Chapter 2

2575 Words
“Uy sis, nabalitaan mo na? Dumating na raw dito ‘yong matagal nang usap-usapan na transfer student! ‘Yong pogi na nakita natin na trending sa page ng campus!” “Oo, actually nakasabay ko nga siya na pumasok sa gate kanina. Muntik pa ‘kong himatayin, kasi totoo pala talagang sobrang gwapo niya!” “Grabe sis, anong course kaya ang kinuha niya? Sana mapunta siya sa HM Department para maging kaklase natin siya, ‘no?” “Hoping, sis.” Napairap na lang ako sa kawalan habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng dalawang makire na ‘yon. Umagang-umaga tapos lalaki ang ginagawang almusal, mabubusog kaya sila n’yan? Tsaka masyado silang hayok sa gwapong lalaki, hindi naman sila kagandahan. Tsk, mas maganda pa ‘ko sa kanila e, mag-ayos lang ako ng kaunti kayang-kaya ko silang talbugan. Kaso ‘yon ang problema, tamad akong mag-ayos. Tyaka hindi rin naman ako gano’ng kagaling pagdating sa ganyan. Marunong naman akong mag make-up pero bukod sa katamaran ko, wala rin akong make-up. Ipambibili ko na lang ng merch ng BTS ang pera ko imbis na make-up, ‘no? Tyaka wala rin akong pakialam sa transfer student na pinagchi-chismis-an nila. Mas worried ako sa nangyari kahapon, na sa tingin ko ay ang pinaka NAKAKAHIYANG bagay na nagawa ‘ko sa buong buhay ko. Flashback: Nakita ‘kong ibinaba niya ang hawak niyang violin sa mesa tyaka siya naglakad papalapit sa ‘kin. Grabe, pati sa paglakad sobrang cool ng dating at mas dumagdag sa appeal niya. Tapos ‘yong mga tingin niya, bakit parang nakakatunaw? “Hi, Miss. What brought you here? May kailangan ka ba sa room na ‘to?” tanong niya. “Ikaw ang kailangan ko,” bulong ko sa sarili. “You need me for what?” nagulat naman ako sa bigla niyang tinanong. Takte, mukhang napalakas yata ang volume ng pagbulong ko. Nakakahiyaaa! “A-Ah, ano...” sabi ‘ko at nag-iisip ng pwedeng palusot. “Kailangan kita para sa research namin. Pwede ka bang maging respondent namin?” “Okay lang naman sa ‘kin. What was your research all about?” tanong niya. Jusko naman, bakit nagtanong ka pa. Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ‘ko alam ang isasagot ko. Wala naman talaga kasi ‘kong isasagot sa kaniya, dahil una sa lahat, wala naman kaming research. Siguro magkakaroon pero hindi pa sa ngayon. Kung bakit ba naman kasi ang tanga ‘ko, ‘yon pa ang naisip kong ipalusot. “Miss---“ “Mauuna na ‘ko, bye!” ang tanging nasabi ko na lang bago nagmamadaling umalis sa lugar na ‘yon. Sobrang pinagsisisihan ko talagang napadpad ako sa lugar na ‘yon at narinig ko pa siyang tumutugtog. Dahil kasi ro’n ay nahuli niya ‘ko at, as in nakakahiya talaga ‘yong ginawa ‘kong pag-alis na lang bigla. Alam kong nakakabastos ‘yon pero sana hindi ko siya nabastos. “Sana hindi na kami magkita ulit,” sabi ko sa sarili bago bumalik ng classroom namin. End of Flashback. Tuwing maalala ‘ko ang pangyayari na ‘yon ay napapapikit na lang ako nang mariin habang iniisip ang katangahan ko na ‘yon. Hay nako, wala pa rin akong pagbabago. Isang taon na ang nakakalipas pero tanga pa rin ako. Itinuon ko na lang sa notebook na nasa armchair ko ang atensyon ko habang naghihintay na dumating ang Prof namin sa subject namin ngayong umaga. Hindi naman kami makapaghuntahan ni Mia kasi magkalayo nga kami ng upuan at malapit na rin mag-start ang klase kaya mamayang breaktime na lang siguro. Ilang sandali lang ay dumating na si Ma’m Joyce, ang Professor namin sa Financial Management. “Pasensya na kung na-late ako ng dating. May inayos lang ako sa registrar,” paumanhin niya. “Anyway, I know that some of you already know that the University accepted couple of transferees for this sem. Though this a bit too risky, lalo na sa mga transferees dahil mahihirapan silang mag-adjust, but still the Head managed to accept them, and we all have to faced the consequences of this, ‘no?” Ito na nga ‘yong sinabi ni Sir Jim kahapon sa amin. Kaya on-hold muna ang OJT namin ay para makapag-adjust iyong mga transfer students. So ibig sabihin, may transfer students sa course namin? “One of those transferees is with me and ready to introduce himself.” Sabi niya at lumabas saglit ng room. Ang mga kaklase ko naman ay kani-kaniya nang bulungan, ang iba pa nga ay kinikilig na ewan. Siguro ay masaya silang may bago na naman kaming kaklase na lalaki. Sa course kasi namin, puro babae kami. 80% are girls and 20% are boys. Ganyan ang population namin dito sa BSA. Ilang sandali lang ay pumasok na sa loob si Ma’m Joyce kasama ang isang lalaki. Tumindig siya at proud na iniharap ang kaninang nakatagilid niyang mukha--- Jusko, totoo ba ‘tong nakikita ko? “Hi everyone, I am Axel Froilan Fontanilla.” Pagpapakilala niya. Nakayuko lamang ako rito sa upuan ko at iniiwasan na makita at makilala niya ‘ko. Hindi pwedeng magkita kami muli, hindi pa ‘ko handang magpaliwanag sa kaniya tungkol sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari. “Take your seat, Axel. Marami namang bakanteng upuan sa may likod,” sabi sa kaniya ni Ma’m Joyce. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko, kinakabahan ako na ewan. Hindi ‘ko maipaliwanag, basta ang gulo. “Can I occupy this chair?” nagulat naman ako sa biglang nagsalita at napaangat ako agad ng ulo upang harapin siya. Omsim. Kung video lang ito na pwedeng i-rewind, please paki-rewind naman. Kaso wala e, nangyari na ang dapat mangyari. Nagkita na naman kaming muli nitong lalaki na magaling mag-violin. “Sure,” sagot ko tsaka mabilis na iniwas ang tingin ko. Goodluck na lang talaga sa buhay ko, sana ay makapag-concentrate pa rin ako sa pakikinig sa discussion. Pero feeling ko mahihirapan ako, may katabi ba naman akong gwapo! “You just left without giving me an answer, how rude.” Dinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kaniya, pero nanatiling nasa harap ang tingin niya. Napakagat ako sa labi, “Late na kasi ‘ko sa klase---“ “How come that you have class, first day pa lang naman. Professors are too busy to compile our requirements on their office, but still you attended class? Sinong Prof ang nagklase agad nang first day pa lang naman ng semester?” Napalunok ako at sandaling walang naitugon sa kaniya. Sa totoo lang, palusot ko lang naman iyon para makatakas sa kaniya. Pero hindi ko agad naisip ang tungkol sa sinabi niya. Ang galing niya sigurong kumilatis ng taong nagsasabi ng totoo sa nagpapalusot lang. “Pasensya ka na talaga sa nangyari kahapon. Hindi ko naman talaga sinasadyang mapadpad roon. Narinig ko kasi na parang may tumutugtog ng violin kaya ayon, napasilip ako sa Music Room at nakita kita. Ang sarap kasing pakinggan ng tinutugtog mo kaya tumambay na ‘ko roon para pakinggan ka. Hindi ko naman akalain na mahuhuli mo ‘kong nakadungaw sa ‘yo roon. Sorry talaga.” Mahabang litanya ko. Natawa naman siya nang bahagya, “Based on your explanation, siguro iniisip mo na galit ako sa ginawa mo.” Aniya. “Actually, I find you cute when I saw you watching me playing the violin. You seem like my audience, and I do really appreciate that.” Para namang nagningning ang mata ‘ko sa sinabi niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ‘ko at feeling ko ay makakahinga na ‘ko nang maluwag, knowing na wala naman pala siyang sama ng loob sa ‘kin. Nginitian ko na lamang siya bilang sagot bago muling nakinig sa discussion. Sapat na sa ‘kin na malamang hindi siya galit sa ‘kin. Sa totoo lang kasi, ayokong magkaroon ng kaaway sa university na ‘to hangga’t maaari. Ayokong maapektuhan ang scholarship ko dahil lang mayroon akong nakaaway kaya ginagawa ko talaga ang best ko na maging mabuting netizen dito. --- Saktong 2 P.M. ay breaktime na namin, kaya itong mga kaklase kong babae ay mga nagsilapit na kay Axel para kausapin at para na rin sa hidden agenda nila. Ganyan ‘yang mga ‘yan. Basta may pogi, lahat gagawin para sa hidden agenda nila. Hay nako, mga kababaihan nga naman sa henerasyon na ‘to, sila na ang sumusuyo sa lalaki; basta pogi ka. Kami naman ni Mia ay lumabas na ng room para kumain. Hindi na ‘ko nagpaalam kay Axel na aalis na ‘ko, kasi una sa lahat, hindi ko naman siya magulang para sa kaniya ‘ko magpaalam. Pangalawa, masyado siyang busy na kausapin ang mga kaklase kong babae kaya sigurado naman akong hindi niya napansin na umalis na ‘ko sa tabi niya. Tyaka hindi naman kami close. Ayoko namang isipin na close na kami kaagad dahil lang sa pag-uusap namin kanina. Baka mamaya isipin niyang feeling close ako, ‘di ba? “Ang gwapo ni Axel, ‘no?” “Pwede na,” sagot ko kay Mia tsaka ngumuya. Grabe talaga gutom na dinanas ko, e. Tatlong sunod-sunod na subject ba naman humarap sa ‘kin, sinong hindi magugutom no’n? “Siya ‘yong sinasabi ko na pogi na naka-post sa page ng Campus---“ “Alam ko, Mia. Lagi niyong bukambibig iyan kaya kahit hindi ko na i-check iyong page, alam kong si Axel nga ‘yon, okay?” Ngumisi siya, “Siguro tuwang-tuwa ‘yang kaluluwa mo kasi sa ‘yo tumabi si Axel, ‘no?” “Masyado mong bini-big deal ang mga bagay-bagay. Hindi ba pwedeng tumabi lang siya sa ‘kin kasi nakita niyang bakante ‘yong upuan na katabi ‘ko?” “Sus, ang daming bakante na upuan, pero bakit iyong sa ‘yo ang napili niya, ha?” Napairap ako, “Ikain mo na lang iyan, Mia. Gutom lang iyan!” “May chemistry---“ “Hey, nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap sa room, nandito ka na pala sa cafeteria.” Nagulat naman ako nang makita si Axel na nakatayo sa harap ng table namin ni Mia. Kita ko pa ang gaga ‘kong kaibigan na ‘kala mo kinikilig na aso. “Breaktime na e, kaya lumabas na kami para kumain.” Sabi ko. “Can I join you?” “Huh---“ “Of course! Take a seat!” sagot ni Mia. Bwiset talaga ‘to kahit kailan, e. Parang kanina lang ay pinag-uusapan namin si Axel tapos ngayon nandito na siya, kasama naming kumakain. “Ang dami nilang tinanong sa ‘kin, e. It seems like I’m on an interview and they throwing some personal questions that shouldn’t be asked.” “Like what?” tanong ni Mia. Hinayaan ko na lang na sila ang mag-usap habang ako ay makikinig na lang sa usapan nila habang kumakain. Hindi rin kasi ‘ko madaldal na type ng tao. Nagiging makuwento lang ako sa mga taong malapit sa ‘kin, and Axel doesn’t belong. “They asked me if I have a girlfriend,” Natawa naman si Mia, “Magtataka ka pa ba kung iyan ang una nilang itatanong sa ‘yo? Well, gwapo ka kasi kaya ikakaligaya ng ovary nila kung malalaman nilang single ka.” “Oo, single ako. It’s so obvious naman na they like me, but unfortunately, ayoko sa mga babaeng gusto lang ako dahil I’m a good-looking man. Beauty aren’t permanent; it will fade as time goes by.” Aniya. “I have this ex-girlfriend back then, and we broke up because she was already engaged. But you know what, hindi ako masyadong nasaktan sa sinabi niya.” “Bakit?” hindi ko na napigilang magtanong. “That time, I already fall out of love. Nawala na ‘yong feelings na mayroon ako sa kaniya, and I think that was because I found out that she was just fell in love with me because of my looks. Na-turn-off ako sa kaniya, kasi nalaman kong iyon lang pala ang nagustuhan niya, nothing more, nothing less. I am disappointed and I planned to broke up with her, when she told me that she was already engaged. It might be weird, but I felt happy that time kasi I can now able to free myself in our meaningless relationship.” Parehas kaming natahimik sa sariling upuan ni Mia matapos pakinggan ang nakakalungkot na love story ni Axel. Siguro nakaka-turn-off nga talaga na magugustuhan ka lang ng isang tao dahil lang may itsura ka, pero siguro hindi lahat ng taong maganda or gwapo ay mararamdaman iyon. May iba kasi na masaya pa kapag nalaman nila ‘yon, kasi karamihan sa ‘tin ay bumabase na sa itsura kung jojowain ka ba niya o hindi. Iba si Axel sa mga taong iyon, kasi given nang good-looking siya pero ang isa pang nakakatuwa sa personality niya ay kahit na biniyaan siya ng ganyang kagwapong mukha ay hindi niya ‘yon ginagamit to take advantage among others. “Agree naman ako sa sinabi mo na ang itsura ay may expiry date din iyan. Tyaka dapat nga lang naman na mahalin natin iyong tao based on his/her personality not just only looking upon their faces. I like your mindset about that, ha?” pagpuri ni Mia rito. “Pero ayos lang iyan, Axel. Mahahanap mo rin iyong babae na mamahalin ang buo mong pagkatao. Hintay ka lang kasi malay mo, ‘yong katabi nating babae na busy kumakain, siya pala ‘yong forever mo.” Napatigil ako sa akmang pagkagat ko sa turon na hawak ko nang marinig ang sinabi ni Mia. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, “Ako na naman ang napansin mo, bwiset ka talaga kahit kailan.” “Ay, ayaw pa sa ‘yo, Axel.” Natatawang sabi pa nito. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ng turon dahil gutom pa rin ako. Kanina pa ‘ko kain nang kain dito pero bakit parang hindi ako nabubusog? Kailangan ko na bang purgahin ang sarili ko? “You have dirt on your lips,” dinig kong sabi sa ‘kin ni Axel habang nakaturo sa gilid ng labi niya. Kinuha ko kaagad ang panyo sa bag ko at pinunasan ang gilid ng labi ko. “Wala na?” tanong ko. “Mayroon pa, itaas mo nang kaunti ‘yong panyo mo, then wipe it out.” Aniya. Ginawa ko naman ang sinabi niya pero base sa mukha niya ay mukhang hindi pa rin natatanggal iyong dumi sa gilid ng bibig ko. “Let me do it,” aniya at kinuha ang kamay ko na may hawak ng panyo. Lumapit siya sa ‘kin at iginiya ang kamay ko na punasan iyong gilid ng labi ko. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko habang hindi ko maialis ang titig ko sa mukha ni Axel. Good thing na hindi sa akin nakatuon ang mata niya. Sunod naman ay napatingin ako sa kamay niya na hawak ang kamay ko. Napalunok ako. Bakit parang naku-kuryente ako? --- Second Sign: Kapag hinawakan ka niya, mararamdaman mo ‘yong spark na sinasabi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD