Chapter 3

2731 Words
Matapos naming kumain ay nagpaalam si Axel na may kailangan daw siyang daanan sa registrar habang kami naman ni Mia ay bumalik na sa classroom. May next class pa kasi kami, from 3 P.M. to 6 P.M. Last subject naman na ‘yon kaya kaunting tiyaga na lang tapos bukas ulit. Hayy, nakakapagod at nakaka-stress talaga maging college student, lalo na kung graduating na. Nang pagpasok namin sa classroom, nagulat kaming parehas ni Mia kung sino ang inabutan namin doon. Ang grupo lang naman ni Naomi. “Akala ko ba drop na ‘yan?” bulong ko kay Mia. “Akala ko rin,” sagot niya. Isa sa kilalang estudyante si Naomi noon dito sa campus, pero nasira ‘yon nang biglang may kumalat na balita tungkol sa kaniya na buntis daw siya. Dahil nga sa issue na kumalat sa kaniya ay mahigit isang taon din siyang hindi nagpakita kaya inisip ng marami pati ng ibang Professors na titigil na siya sa pag-aaral. So kami, inisip namin na drop na siya kaya nakakagulat na makikita namin siya ulit ngayon dito. “Bakit parang gulat na gulat kayong dalawa na makita ‘ko? Hindi ba kayo masaya na makita ‘ko ulit?” tanong niya na halata namang nang-aasar. “Hanggang ngayon ba ay pinagbibintangan mo pa rin si Brianna na siya ang nagpakalat ng issue tungkol sa ‘yo?” ani Mia. Ako kasi ang pinagbintangan noon ni Naomi na nagpakalat ng mga pictures na buntis siya, pero hindi ko naman talaga ginawa ‘yon. May alitan kasi kami noon, tapos nagkataon pa na nakita niya sa mga gamit ko ‘yong copies ng mga pictures na naka-post sa Bulletin Board. “Hindi magsisinungaling ang ebidensya, Mia.” May diin na saad ni Naomi tsaka ‘ko tiningnan nang masama. “Kaya nga ‘ko bumalik dito, para naman makabawi sa ginawa mo sa ‘kin, Brianna. Akala mo siguro ay palalampasin ko nang gano’n lang ang ginawa mo sa ‘kin. Well, nagkakamali ka. Tinuruan ako ng nanay ko na gumanti at huwag magpaapi.” “Please lang, Naomi… Ayoko ng gulo.” Pakiusap ko sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng gulo na ‘to, tatapusin ko lang.” Aniya at lumabas na sa classroom namin. Hindi kasi namin siya ka-course, e. Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at napahilamos sa mukha. Aminado akong kinakabahan ako sa posibleng mangyayari, lalo’t alam ko na nandito na naman si Naomi para sirain ang buhay ko. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag kay Naomi na hindi naman talaga ako ang may gawa no’n. Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na ibinibintang niya sa ‘kin. Kahit na sabihin pang kaaway ko siya, hindi naman ako aabot sa gano’ng punto na maninira ako ng buhay ng iba. “Maging matatag ka lang, Bri. Matatapos din ang lahat ng ito.” “Ano pa bang kailangan kong gawin? Nakuha na nga niya sa akin noon si Ivan, ‘di ba? Ako na nga ‘yong nasaktan kasi mas pinili siya ni Ivan kaysa sa ‘kin. Wala naman akong ginawa sa kaniya, ‘di ba? Nanahimik ako habang nasasaktan nang patago. Pinilit kong tanggapin ang desisyon ni Ivan na piliin si Naomi. Nirespeto ko ‘yon, Mia. Tapos ngayon, ito na namang issue kay Naomi. Kasalanan ko bang nagpabuntis siya kay Ivan at kumalat iyong tungkol doon sa campus? Kasalanan ko ba ‘yon? Bakit kasi ang dali para sa kaniya na husgahan ako? Sana pinag-iisipan niya muna nang mabuti bago siya manisi ng iba. Hindi ‘yong ganyan, nagbabanta na naman siya at delikado na naman ang pag-aaral ko.” “Bri, huwag mo munang isipin ang babaeng iyon, okay? Nandito ako, kung kailangan mo ng tulong, one call away lang ang maganda mong kaibigan na si Mia, okay?” “Ang hirap lang kasi na mapanatag ngayon pa’t bumalik na si Naomi. Wala naman akong dapat katakutan kasi alam kong inosente ako sa ipinagbibintang niya sa ‘kin. Ang ikinakatakot ko lang kasi, e baka madamay na naman iyong pag-aaral. Maisugal ko na naman ang pangarap ko para sa walang kwentang bagay. Ayoko nang maulit iyong nangyari dati, ayokong biguin na naman si Nanay sa pangalawang pagkakataon. This is my last chance para makabawi kaya sana naman huwag iyon sirain ni Naomi.” “Subukan lang ng babae na ‘yon na may gawin siyang hindi maganda sa ‘yo, ako ang makakatapat niya. Huwag ka mag-alala, hindi natin hahayaan na sirain niya ang buhay mo at ang pangarap mo.” Sabi ni Mia. Niyakap ko siya bilang sagot. Sobrang thankful talaga ‘ko sa kaniya kasi dumating siya sa buhay ko. --- Hindi pumasok ang Prof namin para sa araw na ito kaya naman ang iba ‘kong mga kaklase ay nagsiuwian na. Maganda nga namang umuwi ngayon nang maaga para na rin makapagpahinga. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na ring umuwi kaso itong si Mia naman ay isinama pa ‘ko sa lakad nila ni Axel. Oo, close na sila. Madali kasi para kay Mia na makipag-close sa iba, kaya nga marami rin siyang kasundo pero stick-to-one daw siya sa ‘kin. Ako lang daw talaga ang bestfriend niya, the rest close friend lang daw. Ewan ko ba sa babae na ‘yon kung anong kaibahan no’n. At dahil nga nahatak ako nitong si Mia, napadpad kami sa covered court dito sa loob ng campus. Naupo kami ni Mia sa may bleacher habang si Axel naman ay nanatili sa may court at mukhang maglalaro yata siya. Kaya lang ang tanong, bakit kailangang kasama kami ni Mia? Para sa audience impact? “Huwag mo sabihing kaya tayo nandito ay para panoorin siyang maglaro ng basketball?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Mia. Nangingiting napalingon siya sa gawi ko, “Kung ayaw mo siyang panoorin na maglaro, edi samahan mo na lang siyang maglaro doon.” “Ano? Hindi naman ako marunong---“ Naputol ako sa sasabihin ko nang bigla ‘kong itulak ni Mia papunta sa court. Naagaw naman ang pansin ni Axel na abala sa pagdi-dribble ng bola. Nakakahiya tuloy, baka isipin niya, ang papansin ko namang cheerleader. “You wanna play with me?” nakangiti niyang tanong sa ‘kin. Teka, parang bigla kong naalala si Ivan dahil dito. Kasi varsity player din si Ivan, at sa ganto rin nagsimula ang paasang love story namin. Ewan ko ba pero bakit parang nangyayari ulit sa ‘kin ang nangyari na noon? “Hindi, hindi ako marunong---“ “Catch the ball, or the ball will catch you.” Aniya tsaka inihagis sa ‘kin ang bola na hawak niya. Buti na lang kamo ay nasalo ko ‘yong bola, kundi baka kanina pa sabog itong mukha ko. “Hindi nga ‘ko marunong, Axel. Mag-dribble nga hindi ko alaam, mag-shoot pa kaya ng bola.” Nakasimangot na saad ko. Kita ko namang natawa siya sa sinabi ‘ko at dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ‘kin. “That’s why I’m here to guide you.” Aniya tsaka i f-in-old ang manggas ng polo na suot niya. Kinuha niya ang bola sa ‘kin at p-um-westo siya sa may ring. “When you’re going to shoot the ball, sa ring ka dapat titingin hindi sa ‘kin.” Dahil sa sinabi niya ay bigla ‘kong napatingin sa ring. Bwiset na ‘yan, bakit ba niya napansin pa na sa kaniya ‘ko nakatingin? Nakakahiya ka na talaga, Brianna! “Then flex your knees slightly. Flex your knees comfortably so you’re in position to jump as soon as you have the ball.” I b-in-end niya nang kaunti ang tuhod niya at bahagyang tumalon tyaka iniitsa ang bola. Sakto namang pumasok ito sa ring. “Mukhang kahit isandaang beses kong gawin iyong ginawa niya, e hindi ako makakapag-shoot man lang ng bola.” Bulong ko sa sarili. “Now you’re turn.” Aniya at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at pinapwesto ako sa harapan niya habang siya ay nasa likod ko. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinahawak sa akin ang bola na hawak niya. Iginiya niya ang kamay ko na itaas ito, kapantay ng mukha ko. “Flex your knees and jump, Brianna.” Aniya at ginawa ko naman iyon. Pagkahagis sa bola ay tumama lang ito sa gilid ng ring ngunit hindi pumasok. “It’s okay---“ “Teka susubukan ko ulit,” sabi ‘ko at muling ginawa nang paulit-ulit iyong pag-shoot kaso ayaw talagang pumasok. May galit ba sa ‘kin itong ring na ‘to? Twenty times ko nang sinubukan pero ayaw talaga ma-shoot, e. Ginawa ko naman iyong ginawa ni Axel pero bakit kapag ako ang gagawa, e ayaw ma-shoot ng bola? “It’s okay, Brianna. Learning to play basketball is a long-term process. I just taught you the basics, but that doesn’t mean that you should be able to shoot the ball at your first try.” “Nakaka-twenty times ko na ngang sinusubukan na i-shoot, ayaw pa rin. Normal pa ba ‘ko nito?” “Of course, you are.” Aniya tsaka niya ginulo ang buhok ko. Kahit parang aso niyang ginulo ang buhok ko, bakit parang nakaramdam pa rin ako ng kilig? --- Kinabukasan ay nakatanggap kami ng announcement na wala raw klase dahil holiday kaya naman ang saya ko kasi ma-e-extend ang tulog ko. Late na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil may tinapos akong journal entry, and hindi ‘yon madaling gawin kaya inabot na ‘ko nang madaling-araw bago ‘yon natapos. Buong akala ko ay makakapagpahinga na ‘ko kaya lang bigla ‘kong narinig ang bunganga ni Mia na kausap ngayon si Nanay. Mukhang papasok na siya sa kwarto ko kaya naman nagtalukbong ako ng kumot at nagtulug-tulugan. “Tulog ka man o hindi, kailangan mong bumangon diyan!” dinig kong sabi niya at inalis ang kumot na nakatabing sa ‘kin. Inis akong napabangon bago siya harapin, “Ang aga mo namang nanggugulo. Wala nga tayong pasok, pero ito ka naman at nang-iistorbo ng tulog.” “Si Naomi, gusto ka raw niyang kausapin. Nag-text siya sa ‘kin at kitain mo raw siya sa may labasan. Doon sa playground sa may kanto.” Bigla naman akong nagtaka sa sinabi ni Mia. Bakit kaya all of a sudden ay gustong makipag-usap sa ‘kin ni Naomi? “Pupunta ko,” “Sasama ‘ko---“ “Huwag na, Mia. Kaya ‘ko ang sarili. Mag-uusap lang naman kami, at sigurado naman akong walang gulo na mangyayari. Babalitaan na lang kita.” Sabi ko at umalis na ng bahay. Ang paalam ko na lang kay Nanay ay may bibilhin lang ako saglit sa kanto. Hindi naman gano’ng kalayo ang kanto sa bahay namin kaya narating ko kaagad ang lugar na sinasabi ni Mia kung nasaan si Naomi. Nakita ko naman siya kasama si Alexa, isa sa mga kaibigan niya. “I’m glad you came on time,” aniya. “Anong pag-uusapan natin?” Humakbang siya palapit sa ‘kin at ngumisi, “Talaga bang wala kang idea kung tungkol saan ang pag-uusapan natin? You really good at pretending, do you?” “Uulitin ko, wala ‘kong kinalaman sa pagpapakalat ng pictures na ‘yon. Hindi ko rin alam kung paano napunta sa gamit ko ang mga ‘yon, okay? Oo, maaaring may dahilan ako para gawin iyon sa ‘yo, pero sa pagkakakilala mo sa ‘kin, hindi ako ‘yong tipo ng tao na gumagawa ng gano’ng bagay.” “Malay ko ba kung nasa loob ang kulo mo. Tyaka hindi naman tungkol doon ang ipinunta ko rito sa lugar niyong puro squatter.” Aniya tsaka sinenyasan si Alexa. Ipinakita sa ‘kin ni Alexa ang picture na nasa phone niya. “Baka naman itanggi mo pa rin na ikaw iyan? Baka sabihin mong kahawig mo lang, aba bibigyan na talaga kita ng award.” Nakita ko sa picture ang sarili ko kasama si Axel habang nasa covered court kami. Iyan iyong time na tinuturuan niya ‘kong mag-shoot ng bola. “Anong tungkol kay Axel?” “Just to let you know, Axel and I have been on a relationship, before.” Sabi niya na ikinagulat ko. “We just broke up for some important reason, but still I love him and I have plenty of plans to win him back.” “Mukhang hindi pa rin yata niya nage-gets, Naomi.” Dinig kong bulong ni Alexa. “Ang point ko lang, tigilan mo na ang kadidikit kay Axel kung ayaw mo at takot ka na kalabanin ako. Alam mong hindi ako magandang kalaban, Brianna. Hindi mo gugustuhin na kalabanin ako, kasi handa ‘kong gawin ang lahat para lang sirain ang buhay mo. May atraso ka pa nga sa ‘kin, gusto mo pa bang dagdagan?” “Una sa lahat, wala ‘kong balak na agawin si Axel. Hindi ko naman ginusto na maging malapit kami, e. Sa katunayan, siya ang lumalapit sa ‘kin at hindi ako---“ Napatigil ako sa pagsasalita nang ibuhos ni Naomi sa ‘kin ang hawak niyang softdrinks kanina. “I don’t even care kung siya ang lumalapit sa ‘yo. Kung nagpa-function pa rin iyang utak mo, dapat inisip mo na lumayo ka kahit siya na ‘yong lumalapit sa ‘yo. Respeto sa ‘kin, Brianna. Naiintindihan mo?” “Alam mo---“ “Ayoko nang marinig ang sasabihin mo. Iyon lang ang ipinunta ko kaya sana naman nagkakaintindihan tayo. Sana rin ay nakatulong iyang malamig na softdrinks para magising ka sa katotohanan. Halata kasing bagong gising ka kasi may muta ka pa.” At umalis na sila sa lugar na ‘yon. Nanghihinang napaupo ako sa bench na nakita ‘ko at hindi ko na pinagkaabalahang punasan ang mukha ko. May mga taong nakakita sa pangyayari kaya doble ang kahihiyan na natanggap ko. Since nakita naman na nila ‘yong nangyari, ano pang sense na punasan ko ang mukha ko? Kung pupunasan ko ba ‘tong mukha ko, makakalimutan ba ng mga taong nakakita sa pangyayari ang nakita nila? Tahimik na napahagulgol na lamang ako rito. Bukod sa kahihiyang sumalubong sa ‘kin ngayong umaga, medyo nasaktan din ako sa nalaman ko. Nagkataon lang ba talaga ang lahat? Nangyari na ‘to sa ‘kin dati, e. Na-in love ako sa isang lalaki pero hindi ako ang pinili kundi si Naomi. Tapos ngayon malalaman ko na ex pala ni Naomi si Axel, at marahil siya ang tinutukoy ni Axel sa kwento niya noon. Involve na naman kami ni Naomi sa sitwasyong ito, pamilyar sa nangyari noon. At mukhang matatalo ako kung ipagpapatuloy ko ang pagsuong sa gyerang ito. “This is a playground, at hindi burol. Bakit ka umiiyak?” napaangat ang tingin ko nang may magsalita. Si Axel. Iyong tao na gusto ni Naomi na iwasan ko, pero siya rin iyong tao na nandito ngayon sa harapan ko para samahan ako. Paano ako iiwas sa kaniya? “Wala, ah. Hindi ako umiiyak, ‘no!” sabi ko at pinilit ang sarili na tumawa. Nakita ko namang kinuha niya ang bimpo na nasa likod ng bulsa niya at lumapit sa ‘kin para punasan ang malagkit kong mukha. Halos hindi ‘ko maigalaw ang buo ‘kong katawan dahil sa tingin ko, isang maling galaw lang ay may mangyayaring hindi ‘ko kailanman magugustuhan. Kinakabahan ako na ewan, tapos ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Hindi ko ma-explain itong nararamdaman ko. Bakit kasi ganito siya kalapit sa ‘kin? Handa ba siyang isugod ako sa ospital kapag inatake ako sa puso? “Your beauty fades when you’re crying,” aniya tsaka sinuklian ang mga tingin ko sa kaniya. “So keep on smiling. You’re more beautiful when you smile.” --- Third Sign: Kinakabahan ka kapag lumalapit o nagiging malapit siya sa ‘yo. Tipong bumibilis ang t***k ng puso mo na para bang nakasakay ka sa space shuttle nang walang seatbelt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD