 8 am to 5 pm with one hour break. It doesn’t matter kung anong oras ka magbe-break, as long as you will consume 1 hour or less. For now, you will be working inside the hotel, but later on, you will be working outside when necessary to meet up with our clients and the Public Affairs Office,”  paliwanag niya. “Wow, that’s nice!” nakangiting anas nito pagkarinig sa huling sinabi niya. Nagtaas siya ng paningin bago malumanay na nagsalita. “Don’t you dare play while at work because unfortunately for you, I am better than Conan!” Natampal nito ang sariling hita bago tumawa nang malakas dahil sa sinabi niya. “Damn! That was good! Marunong ka naman palang magbiro, eh,” anito na sige pa rin ang halakhak. Pinabayaan niya lang itong tumawa nang tumawa. Nang medyo kumalma na ito ay sarkastiko siyang nagtanong. “Tapos ka na? Do I look like I was kidding?” Muling sumilay ang ngiti sa labi nito. Hindi niya maikakaila na magandang lalaki ang kaharap niya katulad ng ama nito, but she is the type of person who doesn’t actually focus on physical appearance of anybody. Unluckily for him, he will not be able to use his charm to get away from whatever evil plan he has. “I’m sorry, but it was really funny! Sino ang mag-aakala na kilala mo pala si Detective Conan?” Muli ay nagpakawala ito nang malakas na halakhak na pumuno sa buong opisina niya. Nakataas ang kilay na pinanood niya lang ito dahil mukhang enjoy na enjoy ito sa pagtawa. Kinalma niya ang sarili at muling ipinukol ang atensyon sa computer. Isa-isa niyang binasa ang mga unread emails na natanggap niya na work-related at urgent. Mayamaya’y tumunog ang cellphone niya. Hotel Landline. “This is Hannah, speaking,” sagot niya bago pinakinggan ang nasa kabilang linya. Awtomatikong pumukol ang paningin niya sa kaharap na noon ay tumigil na rin sa pagtawa. Nakita niya pa itong maluha-luha dahil sa ligayang naramdaman sa paghalakhak. “Well, of course! Thank you,” pakli niya sa kausap bago pinindot ang end button. Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ng kaharap. “Oh, my God! Ngayon lang ulit ako tumawa nang ganoon! Thank you! Thank you!” saad nito bago pilit na muling kinalma ang sarili. “If I see your damn car parked at my spot again, I’ll make sure that you’ll regret it!” Mahina ngunit naroon ang diin sa binitiwan niyang salita. Ang mga mata niya ay tila uling na nagbabaga sa pagtitig sa lalaki na noon ay napatda ngunit panandalian lamang saka nagkibit-balikat. Magsasalita pa sana ito nang mapukaw ang atensyon nila nang marinig nila ang sunod-sunod na mahinang katok bago bumukas at iniluwal si Mayuree hawak ang Table Top Kit. “Excuse me, Ms. Hannah, here’s the kit you’re asking for,” anito bago humakbang palapit sa kaniya at ipinatong ang dala sa table niya. “Thank you, Mayuree,” tipid na salita niya bago kinuha ang inilapag na dokumento sa lamesa niya at binuklat iyon. “This is fine. By the way, he is Zack, our new Marketing and Communications Manager. She is Mayuree, my Executive Assistant,” pakilala niya sa dalawa. Nakita niyang bahagyang nagitla ang dalaga sa sinabi niya ngunit pagdaka’y nagpakawala ito ng impit na ngiti sa lalaki na noon ay umahon sa pagkakaupo at lumapit kay Mayuree bago nakipagkamay. “Nice to meet you, Mayuree,” malambing na wika nito na ikinapula ng mukha ni Mayuree na kimi namang tumango sa lalaki at binawi ang kamay. Tumayo na rin siya bago iniabot sa lalaki ang dokumento. “Please read this through. This is just an introduction to your job. Marami ka pang dapat matutunan and we will be guiding you all the way,” saad niya bago humarap kay Mayuree, “Please guide him to his new office. Check if everything is fine and check with the HR about his access in the PC and other systems,” utos niya kay Mayuree bago humarap dito at nagpatuloy, “HR will show you around the Employee Restaurant and all Employee’s common areas,” pagtatapos niya saka umupo at humarap sa computer niya. Tumango naman ang ito bago ito iginiya ni Mayuree palabas ng opisina niya. Mataman na siyang nakatitig sa computer niya nang muli siyang nilingon ni Zack at nagsalita. “See you at lunch then, Ms. Tapiya,” anito bago mabilis na sumunod kay Mayuree bago pa man siya nakapag-react. ‘Nuknukan ng antipatiko! He is one of the most annoying creature God has ever made! Ano ba mayroon sa araw na ito at parang napakamalas ko naman yata ngayon!’ bulong ng isip niya bago siya muling nagbuga ng hangin mula sa dibdib at sinimulan na ang trabaho. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras dahil sa dami ng trabaho. Kung hindi pa tumawag si Adrian sa kaniya ay hindi niya malalaman na past two in the afternoon na pala. “I’ll order a room service, Adrian. May tinatapos pa ako and I need to finish it by today,” agad niyang wika nang makausap ito sa telepono. “Shall I order for you, baka naman pati iyon, eh, malimutan mo pa. Shall I order a steak?” ramdam niya ang concern ng kaibigan sa kaniya, bakit ba naman hindi, eh, nitong nakaraang buwan lang ay muntik na siyang ma-confine sa ospital dahil sa sakit ng tiyan. Kung hindi naagapan, malamang, napunta iyon sa ulcer. At siyempre, walang ibang nakakaalam ng nangyari sa kaniya maliban kay Adrian, that’s how close they are. “Just tuna sandwich and kiwi juice,” aniya. “Are you kidding me? I’ll order you a decent meal and you’ll finish it,” anito at hindi na siya hinintay pang makatanggi at ibinaba ang telepono. Naiiling na ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. Ilang mahinang katok ang pumukaw sa atensyon niya bago sumungaw sa siwang ng pinto si Mayuree.  “Excuse me, Ms. Hannah, Mr. Zack is here and he would like to speak with you,” pagbibigay-alam nito at alam niyang nag-aalangan ito dahil sa lahat ng ayaw niya ay ang istorbohin siya sa gitna ng trabaho lalo’t nagpauna na siya rito kanina na huwag siyang iistorbohin. “Tell him that I’m busy,” hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon na tapunan ng tingin ang sekretarya at ipinagpatuloy lang ang pagtipa sa keyboard. Narinig niya pa ang pagsara ng pinto kaya’t laking gulat niya nang bigla na lang ihampas ni Zack ang dalawang kamay sa lamesa niya at nakataas ang kilay na diretsong tumingin sa kaniya. “I didn’t sign up to work here and end up at the hospital. Don’t you have any plans of filling up your tummy?” seryosong tanong nito. Bahagya siyang umunat ng upo at sumandal sa swivel chair bago tinapunan ng tingin ang kaharap. “Well, technically, wala ka pa namang pinipirmahan na kahit na anong kontrata as far as I know. Second, I told you earlier, you are entitled for an hour break. You can go to the Employee Restaurant and select from the variety of food and beverage offered there. Hindi ba iyon itinuro ni Mayuree o ng HR sa iyo o gusto mo pang may magsubo sa iyo?” nakalabi niyang pahayag. Umatras ito ng bahagya ngunit hindi inalis ang pagkakatingin sa kaniya. “Hmmn, kung ikaw ang magsusubo sa akin, hindi kita tatanggihan,” sagot nito bago nagpatuloy, “Damn, you’re gorgeous pero ang damot mo para hindi ipakita ang ganda ng ngiti mo,” puri nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. She is not fond of flattery lalo na kung galing sa isang antipatikong tipaklong! “I am not in the mood to tolerate your craziness, Zack. I am too busy doing my job. And you, as apprentice, should do what it takes to prove to me that I could actually waste my precious time teaching you to somehow handle your position,” seryosong pahayag niya rito bago humalukipkip. “Kung ako sa iyo, I will prove everyone that I am not the person who they thought I am,” dugtong niya. “As in what?” ito naman ang nangunot ang noo at bahagya pang humakbang palapit sa kaniya and moved his face closer to hers, kaya naman bahagya rin niyang naiatras ang upuan dahil sobrang lapit na ng mukha nila sa isa’t isa. “As in… black sheep, irresponsible, asshole, troublemaker… should I continue?” diretsahan niyang tugon. Saglit itong natigilan habang nakatitig sa kaniya saka lumunok. Tumikhim ito saka muli tumayo at bahagyang tumango. “Too bad, I’m not you and I don’t have any reason to prove to anybody my worth, not even to my father.” Nabanaag niya sa mga mata nito ang lungkot na agad ring napawi nang muling tumingin sa kaniya. “I’ll go ahead and have my lunch. It seems like you’re so in love with your job that you forget to even think of food,” pagtatapos nito bago lumabas ng opisina niya. Bahagya niyang nahaplos ang kaniyang sentido at hindi napigilan ang pag-iisip. Kahit pa inis siya lalaki ay may kaunting awa pa rin siyang naramdaman nang tahasan niyang sinabi rito ang tingin ng tao sa isang Zack Claromente—which she accidentally heard from the staff while at the restroom. Well, atleast, they have something in common. Walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bahagya pa siyang nagulat nang dumating ang in-order na pagkain ni Adrian makaraan ang ilang minuto, kaya’t agad niya itong tinawagan. “Really, Adrian? Tom Yum talaga?” reklamo niya rito. Alam niyang sinadya ito ng binata para mapilitan siyang kumain nang marami dahil ito ang paborito niyang putahe sa Thai cuisine. “Finish it and I’ll be there within 15 minutes. Dadalhin ko na ang contract ni Zack,” natatawang wika nito bago ibinaba ang telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD