CHAPTER 11.1 - THE MORNING AFTER

1533 Words

 HALOS mapatalon sa gulat si Hannah nang tumunog ang telepono niya. Bagama’t nasa loob ng bag niya ang cellphone ay nabulabog pa rin nito ang mahimbing na pagtulog niya. Paano ba naman kasing hindi siya masasarapan sa pagtulog? The room was cold and the aroma of the vanilla seems inviting her to cuddle the pillow beside her more. ‘Vanilla?’ Bigla siyang napabangon at iginala ang mata sa kuwarto. Saka niya na-realize na wala siya sa bahay niya. Muli siyang natauhan nang muling marinig ang pag-ring ng phone niya na sandali lang tumigil kanina. Dumukwang siya at inabot ang bag niyang nakapatong sa bed side table at saka kinuha sa loob ang cellphone niya. Inalis muna niya ang bikig sa lalamunan niya bago sinagot ang long distance call ni Alex. “Yes?” may tigas at awtoridad na sagot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD