MULING ipinilig ni Hannah ang ulo niya nang bahagyang dumistansya sa kaniya si Zack saka siya binigyang nang nakakalokong ngiti. Kinurot niya ang sariling braso. Bakit nga ba siya ulit nandoon sa kuwarto nito? Humakbang ito pabalik sa kama nito para ayusin ang pinaghigaan at saka inipon ang mga magazine na nagkalat sa ibabaw niyon. Tila nakuryente naman niyang nabitiwan ang hawak na magazine nang muli siyang mapatingin sa hawak na ikinangiti ni Zack pagkuwa’y umiling ito habang nakaangat ang gilid ng labi. Ibinalik nito ang atensyon sa ginagawa saka nagsalita. “I’m sorry, it’s past eight na pala. Umaga na kasi ako nakatulog kaya—” Tumikhim siya para putulin ang sinasabi nito habang patuloy pa rin ito sa ginagawa. “Why did you do that?” diretsang tanong niya. Sa pagkakataong iyon ay bu

