Chapter 2

1740 Words
Kyle Enrico Salvador ☾ ⋆*・゚:⋆*・゚:⠀ *⋆.*:・゚ .: ⋆*・゚: .⋆ Bata pa lang ako, samu't saring kwentong katatakutan na ang naririnig ko mula sa nanay ko. Kapag daw nagpagabi kami sa daan, may multong sundalong Hapon daw na dadakip sa amin. O di kaya kapag hindi kami nakinig kina lolo at lola, dadalawin daw kami ng kapre na naninirahan sa puno ng mangga sa likod ng bahay namin. Noong first year high school ako, naglaro kami ng spirit of the glass kasama ng mga kaklase ko sa camping. Ako pa nga yung nagdrawing ng ouija board namin. Baso na pangtagay ang gamit namin na dinala ng kaklase ko sa camping. Halos ugatin na kami doon sa pwesto namin pero di pa rin gumagalaw yung baso. Noong fourth year high school ako, napagkatuwaan naming magbabarkada na pumasok sa sinasabi nilang haunted house. Abandonadong bahay iyon doon sa subdivision ng tropa ko na ilang dekada na daw walang nakatira. Tandang-tanda ko pa noong may narinig kaming ingay na tila may nangbabato sa bubong kaya kumaripas kami ng takbo. Yun pala ay mga bata lang yon sa labas at pinagti-tripan yung nakasabit na mangga sa puno. Kahit kailan ay di ako naniniwala sa mga paranormal-paranormal na yan. Tinatakot lang ng mga tao ang kanilang mga sarili sa bagay na gawa ng imahinasyon nila. To see is to believe ako. Kung walang proof, then it doesn't exist. To see is to believe. Di ko alam kung matatawa ako ako o maiiyak. Paano ba naman, di ako makapaniwala na may multo ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa sahig at nakaluhod. Nakatungo ang kanyang ulo at nakakuyom ang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita. "At anong ibig mong sabihin na bounded na tayo ng spirit contract?" ang tanong ko kay Junjun. Nakaupo ako ngayon sa kama ko, kaharap ang multo na nakaupo sa sahig. Pakiramdam ko ako'y isang hari habang pinapagalitan ang alipin ko. "Just like what I said, dahil sinabi mo sa akin ang pangalan mo, nakalabas ako sa building na yon. At ngayon, pwede na akong magpunta sa ibang lugar basta nandon ka. Uhh... basta within a certain distance." ang sabi ng mahina niyang boses. Para siyang bata na pinapagalitan, e pinagpapaliwanag ko lang naman siya. Pagkatapos ko kasing makita na nasa loob ng pamamahay ko itong si Junjun, agad kong kinuha yung rosary na nakatago sa drawer ko at inihagis ito sa kanya. Hindi naman siya nawala o natunaw. Kaya ang sunod kong ginawa ay hinampas ko siya ng gitara na nakasandal sa pader. Siyempre multo siya, kaya di naman siya natamaan. Tumagos lang siya sa gitara at tanging yung gitara ko lang yung napuruhan. Nawala ang takot ko nang makita kong gutay-gutay na yung gitara ko. Nanaig ang galit sa akin kaya tinignan ko ng masama itong si Junjun. Nagmakaawa siya sa akin na magpapaliwanag siya at lumuhod sa harap ko. Kaya eto kami ngayon. Ayon kay Junjun, di niya alam kung bakit ba siya nandoon sa building na yon. Nagising na lang daw siya isang araw at naramdaman na walang pumapansin at nakakakita sa kanya. Di niya rin alam kung gaano na siya katagal namamalagi doon. Sumasama lang siya mga nagta-trabaho doon para malibang. Sa katunayan, ang mga call center agent doon ang nagpangalan sa kanya na Junjun kasi sa tuwing kasama niya ang mga ito, lagi niyang naririnig ang mga salitang "Nandyan si Junjun sa tabi mo." Di rin naman niya alam ang pangalan niya kaya Junjun na lang ang tinatawag niya sa sarili niya. At ano ba itong spirit contract? Ang kwento nito ni Junjun, kapag daw binigay mo ang pangalan mo sa isang espirito, magkakaroon kayo ng kontrata kung saan ay dapat mo itong tulungang makatawid sa kabilang buhay. Sabi-sabi lang din to ng ibang multo na nakatira sa office building namin kaya di rin niya gaanong alam yung spirit contract na 'to. Kaya nang malaman niya na may nakakakita sa kanya, ang pangalan ko agad ang una niyang tinanong. Gusto kong tyenelasin ang lalaking ito ngayon. Hindi ba ako pwedeng mamuhay ng tahimik at payapa? Wala ba akong choice dito? "At paano tapusin itong spirit contract na 'to?" tanong ko sa kanya. Tumingin si Junjun sa akin na parang nagtatanong na obvious ba? pero di ko na lang pinansin. Napabuntong hininga ako kasi obvious naman ang sagot ayon sa kwento ko. Na dapat ko siyang matulungang makatawid sa kabilang buhay. "Paano kung di ako pumayag?" "Uhh... M-Mamamatay ka. 'Yun yung sabi sa akin ng isang multo." Nakita kong pinaglalaruan ni Junjun ang mga kamay niya habang nakayuko. Parang bata talaga. "May deadline ba 'to?" "You have one day." Napabalikwas si Junjun nang kunin ko ang tsinelas kong pambahay at akmang ihahampas yon sa kanya. Anong isang araw? Nahihibang ba sya? Mabilis naman lumuhod ulit si Junjun pero pumwesto sya malayo sa akin. "Sabihin mo ang totoo. Sa impyerno ang bagsak ng mga sinungaling." Tila natakot naman si Junjun. Napailing ito bago nagsalita, "I don't know. Di naman sa akin nabanggit ng kaibigan kong multo. Pero baka ASAP." ASAP? Wala akong panahon para tumulong sa kanya. Stress na stress na ko sa trabaho, dadagdagan pa niya. Saka hindi ko din naman kasalanan kung ano mang nangyari sa kanya. Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong napapatay. Wala rin naman akong Hit kapag kumukuha ng NBI. Kaya imposible na ako ang may kagagawan ng pagkamatay niya. Di ko na problema yon. "Wala akong panahon para dito. Sa iba ka na lang kaya magpatulong. Di ko rin alam kung bakit nakikita kita. Alam kong wala akong third-eye." Lalong lumukot ang mukha ni Junjun sa sinabi ko. Saglit siyang tumayo para lumapit sa akin, at saka muling lumuhod sa harap ko. "Please, maawa ka. I don't want to be trapped there. Gusto ko na'ng magpahinga." Nanginginig ang boses ni Junjun habang may mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Teka, hindi luha. Mga dugo pala. Napabalikwas ako habang iniwas ang tingin kay Junjun. Oo, nakikipag-usap ako sa multo ngayon, pero di ko pa rin kayang makakakita ang gantong nakakakilabot na bagay. Ayokong lumala ang insomnia ko dahil dito. "Teka, teka! Wag ka umiyak! Punasan mo yan. Hindi kita tutulungan hangga't di ka tumatahan!" ang natataranta kong sagot. Sa trabaho ko ngayon, sari-saring mura ang sinasalo ko mula sa mga bobong customer. Kahit na ganoon, hindi pa rin mawala sa sarili ko ang tumulong. Kahit na bayad ako sa pagtulong sa kanila, I always make sure to go above and beyond. Hangga't kaya, tutulong ako. Ano pang silbi ko dito sa mundo kung hindi? Ganon din ang nararamdaman ko ngayon. Hindi man ako bayad, wala man akong mapapala sa pagtulong sa kanya, at least I tried. Agad namang pinunasan ni Junjun ang mga mata niya at parang bulang naglaho ang pulang likido na nagmarka sa mukha niya kanina. Suminghot pa siya ng dalawang beses bago siya nagsalita, "Really? Really?! Tutulungan mo na ako?" Parang bata siyang lumapit sa akin at hinawakan ang paa ko. Kung tutuusin, hindi naman mukhang multo si Junjun. Ayon sa nakikita ko, ha. Hindi siya yung transparent na kaluluwa gaya ng pinapalabas sa TV. Hindi rin dugun ang katawan nito, maliban na lang noong umiyak siya. Para talaga siyang normal na tao. Kaya napagkamalan ko siyang isa ring empleyado sa office kanina. Teka... yung paa ko! Mabilis kong binawi ang paa ko na kanina ay hawak-hawak ni Junjun. Bakit nahahawakan niya ako? Hindi ba't tumatagos siya sa mga tao? "Saglit lang! Bakit nahahawakan mo ako?" ang nag-aalala kong tanong. Hindi kaya nababaliw lang ako at tao pala talaga itong si Junjun na napagkamalan ko lang na multo? Tinignan lang ni Junjun ang mga kamay niya at may bakas ng pagtataka ang mga mata. Para akong nakakita ng demonyo nang bigla siyang ngumisi at walang sabi-sabi ay sinugod ako sa kama. Umilag ako at hinila ang kumot bilang pang-harang pero tumagos lang ang kamay nito at lumapat sa taas ng ulo ko. Naramdaman ko na ginulo niya ang buhok ko. Di tulad ng mga tao, napakalamig ng kamay nito at medyo kinilabutan ako nang magtama ang mga balat namin. "Nahahawakan na nga kita! Cool!" Biglang tumagos ang ulo ni Junjun sa kumot na hawak ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. "AAAAAAAHHHHH!!!" Napasigaw ako. Sino ba namang hindi? Ikaw ba naman ang makakita ng taong tumatagos sa mga bagay, di ka kaya matakot? Lumayo si Junjun sa akin at ako naman ay napasuklob sa loob ng kumot. Ayokong atakin sa puso at mamatay mag-isa dito sa bahay. Huminga ako ng malalim. Paulit-ulit na inhale-exhale ang ginawa ko. "Sorry, Kyle." May mahinang boses akong narinig. "Na-excite lang ako." Binaba ko ng kaunti ang kumot sa mukha ko at sumilip gamit ang aking isang mata. Nakita ko siya na nakasiksik sa sulok ng kwarto ko at parang iiyak na naman. Nagtalukbong ulit ako ng kumot. "Tigilan mo yang pag-iyak mo. Pag nakita kitang umiyak, hindi na kita papansinin." Parang bata man ang sinabi ko, wala na akong pake. Ayokong mamatay dahil sa takot. Ilang saglit ang lumipas, hindi ko na ulit narinig si Junjun na nagsalita. Wala rin naman akong narinig na ingay sa paligid kaya lumabas na ako sa kumot. Nakita ko si Junjun na nasa kwarto ko pa rin. Nandoon pa rin siya sa sulok. Nakaka-awa siyang tignan, sa totoo lang. Mukha din itong teenager dahil mas maliit ang katawan niya sa akin. Sa tantya ko, mga isang dangkal ang lamang ng tangkad ko sa kanya. Hindi rin niya alam ang edad niya nang tanunging ko siya kanina. Mukha ring makinis ang balat nito, pero baka dahil iyon sa pagiging multo niya. Itim at tuwid ang buhok nito na maiksi ang gupit. Meron ding dalawang hikaw na nakapasak sa kaliwang tenga nito. Aakalain ko talaga na normal na tao siya kung di ko lang nasaksihan ang pagtagos niya kay Alan. "Tutulungan kita pero dapat sundin mo itong rules." ang sabi ko habang maayos na umupo sa kama. Malayo man ang agwat namin, parang nakita ko na kuminang saglit ang mga mata ni Junjun. Tumango-tango lang ito at maayos na lumuhod. "Una, wag kang iiyak. Ayoko makita ang duguan mong mukha." "Okay!" "Pangalawa, wag kang didikit sa akin at wag mo akong hahawakan." "Okay!" "At pangatlo, wag kang magsisinungaling sa akin. Kapag may naalala ka tungkol sa nakaraan mo, sabihin mo agad sa akin." "Deal!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD