NAMUMULA sa inis na tinalikuran ni Hannah si Zack at nagmartsa papunta sa kuwartong inookopa. Mangani-ngani niyang sabunutan ang lalaki kanina. It was so obvious by his looks na kung baga sa kriminal ay natiklo ito ng pulis. That could be one of his woman who warms him in his bed… or whatever! She heaved a sigh. Mabilis niyang inayos ang kuwarto at kinuha ang gamit. Bahagya lang niyang inayos ang kama at saka lumabas na ng silid. Kahit paano, ayaw niya rin namang mapahamak ang binata dahil bali-baliktarin man ang pagkakataon, tinulungan pa rin siya nito na makatakas sa mga may masamang balak sa kaniya. Pinatay niya na ang ilaw sa kuwarto saka isinarado ang pintuan bago mabilis na binuksan ang mga pintuan sa hallway at hinanap ang hagdan papanhik sa attic. Muntik pa siyang mapasigaw nang

