HINDI malaman ni Zack kung ano ang gagawin nang marinig ang pagsarado ng gate. “What the…” bulalas niya saka mabilis na nagtungo sa may bintana. “Oh, s**t!” bulalas niya nang makumpirma ang hinala saka mabilis na lumapit kay Hannah na noon ay nakabusangot na at iiling-iling habang nakatingin sa kaniya. “I’m sorry, Hannah, but can you get your things from the guestroom and go up at the attic? Mamaya na ako mag-e-explain,” kinakabahang utos niya rito saka ito iginiya sa puno ng hagdan para umakyat. Tinaasan siya ng kilay ng dalaga. “You’re kidding, right?” Umiling siya saka lumunok ng laway. “I don’t know where the hell is the way to the attic!” inis na wika nito. “Okay, okay. Just go upstairs, I’ll go up in a bit,” taboy niya rito. “Fine!” She rolled her eyes then went upstairs. M

