TAHIMIK na nagsalo sa late dinner sina Zack at Hannah. Ramdam nila pareho ang tensyon sa pagitan nilang dalawa dahil kahit hindi masyadong malakas ay bukod-tanging ang ingay lamang mula sa labas at kalapit-bar sa Khao San Road ang maririnig sa loob ng bahay. Pagkaraan nang ilang nakabibinging sandali ay tumikhim si Zack. Maang na tumingin sa kaniya ang dalaga habang ngumunguya. “So, what’s your plan?” tanong niya kay Hannah bago siya kaswal na sumubo. Uminom ng tubig ang dalaga saka bumaling sa kaniya. “Do I really have to answer that?” walang emosyon na tanong nito. Ipinaglihi nga yata talaga ang babae sa sama ng loob, sa isip-isip niya. Pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila kanina, heto at nagbalik sa pagiging tigre! Napailing na lang siya saka ibinalik ang atensyon sa pagk

