Chapter 4

2609 Words
"What happened? You can tell me." Sabi ni Axel matapos niyang punasan ang malagkit kong mukha. Naikwento niya rin na napadaan lang daw siya dito sa amin kasi tuwing umaga raw ay nakakagawian niya nang mag-bike bilang exercise. At nagkataon din na sa kabilang kanto lang namin ang bahay nila kaya siya napadpad sa lugar namin. "Family problem," palusot ko. Sa totoo lang, ayokong sa 'kin mismo manggaling iyong tungkol sa balak na pakikipagbalikan ni Naomi kay Axel. Dapat si Naomi ang magsabi no'n hindi ako kaya mas minabuti 'kong huwag nang i-open kay Axel ang kung anong napag-usapan namin ni Naomi. "May maitutulong ba 'ko?" "Kaya na namin iyong i-solve. Hindi mo na kailangang tulungan kami, nakakahiya." Sabi ko. "Tyaka pwede bang huwag kang ganyan kabait sa 'kin? Baka kasi masanay ako na ganyan ka at lagi kang nasa tabi ko, tapos biglang isang araw mawawala ka na lang." Sabi ko tsaka umiwas ng tingin. "Ayoko na kasing maiwan ulit." "Who told you I will leave you?" napabalik ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon. "It might be weird, pero naramdaman ko na lang na magaan ang pakiramdam ko sa 'yo that's why I keep on tailing you." Hala, bakit naman gumaan ang pakiramdam niya sa 'kin? Dahil ba sinilip ko siya na tumutugtog noon, gumaan na ang pakiramdam niya sa 'kin? Talagang ang weird no'n. "Baka naguguluhan ka lang sa dami ng pangyayari ngayon. Mabuti siguro kung pag-isipan mo muna nang mabuti 'yong mga sasabihin mo sa isang tao, para hindi umasa 'yong tao na 'yon sa sinabi mo tapos hindi mo naman pala gagawin." Tumayo na 'ko at nagpaalam sa kaniyang uuwi na. Siguro ang rude ng dating ko dahil sa sinabi ko, pero siguro maigi na rin iyon. Baka sakaling sa sinabi ko na 'yon ay layuan na niya 'ko. Edi natapos din ang problema ko, 'di ba? Baka sakaling hindi na ako ang sisihin ni Naomi na nagpakalat ng picture niya kapag nilayuan ko na talaga si Axel. Although literal na magiging mahirap talaga para sa 'kin na layuan si Axel kasi kahit sa maikling panahon na nagka-bonding kami ay napalapit na rin ang loob ko sa kaniya. Pero ayon nga, kailangan kong tanggapin na hanggang doon lang kami, at hindi na 'yon lalagpas pa roon. --- "Ano? Ginawa niya sa 'yo 'yon? At pinagbantaan ka pa talaga?! Hay nako, Bri! Sana kasi isinama mo 'ko para naman may resbak ka! Kung nagkataon lang talaga na kasama mo 'ko, sa kaniya ko ibubuhos iyong softdrinks niya!" gigil na gigil na sabi ni Mia pagkatapos kong ikwento 'yong nangyari kanina. Hindi naman na 'ko nagulat sa reaksyon niya dahil sanay na 'ko sa kaniya. Ang iniisip ko na lang talaga ngayon ay kung paano 'ko iiwasan si Axel? "Edi gagawin mo talaga ang gusto ng gaga na 'yon? Iiwasan mo si Axel para lang doon? Isipin mo munang mabuti 'yang gagawin mo, Bri." "Ano bang dapat kong gawin? Naguguluhan na rin ako kung ano bang mas tamang gawin, e." "Una sa lahat, bakit mo susundin ang babaeng iyon? Magulang mo ba siya para sundin mo? Pinapakain ka ba niya nang tatlong beses sa isang araw para sundin mo?" aniya. "Tyaka sa bibig na niya mismo nanggaling na ex lang siya. Wala na siyang karapatan na bakuran si Axel kasi nga wala nang sila. Duda rin ako na makikipagbalikan si Axel sa isang babaeng hindi na virgin, 'no!" "Kung mahal naman ni Axel iyong babae, kahit hindi na 'yon virgin, e babalikan niya pa rin iyon." Sabi ko. "E ang tanong nga, mahal pa ba siya ni Axel? O minahal man lang ba siya? Ewan ko ah, pero baka si Naomi 'yong ikinwento ni Axel sa 'tin na naging ex niya raw tapos engaged na?" "No'ng una, naisip ko rin iyan. Pero kasi hindi naman engaged si Naomi, nabuntis lang siya." "Ahh basta, ang importante ay ex lang siya ni Axel. Tapos ang usapan. At ang mga ex na naghahabol sa ex ay wala nang karapatan na ipagdamot sa iba 'yong ex nila kasi ex na nga, 'di ba? Mag move-on na lang siya, natuwa pa 'ko sa kaniya." "Hindi ako lalayo kay Axel?" "Brianna naman, ang tali-talino mo pero bakit ang slow mo pagdating sa ganitong bagay?" may halong inis na sabi niya. "Hindi mo lalayuan si Axel, okay? Hindi naman habambuhay ay susunod ka na lang sa order ng iba. Paano kung mali at hindi na makatarungan iyong ipinapagawa nila sa 'yo, susundin mo pa rin ba? Kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng utak para mag-isip!" "Sinasabi mo bang bobo ako?" reklamo ko. "Ayokong isipin na oo, pero parang oo talaga." Aniya tsaka umirap. "Commonsense lang naman kasi, Brianna. Wala ba sa lahi niyo ang may commonsense kaya ka ganyan?" "Mia, umuwi ka na lang. Gusto ko pang matulog." Blanko kong sabi at nahiga na sa kama ko. "Inip na inip nga 'ko sa bahay kaya nga 'ko nagpunta rito. Tapos ano, tutulugan mo lang ako?" "Edi mag-date kayo ni Migs," inaantok na sabi ko. "Break na kami," Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya. Unexpected bad news, ah? "Bakit?" "T-in-wo time niya 'ko, Bri. Bago niya pala 'ko maging girlfriend, mayroon na siyang girlfriend. Bale, ako 'yong kabit." Natatawa niyang sabi pero alam kong itinatago niya lang ang sakit na nararamdaman niya. "Botong-boto pa naman ako kay Migs kasi akala ko matinong lalaki. Umabot pa nga kayo ng isang taon, 'di ba? Tapos ngayon mo pa 'to malalaman? Nakaka-disappoint siya, sa totoo lang." "Grabe talaga iyak ko kagabi, magdamag akong gising kakaiyak sa kaniya at sa break-up naming dalawa. Hindi ko talaga kinaya, Bri. Gustong-gusto kitang tawagan at kausapin pero hindi 'ko magawa kasi alam kong busy ka na ginagawa 'yong journal entry. Ako na nga 'tong kokopya ng sagot, iistorbohin pa kita. Ang bastos ko naman kung itinuloy ko, 'di ba?" Lumapit ako sa kaniya at mahina siyang tinuktukan sa noo. "Ano naman kung busy ako? Pwede mo naman akong istorbohin anytime, basta mahalaga 'yang emergency. Okay lang na sana inistorbo mo 'ko kaysa naman dinamdam mo nang mag-isa 'yang problema mo. Sinalo mo lahat nang hindi kita dinadamayan." "Alam mo, paiyak na 'ko. Pero dahil nanermon ka na naman, nakalimutan ko nang umiyak. Thank you, Bri." At niyakap niya 'ko. Napaka abnormal talaga nito. Heart-broken na nga, nagawa pang magbiro. "Okay lang kung ngayon mo 'yan ilalabas, handa akong makinig sa 'yo." "Too late for that, Bri. Nailabas ko na lahat kagabi." Seryosong sabi niya tsaka 'ko tiningnan. "At kilala mo naman ako, 'di ba? Ako 'yong tipo ng babae na isang beses lang iiyak pero itotodo ko na, para kinabukasan ubos na 'yong bigat ng nararamdaman ko. Hindi naman kasi siya worth it na iyakan nang isang buwan o isang taon. Kung kaya niyang gawin sa 'kin iyon, pwes kaya 'ko siyang kalimutan nang mas mabilis pa sa isang kisap-mata. Mabuti na rin na nalaman ko kaagad ang tungkol doon at hindi na kami umabot pa ng two years bago ko 'yon nalaman. Habang mas tumatagal kasi ang relasyon namin na peke lang naman ang feelings niya para sa 'kin, mas masakit at mas mahirap kalimutan." Ngumiti ako, "Alam mo naiinggit ako sa 'yo. Kasi nagagawa mong maka move-on agad sa isang tao, habang ako, ang tagal na no'ng nangyari 'yon pero hindi pa rin ako totally moved on. Hanga ako sa kakayahan mong iyan, at masaya 'ko na natutunan mo na 'yong dapat mong matutunan sa naging relasyon niyo ni Migs." "Ginagamit ko kasi ang utak ko, iyon lang ang sikreto ko. Ikaw kasi ginagamit mo lang iyang utak mo sa academics, hindi sa personal na buhay. Hay nako, Brianna." Umiirap niyang tugon. Napasimangot naman ako sa sinabi niya at bahagyang uminit ang ulo ko. "Dumidilim ang paningin ko sa 'yo, Mia." "Share mo lang---" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang hampasin ko siya ng unan sa mukha na ikinatawa ko. Naggantihan lang kami ng hampas habang tumatawa hanggang sa mapagod kami sa ginagawa naming iyon. Para kaming bata. "Brianna, Mia, lumabas na kayo rito at kakain na tayo ng tanghalian!" dinig kong tawag sa 'min ni Nanay kaya naman nag-uunahan kaming lumabas ni Mia patungong kusina. Expected naman na ang nakahain sa aming lamesa ay mga ulam na afford lang ng bulsa ng aming pamilya. Mayroong ginisang kamatis, tuyo at tatlong itlog na nilaga. Though mula sa mayamang pamilya si Mia, nakikikain pa rin siya sa 'min at hindi siya maarte sa pagkain na kinakain ng mga kagaya namin. Mas malakas pa nga siyang kumain kaysa sa 'kin lalo na kapag may ulam na tuyo na nakahain sa hapag-kainan. Minsan nakaka tatlong ulit siya ng kain, at mukhang mangyayari 'yon ulit ngayon. "Brianna, aalis ako pagkatapos kumain. Huwag mong iiwan mag-isa sa bahay ang kapatid mo, ha?" "Samahan ko na rin po si Brianna dito para hindi mainip itong dalaga niyo at gumala kung saan-saan. Ayos ba, Tita?" "Nako, sabihin mo sa 'kin kung may tinatagpo na 'yan, ha? Kikilatisin ko muna nang maigi bago 'ko 'yon payagan na ligawan ang anak ko." Sabi ni Nanay. Jusko, naniwala talaga siya rito kay Mia. "Wala naman akong tinatagpo---" "Akong bahala, Tita. One of these days, dadalhin ko siya rito para ipakilala sa inyo. Feeling ko naman ay magugustuhan niyo siya." Sagot ni Mia at kumindat pa talaga kay Nanay. "Umayos ka, Mia. Baka umasa talaga 'yang si Nanay na may ipapakilala talaga 'ko sa kaniya!" bulong ko rito. "Yieee, sa wakas may dadalhin nang lalaki si Ate rito!" natutuwang sabi naman ng kapatid kong si Alena. "Alena, magtigil ka nga! Biro lang ng Ate Mia mo 'yon---" "Ang denial ng anak mo, Tita, oh!" natatawang sabi pa ni Mia. "Nako, kumain na lang kayo. Basta kapag pwede na, dalhin mo siya rito sa bahay, anak. Para naman makilala ko." Sabi ni Nanay habang nakangiti. Mukhang sineryoso talaga ni Nanay iyong sinabi ni Mia. Hay nako talaga. --- Kinabukasan ay maaga 'kong pumasok para tapusin na i-rewrite sa journal ko 'yong journal entry na pinaghirapan kong tapusin no'ng nakaraang gabi. First subject kasi at ipapasa 'to kaagad kaya inagahan ko na lang ang pasok para doon na lang gawin. Kagaya ko ay gano'n din ang ginagawa ng mga kaklase ko. Tipong papasok lang sila nang maaga para gumawa ng assignment at maipasa 'to on time. Mga usual classroom set-up na sanay na sanay na 'kong makita. Ilang sandali lang ay nagdatingan na rin ang iba kong mga kaklase hanggang sa dumating na rin ang Prof namin sa subject na 'yon. As usual, ipinapasa niya muna sa 'min iyong gawain bago siya nag-open ng another discussion. Napansin kong walang laman ang upuan na nasa tabi ko, wala si Axel. Late kaya siya or absent talaga? Sana naman walang kinalaman dito 'yong naging pag-uusap namin kahapon. Sana hindi niya minasama 'yong mga sinabi ko. Ayokong isipin na posible 'yong dahilan kung bakit siya absent pero wala e, kusang naiisip ng isip ko at hindi 'ko ito mapigilan. Natapos ang klase na lutang ang isip ko tungkol sa bagay na 'yon. Walang ibang laman ang isip ko kundi mga posibleng dahilan kung bakit absent si Axel. Oo, puro si Axel lang ang iniisip ko, at hindi  na maganda 'tong nararamdaman ko. "May pupuntahan lang ako," paalam ko kay Mia na abala ngayong kumokopya ng lecture na nakasulat sa white board. Tinanguan niya naman ako bilang sagot at lumabas na 'ko ng classroom. Sa totoo lang, wala naman talaga 'kong pupuntahan. Gusto ko lang talaga lumabas para makapagpahangin at makapaglakad-lakad. Habang naglalakad ay dinala 'ko ng paa 'ko sa tapat ng Music Room kung saan una 'kong nakita si Axel. Pero ang kaibahan noon sa ngayon ay walang laman ang Music Room at walang tao na tumutugtog doon. Pumasok ako rito since pwede namang pumasok ang mga estudyante rito sa campus. Nadatnan ko ang iba't ibang mga musical instruments at mayroong mini stage sa gitna kung saan pwedeng gawing practice stage para sa kakanta or tutugtog. Lumapit ako sa nakita kong mic sa may mini stage at sa lyrics stand nito ay nakita ko ang isang piece of white paper. Naka-print dito ang isang lyrics ng kanta na sikat na sikat ngayon, composed by Ed Sheeran. Dahil wala namang tao ay g-in-rab ko na ang opportunity na 'to para makakanta at ma-i-try kung kaya ko bang kantahin itong piece na 'to. Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favorite song When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath But you heard it, darling, you look perfect tonight Nakapikit pa 'ko niyan habang kumakanta nang mapadilat ako at makitang nasa harapan ko na si Axel habang pinapalakpakan niya 'ko. Dali-dali akong napababa sa mini stage at lumapit ako sa kaniya. "Na-Napakinggan mo ba 'ko?" alangan kong tanong. "I heard you loud and clear," aniya. "And you sang the song beautifully." "Nakakahiya," bulong ko. "Is that your favorite song?" tanong niya. "Hindi naman, pero nagagandahan ako sa kantang iyan kasi punong-puno ng emosyon at napakaganda ng tono nito." Sabi ko. "I see," napapatango niyang sabi. "One of these days, someone will sing that for you." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Sino?" "Wait for that someone to reveal himself." Aniya at nauna na siyang lumabas ng Music Room. Na-confused ako bigla sa sinabi niya. Masyadong malalim ang meaning, baka malunod ako kung iisipin ko pa lalo. --- Breaktime na habang kami ni Mia ay nanatili sa classroom. Si Axel naman ay pumasok na at sinabing na-late lang siya. Umalis din naman siya nang mag-breaktime since sumali siya sa basketball team ng University at kasalukuyang nagte-training sila sa covered court. "Varsity player din si Axel, paano kung katulad rin siya ni Ivan?" natanong ko kay Mia out of the blue. "Then there you have it, you finally admit na na-po-fall ka na nga kay Axel." Nakangisi niyang sabi. "Hindi ah! Hindi pa, at hindi pa 'ko sigurado sa feelings ko para sa kaniya. Tyaka ayoko namang madaliin ang sarili ko, gusto ko slowly but surely." "Naks, careful na siya," "Natuto lang ako from the past," "Well, speaking of "PAST", tingnan mo 'to." Ani Mia at may ipinakita sa 'kin. f*******: post ni Naomi at naka-post doon ang picture nila ni Axel two years ago. "Throwback flex lang, siz?" "Baka ayan na 'yong sinasabi niya sa 'king plano niya para makipagbalikan kay Axel." "Ang cheap naman niya kung gano'n. Magpapansin lang siya sa mga post niya sa f*******:, tapos babalikan na siya?" "Oo nga, e. Tapos kung makapag-flex ng throwback pictures nila, akala mo naman ang ganda niya no'ng time na 'yon. Well, kahit naman ngayon ay hindi siya gumanda." "Tapos---" "Ako man ay duda kung anong nagustuhan dati ni Axel doon kay Naomi e. Halata namang pinagawa lang ang katawan para s-um-exy. Halatang nagpagawa ng ilong para tumangos. Tapos halatang gumamit ng pampaputi para pumuti. Sa itsura niya ngayon, isa siyang ebidensya na mas maganda pa rin ang natural beauty kaysa magpa-plastic surgery." "Teka nga---" "Tapos---" "Teka nga lang sabi!" bulyaw ni Mia sa 'kin. "Nakakapanibago na nakisabay ka sa 'kin ngayon na laitin si Naomi. Anong mayroon, ha? Kailan ka pa natutong manlait?" Maski ako ay napahinto rin sa biglang inasal ko. Ewan ko rin kung paano ko nagawa, basta nagawa ko na lang. Siguro pangganti lang din para sa ginawa niyang pagpapahiya sa 'kin kahapon. Since hindi ako makalaban sa kaniya nang harap-harapan, ganitong style na lang ako babawi. Pft. --- Fourth Sign: Nilalait mo 'yong taong na-li-link sa taong gusto mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD