CHAPTER 2 - TUBIG AT LANGIS

2939 Words
NAGPUPUYOS na sa galit si Hannah dahil sa uri ng pagtingin sa kaniya ng bagong dating na lalaki. The way he looks at her, kulang na lang ay hubaran siya nito kaya naman hindi niya inalis ang anghang ng titig niya rito. Sa isip niya ay paulit-ulit niyang tinatadyakan ang mukha ng antipatikong lalaki na ito! “So, you’re the infamous Tigress of the DC, huh,” amused na wika ng lalaking ipinakilala ni Donovan na si Zack. Hindi pa rin nagbabago ang tingin sa kaniya na tila ba siya isang specimen sa ilalim ng microscope na pinagmasdan nito mula ulo hanggang paa nito. Si Donovan naman ay umupo sa karatig upuan sa unahan ng kaniyang lamesa. Nagpakawala siya ng hininga saka lumakad pabalik sa kaniyang swivel chair saka umupo habang ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa nakababatang lalaki. Isa lang ang nasisiguro niya sa pagkakataong kaharap ito. She doesn’t like this arrogant jerk! “I don’t like you,” walang prenong wika niya rito saka ito tinaasan ng kilay. “Unang araw mo pa lang dito, may dala ka nang bagyo sa katawan mo,” prankang wika niya bago sumandal at humalukipkip. Kung kaya nitong makipagtitigan sa kaniya, nuncang sumuko siya. “Hannah… Zack… let’s all be professional here, okay?” awat naman ni Donovan sa pagitan ng nag-iinit na sitwasyon nilang dalawa. “Looks could really be deceiving. You looked like an angel but hell, you act like Hitler!” banat din ng binata habang nakangisi. Ang lakas talagang mang-asar at halatang nananadya! Inirapan niya ito saka bumaling sa matanda at sarkastikong nagtanong, “I’m sorry, Donovan, but, do I looked like a nanny to you?” “Hannah—” Hindi na naituloy pa ng matanda ang sasabihin nang magsalita si Zack. “Wow! Ganoon ba ako kabata sa paningin mo? I’m flattered!” pang-aasar pa lalo ng lalaki sa kaniya. Awtomatikong lumipad ang nakahihiwang tingin niya kay Zack na ang pagkakangisi ay mahiya mo ipininta na sa mukha nito na parang si Joker. And the more she looks at him, the angrier she becomes! How could this man gets into her nerves just by the mere words of him? Pinaningkit niya ang kaniyang mga mata at halos patayin na ang lalaki sa utak niya. ’Well, ganito pala ang gusto mo, ha!’ sa isip-isip niya. “Don’t flatter yourself. Sinabi ko iyon dahil daig mo pa ang special child na kailangan ng special attention!” iritableng sambit niya, then she saw his jaw clenched. ‘Ano ka ngayon!’ Tinaasan niya ito ng kilay, bunying-bunyi ang kalooban niya dahil kahit paano ay napatikim niya rito isang piraso ng kamandag niya. “It’s enough, you two! Para kayong mga bata!” Pumagitnang muli ang matanda at tiningnan sila pareho ng nagbabantang tingin habang magkasalubong ang mga kilay. “You’re going to work together whether you liked it or not,” pinal na desisyon nito bago tumayo at bumaling sa kaniya. “I want us to share a nice healthy breakfast for his first day, okay?” pagtatapos nito bago nagpaunang lumabas ng opisina niya. “It’s nice meeting you, Ms. Tapiya,” puno ng pang-uuyam na bulong ng lalaki na hindi niya namalayang tumayo na rin pala at sumunod sa matanda. Pinukulan niya ito ng masamang tingin bago nagpakawala nang malalim na hininga. ‘Kapag nga naman susuwertihin ka! What a day!’ sa loob-loob niya bago mabigat ang mga paa niya na sumunod sa mga ito palabas ng opisina niya. “Call Smith for me. I need to talk to him today,” utos niya kay Mayuree na noon ay namumutla sa kaba. Kinuha niya ang report na p-in-rint nito saka bumuntong hininga. “And could you please, relax. It’s not your fault that a crazy person escaped from a mental institution and came by my office,” pahayag niya habang pinandidilatan ito bago tuluyang sumunod sa dalawang lalaki. Ang ayaw niya sa lahat ay masyadong nerbyoso. For her, it’s a sign of weakness, at ayaw niya, hangga’t maari, na mapapalibutan siya ng mga kabado at walang self-confidence na empleyado. That’s a no-no in her vocabulary. Nasa tapat na ng elevator ang dalawang lalaki nang madatnan niya. Ngiting-ngiti naman si Zack sa kaniya habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Tinaasan niya ito ng kilay saka bumaling kay Donovan pagkatikhim niya. “Does Adrian knows that you are hiring a mentally challenged kid?” supladitang tanong niya sa matanda na nakapagpakunot-noo rito. Napailing na lang ito dahil alam nitong hindi siya magpapatalo. Ngayon, halata sa hitsura nito na tila gusto na nitong pagsisihan ang naging padalus-dalos na desisyon. “Alam mo, mas bagay sa iyo ang nagagalit. Lumalabas ang pangil mo,” wika naman ni Zack bago nang-aasar na ginaya ang dagundong ng isang tigre. “Roar!” Sabay astang padamba sa kaniya. Nanggigigil na iniwasan niya na lang ito ng tingin dahil baka hindi na talaga siya makapagpigil at mapatulan niya talaga ito. “Stop it, Zack! For once, please be serious! Hayaan mo na lang muna si Hannah, okay?” Nasa hitsura na ni Donovan ang pagkainis sa kinasusuotang sitwasyon. Kapwa sila nanahimik dahil nakita nila na naging seryoso na talaga ang hitsura ni Donovan. Pagkabukas ng elevator ay sabay-sabay na silang sumakay sa loob. Siya na ang nag-press ng twenty kung nasaan ang Aroi Mak Restaurant, ang main restaurant ng DC Grand Hotel kung saan sila nakatakdang mag-breakfast. Pagkasara ng pinto ay bumaling si Zack kay Donovan at saka nagsalita. “Dad, I never asked you to do this. Just give me the property, put it under my name and you could forget that I’m actually your son,” seryosong pahayag nito na lalong ikinakunot ng noo niya. Mabilis na dumako ang nagtatakang paningin niya sa matanda. ‘Dad?’ nagtatakang ulit ng isip niya. “You have to work hard in order to gain. Hindi na uso ang libre ngayon, Zack. You have to reap what you sow.” Donovan equally challenged his youngest son. She could actually sense a bit of apprehension between the two, kaya’t mas minabuti niya na manahimik na lamang at ipagsantabi ang katabilan ng dila. This is not the right time for her to be the wicked one. Kahit na medyo nabigla siya sa nalaman, it’s none of her business to intrude. Tahimik silang tatlo habang binabagtas ang daan patungo sa restaurant. Naabutan nilang naroon na ang ilang mga department heads na mistulang naghihintay na lamang sa pagdating nila. Umupo sa pinakasentro ng long table si Donovan habang ang lalaki naman ay umupo sa bakanteng upuan na malapit dito, unfortunately, wala nang iba pang bakanteng upuan kundi sa tapat ng antipatikong lalaki. Nakita pa niyang tumaas ang sulok ng labi nito sa pagpipigil ng ngiti. “It’s good to see all of you today,” bati ni Donovan bago iginala ang paningin sa lahat ng naroon. “As you are all aware of, Smith decided to resign effectively yesterday. Although we tried hard to convince him to stay, it was his decision to leave the hotel with immediate effect,” paunang paliwanag ng matanda. “So, I decided to hire my youngest son, Zackary Claromente,” anito na inilahad ang palad sa tapat ni Zack bilang pagpapakilala rito. “He will be our new Marketing and Communications Manager and he will be working under Hannah’s supervision until he could actually work on his own. Yes, he is my youngest son, but I want all of you to treat him as a regular colleague. No special treatment should be given to him, that’s an order,” patuloy nito na inisa-isa ang pagtingin sa bawat taong naroroon sa hapag. Pawang tumango naman ang mga ito. Ang ibang malapit sa binata ay kumamay pa rito habang ang iba naman ay ngumiti bilang pagbati, maliban sa kaniya. Wala kasi sa bokabularyo niya ang makipagplastikan. Nagsimula at natapos na nila ang agahan ay puro kayabangan lang ang narinig niya mula kay Zack. Hindi niya alam kung talagang siya lang ba ang nakakaramdam ng malakas na hangin na dala nito o gusto lang magpalakas dito ng mga nakapaligid sa kanila kaya kahit anong sabihin nito ay panay puri naman ang mga ito. Marahan siyang nilapitan ni Adrian nang kumuha siya ng kape sa coffee station ng buffet. Si Adrian ay naging matalik niyang kaibigan sa kolehiyo. Their friendship started because of a crab. Dahil sa sarap nitong magluto ng ginataang alimango, nakuha nito ang loob niya. At kahit ilang beses niya itong ipinagtabuyan noon sa nirerentahan niyang kuwarto ay hindi ito nagsasawang dalhan siya ng ulam at kulitin. Dumating pa nga sa punto na kunwari ay magpapaturo ito ng isang subject para lang mas mapalapit sa kaniya. Adrian is quite a catch. With his serious look, maraming nagkakagusto rito kahit noon pa mang college sila. Siya na lang nga yata sa angkan ni Eba ang walang feelings sa lalaki, eh. They were never romantically involved although she knows that he likes her more than a friend. Well, yes, she was already cold back in college and perhaps, isa iyon sa dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkalakas-loob na taluhin siya ng kaibigan. Alam kasi nito na allergic siya sa salitang ‘love’. “Nakausap mo na ba si Smith?” agad nitong pabulong na tanong sa kaniya. Hinipan niya muna ang kaniyang kape bago bahagyang humigop. She liked her coffee as hot as possible. Iyon tipong nakakapaso ng dila. Oo, may pagkamasokista talaga siguro siya. “I asked Mayuree to call him. By the way, bakit hindi n’yo ako tinawagan kahapon? I could have done something to convince him to stay,” may pagkainis na tanong niya rito. “Donovan told me so. Ayaw ka raw niyang maistorbo lalo’t first day off mo kahapon in the past four weeks,” sagot nito ngunit parang mas gusto niyang paniwalaan na planado na talaga ito ng matanda. “Ahm by the way, remember the email I forwarded to you last week from an ex-employee? Are you sure na wala kayong nare-receive na iba pa even through the career’s email or reservation?” May pagdududa sa kaniyang mga mata. Kumunot-noo ito saka umiling. “Wala naman, bakit?” tanong nito. “How come sa akin sila nagpapadala ng email?” usal niya sa sarili na nasambit pala niya. “You received another email?” nanlalaki ang mga matang tanong nito. Bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. Well, he should be because the email she forwarded him was a threatening one. Thank God, they settled it with the ex-employee before he became ballistic. Tumango siya then shrugged it off. “Let it be. I’ll handle it,” pagbabalewala niya saka muling humigop ng kape. The email she received today is more alarming… Kumuha rin ng kape ang binata bago sila magkasabay na naglakad pabalik sa long table. “I’ll excuse myself now, I still have some meetings to attend to at the main office,” narinig nilang paalam ni Donovan bago ito tumayo. Ngumiti pa ito at lumapit sa kanila ni Adrian. “Just be patient with Zack, Hannah. He’s good and I am sure na magkakasundo rin kayo. I’m counting on you, all right?” anito sa kaniya bago siya kinamayan at tumango kay Adrian. “I’ll go ahead,” tuluyang paalam nito. Nakita pa niyang sumabay rito ang ilang department heads palabas ng restaurant. Napili nila ni Adrian na umupo muna sa pandalawahang upuan na lamesa sa may gilid ng restaurant para ubusin ang kape nila at pag-usapan ang tungkol sa nangyari kahapon. “You’ve got your hands full, Hannah. I heard that he is quite different from Zion,” saad ni Adrian habang matamang nakatingin kay Zack na noo’y masayang nakikipag-usap kina Samantha, isa sa mga Restaurant Manager at Dreska, ang Guest Relations Manager. Si Zion ang panganay na kapatid nito at siyang kasalukuyang General Manager ng DC Grand Hotel. Tinapunan niya lang ng isang sulyap ang lalaki na nagkataon naman na gumawi rin ng tingin sa kaniya. Ngumiti ito sa kanila at kumaway, mukhang hindi pa nakuntento at kinindatan pa siya. Nagtiim siya ng bagang dahil sa pagkainis na unti-unti na namang namumuo sa dibdib niya para rito. “Adrian, I think, I will be in jail in the coming days. Ikaw na ang bahalang humanap ng abogado ko dahil siguradong masasaktan ko ang lalaking ‘yan!” iritableng wika niya bago wala sa loob na nakuyom ang kamao. “Chill, Hannah. Let’s just finish this and let’s go to my office. I need you to review and sign his contract,” natatawang pigil ng kaibigan niya. “I am not signing anything since hindi naman ako ang nag-interview sa kaniya. I’m sure Donovan already discussed with you his benefits and salary, so it means that I don’t have anything to do with his contract,” malamig na saad niya bago inubos ang laman na kape ng tasa niya. “You have no choice, Hannah. Donovan already made up his mind at alam mo naman na kahit ano pa ang gawin mo, nothing will change,” nakalabing wika ng kaibigan niya na inubos na rin ang kape at nauna nang tumayo. “Let’s talk about this matter at my office,” yaya sa kaniya nito at hinintay siyang tumayo bago umagapay sa kaniya sa paglalakad. Hindi pa sila nakakarating sa elevator ay narinig nila ang tunog ng sapatos ni Zack at humahangos na sumunod sa kanila. “Hey, wait up!” anito na hindi naman niya pinakinggan at nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad habang si Adrian naman ay bahagyang tumigil at hinintay ang palapit na lalaki. “You should have told me that you’re going. ‘Di ba sabi ni Daddy ikaw ang magte-train sa akin, so you’d better take care of me,” humihingal pa rin ito sa pagsasalita at bahagya pang inihawak ang kamay sa balikat ni Adrian na noon ay pigil ang ngiti. Pinindot niya ang buton ng elevator bago hinarap si Zack. “Do I look like I care? Besides, I think, you already know my reputation here and if I were you, I will be very careful. Kung gusto mong maglaro, this is not the place for you, pumunta ka roon sa playground at makipaglaro sa mga three years old,” mataray niyang hirit habang nakataas ang mga kilay at nakahalukipkip. Tumuwid sa pagtayo ang lalaki bago sinalubong ang kaniyang mga tingin na animo’y pinag-aaralan ang kaniyang buong mukha. “You looked familiar…” pagkuwa’y seryosong bigkas nito. Nauna na siyang pumasok sa loob ng elevator habang si Adrian naman ang pumindot ng buton ng elevator pababa sa administrative floor. “Have you two met somewhere before?” tila sumasakay naman na tanong ni Adrian habang pigil ang ngiti at pinagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. “I’ve never been in a mental institution, so, it’s impossible,” sagot niya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki na noon ay amused na nakatitig sa kaniya. “No, really? I think, we’ve met before,” patuloy nito na bahagya pang itinaas ang sulok ng labi. Awtomatikong dumako ang matalas niyang tingin sa nang-aasar na lalaki and released a deep sigh. “Ah, now I remember!” Ipinitik pa nito ang mga daliri na para bang totoong natutuwa na naalala nito kung saan sila nagkita bago pinalagkit ang pagtingin direkta sa kaniyang mga mata. Pinukulan niya ito ng nagbabantang tingin habang si Adrian naman ay aliw na aliw sa pagpapalitan nilang dalawa ng tingin. “I had a nightmare recently na nasa impiyerno raw ako at natatandaan ko na ikaw ang nakita ko,” pauna nito bago bahagyang tumingin sa likod niya, “Nasaan ang tinidor mo?” dugtong nito na sinundan nang malakas na pagtawa. Hindi na rin napigilan ni Adrian ang pagtawa bago mabilis na pinigilan ang sarili nang lumipad ang naniningkit niyang mata rito. “Funny?” Agad nitong itinikom ang bibig saka tinapik si Zack at minuwestrahan na tumigil na dahil kulang na lang ay may lumabas nang usok sa ilong at tainga niya sa namumuong poot. “Madali lang naman akong kausap. If you want hell, I’ll give you one,” aniya bago inilipat ang tingin sa kaibigan na noon ay umiwas na rin ng tingin sa kaniya. “Nakakatuwa ba talaga, Adrian? I-hire mo siyang clown para sa next Staff Party natin para naman makatipid tayo,” aniya bago naunang lumabas nang bumukas ang elevator sa floor ng administrative offices. “Hannah, let’s go to my office first,” yaya ni Adrian nang makita na nagdire-diretso siya sa paglalakad sa kabilang hallway papunta sa opisina niya imbis na pumunta sa Human Resources Office. “I’ll just grab my fork and make this guy’s life a living hell as per his request,” sinipat niya pa nang bahagya ang sumusunod na si Zack bago tumingin kay Adrian na noon ay napakamot na lang sa batok. “Goodluck!” pakli ni Adrian kay Zack nang lumingon ito sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD