“IS THIS how you treat your guest?” himig-disappointed na tanong ni Hannah sa kaharap na si Zack. Isinuklay ng binata ang mga daliri sa buhok nito bago humugot ng hangin sa dibdib. And with that gesture, muling nabuhay ang paghanga niya sa taglay na kakisigan ng binata. “I was just got carried away, Hannah…” pag-amin nito bago mataman na tumitig sa kaniya. “Damn, Hannah! You’re so…” Panandalian itong tumigil na wari’y tinitimbang ang sasabihin habang nakatitig sa kaniya. “What?” mataray niyang tanong. “Hot!” anas nito. “There, I finally said it!” naiiling na patuloy nito na tila ba nakahinga nang maluwag nang masabi kung ano ang nasa dibdib. She chuckled then shook her head. “Pasalamat ka at may utang na loob ako sa iyo dahil kung hindi, kanina ka pa nanghiram ng mukha sa aso!” si

