CHAPTER 3: A GANGSTER LAIR

1107 Words
Tahimik sa cafeteria ngayon, siguro ay dahil alangang oras at may mga klase pa ang karamihan. Isang subject na lang at tapos na ang klase namin sa araw na ito pero parang sobrang bagal ng oras sa tuwing maaalala ko ang nangyari kanina. I wanted to go home since I couldn't help but feel embarrassed about my demeanor in front of Lance. Did I just really assume things? What the hell is wrong with me, kailan pa ako naging assuming? I can easily move on from it, pero imposibleng mangyari iyon ngayon kasi for sure ay iinisin ako lalo ni Lance. Parang tuwa’ng tuwa s’ya na alam n’ya ang nagawa ko while Tyler didn't seem to notice because he was simply staring behind me, oblivious with what was going on around him. “Nadz! Bakit basta basta ka na lang umalis? Kinausap ko lang saglit yung President sa kabilang section pero pagbalik ko ay naka-alis ka na raw.” Inabot ko mula sa tindera ang order ko’ng pasta at juice at ipinatong ito sa pinakamalapit na table. Bahagya pa ako’ng tumingin sa paligid dahil napansin ko’ng mag-isa lang si Chesca. “Ikaw lang?” Tanong ko sa kan’ya at uminom ng juice. “Ah, si Lance ba ang hinahanap mo?” Nasamid ako dahil sa tanong n’ya. “What the hell, Chesca! Bakit ko naman hahanapin ‘yon?” “Nasa kan’ya kaya ang bag mo. Ayieehhh, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Dahil sa sinabi n’ya ay narealize ko na hindi ko nga pala nakuha ang bag ko at basta na lang ako umalis. Oh my god! Hindi pa pala ako nakakapagbayad kasi wala sa akin ang wallet ko. “Chesca, dala mo ba ang wallet mo?” Humiram muna ako ng pera pambayad sa inorder ko at humingi ng sorry sa tindera. Umorder na rin ng sa kan’ya si Chesca. Bakit ko ba kasi nakalimutan na hindi ko pa nababayadan ang inorder ko? It feels like this day is a whole disaster at kasalanan yun nang lalaking nakangiting papalapit sa akin. He seems cocky and arrogant with his smile, and my blood began to boil as soon as he waved my bag. “Ayan na pala sina Lance eh.” Agad ko’ng sinamaan ng tingin si Chesca dahil sa nanunukso n’yang ngiti. Itinataas-taas n’ya pa ang kan’yang mga kilay. “Guys, Here!” Pagtawag n’ya sa mga ito. Hindi na lang ako lumingon at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Kahit nagugutom ay binagalan ko ang pagkain para lang hindi mapunta sa kanila ang atensyon ko. Pero dahil kay Chesca ay mukhang malabo na ito’ng mangyari. “Hindi ko pa nga pala kayo naiipakilala sa isa’t isa. Nadz, Ito si Stephen, Xander, Steve, Tyler and Lance. Guys, si Nadz.” Tumango lang ako sa kanila at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. “Mukhang hindi kami gusto ng kaibigan mo Chesca.” Napahigpit ang hawak ko sa tinidor dahil sa sinabi ni Lance. Talagang sinasagad n’ya ang pasensya ko. I'm sure he feels my annoyance with him, and he's delighted to see that I'm affected. “Ano ka ba Lance, nagugutom lang si Nadz kaya gan’yan. Ayan nga oh! Dala mo pa ang bag n’ya.” Sinamaan ko ng tingin si Chesca dahil sa sinabi n’ya pero nginitian n’ya lang ako. Bakit ko nga ba ulit naging kaibigan ang babae na ‘to? “You looks familiar.” Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Sino nga ang lalaki na ito? He has a deep voice that complements his strong yet mysterious features. His eyes are dark and filled with curiosity. “Saan mo naman makikita si Nadz? Ang mga ganitong mukha ay minsan mo lang makikita sa labas ng Academy.” Napangiwi lang ako sa narinig. "And you aren't. Perhaps you're mistaken." “Dude, Saan mo naman makikita si Nadz? Ngayon ko nga lang sila nakilala ni Chesca eh.” Segunda naman ng kaibigan nitong nagngangalang Xander. He has deep black hair and he appears friendly since he seems to be smiling all the time with his squinty eyes. “I think sa J-Venile ko s’ya nakita.” Nabitawan ko ang hawak ko’ng tinidor at gulat na napatingin sa kan’ya. Kaagad ko namang inalis ang emosyon sa aking mata at muli ko’ng tiningnan ang kan’yang mukha, pero kahit saang anggulo ko siya pagmasdan ay wala talagang pamilyar na mukha ang nakikita ko sa kan’ya. Tsk’ maybe a lower class. “Saan ba ‘yang J-Venile? Ngayon ko lang narinig ang lugar na ‘yan.” Nagpapanggap na tanong ni Chesca. Kahit s’ya ay hindi na rin mapakali. If they knew the J-Venile, then they must also knew what J-Venile is. Kaya walang masyadong nagsasalita ng tungkol dito sa public ay dahil hindi ito para sa lahat. “A gangster lair.” Hindi n’ya inalis ang tingin sa akin. Inaasahan n’ya ba na may magbabago sa reaksyon ko? Dream on. Malamig ko s’yang tiningnan sa mga mata. Gusto ko’ng isipin n’ya na maaaring tama s’ya, pero hindi ako gagawa ng paraan para mapatunayan ito. Hahayaan ko s’yang mabaliw sa kaiisip. I will never feed his curiosity. “Steve, minsan ka na nga lang magsalita pero kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig mo.” Nakita ko pa na bumulong sa kan’ya si Tyler. Mukhang pinagsasabihan s’ya. “Ano ba ‘yan Steve. Mukha ba’ng Gangster si Nadz?” Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagsipa sa akin ni Chesca sa ilalim ng lamesa kaya tinaasan ko lang s’ya ng kilay. Bakit ba ang obvious nya? Mas nagmumukha lang s’yang defensive. “All right! Kumain na tayo kasi may next class pa.” “Tsk’ I never said she’s a gangster.” Bahagya ako’ng napangiti sa narinig. Totoo naman ang sinabi n’ya, pero yun nga lang, wala s’yang ebidensya. And who knows if he just sees me as a suspicious person and is just testing me whether I'm a member of the organization. I just cannot take the risk of disclosing information, especially to people at a lower level. J-Venile is indeed a gangster lair. It is an organization made up of many powerful clans that maintains social stability, and it t acts as the government for the rich people. They defend the members' rights, defend them against external adversaries, manage their finances, and supply utility products. The only distinction is that it is exclusively available to association members. Everyone who is aware of the existence of the organization wants to be part of it. But they can't. You cannot choose to be a member of the organization; rather, the organization will choose you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD